(BLACK’S POV) Agad akong napatingin sa mukha ng lalaking kaharap ko. Hanggang sa bigla kong kinusot ang aking mga mata. Tila nawala ang kasalingan ko nang makilala ko na ang lalaking sumalo sa aking beywang. Mabilis tuloy akong kumawala rito. Abot-abot din ang kaba ng dibdib ko. Mabuti na lang ang maluwag ang pagkakahawak nito sa beywang ko. Napatingin ako sa adam’s apple ni Apollo at kitang-kita kong gumalaw ito. Paktay ako nito. Dahil nakilala ako. Tiyak na magtataka ito kung bakit nandito ako sa Bansang Hagarda. “Pasensiya na.” Dali-dali akong humakbang papalayo sa lalaki. Nang tuluyan akong makarating sa labas ng bar ay bigla kong nahawakan ang aking dibdib. Ramdam kong mas lalong lumakas ng kabog ng dibdib ko. May gosh! Nawala tuloy ang hilo na sumasapi sa akin kanina lang. Bigla

