Kitang-kita ko ang pag-ikom ng bibig nito. Ramdam kong lalong nagalit ng lalaki sa akin. Peste! Hindi kaya sampalin ako nito? Bigla tuloy akong napatingin sa kamay nitong malapad. Tumingin din ako sa mukha nitong umaagos ang tubig dahil sa pagsaboy ko rito. “Dahil sa ginawa mo'y lalong hindi ka makakawala sa aking posas, babae!” galit na sabi nito. Dali-dali ko namang kinuha ang tissue paper na nasa gilid ko. Pagkatapos at agad kong pinunas sa mukha ni Apollo. “Pasensiya naman, nabibiro lang ako.” At tuloy-tuloy kong pinunasan ang mukha nitong basa. Ngunit bigla nitong hinawakan ang pulsuhan ko. “Hindi mo ako madadaan sa paawa mo, babae.” Sabay tayo nito. Mabilis din ako napatayo mula sa kinauupuan ko dahil hinila ako. Hindi naman ako makatakas sapagkat may posas ang aking pulsuhan.

