Muli na naman sana akong hahakbang papunta sa pinto ng kwarto ko nang maalaala kong hindi ako puwedeng lumabas ng ganito ang itsura ko, baka magtaka ang may-ari ng paupahan. Kaya naman nagmamadali na akong pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Bigla ko ring nahawakan ang aking sikmura dahil bigla itong kumalam. Oo nga pala kahapon pa ako hindi kumakain. Hindi naman ako nagtagal dito sa loob. Ngunit dinig na dinig ako ang mga malalakas na iyak na nagmumula sa labas ng bahay nainuupahan ko. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong nagluluksa sila dahil sa pagkasawi ng mga mahal nila sa buhay. Gusto ko silang patayin. Agad kong pinakalma ang aking sarili. Baka magdilim ang aking paningin at kung ano pa ang magawa ko. Saktong tapos kong ayosin ang aking sarili nang biglang mag-ingay ang cellpho

