Palamunin---!

1854 Words
Nagising akong sa ingay ng mga boses sa buong paligid. Dahan-dahan ko tuloy iminulat ang aking mga mata. Ngunit biglang kumunot ang aking noo dahil nasa loob ako ng tent. TEKA bakit nandito ako? Sinong nagdala sa akin dito? Hanggang sa mag-sink in sa utak ko ang ginawa ni Mr. Eyeliner. Hayop na ‘yon. Ano’ng pakay niya sa akin? Nagmamadali tuloy akong bumangon. Ngunit bigla akong napahawak sa likod ng balikat ko. Bigla kasing kumirot ito. Siguro ay gawa lang ito sa paghampas sa aking ng Itay ng sinturon. Napatingin naman ako sa pinto ng tent nang pumasok doon si Mr. Eyeliner. Seryoso itong tumingin sa akin. Ngunit nang makalapit ito sa akin ay agad nitong hinawakan ang pulsuhan ko nang sobrang higpit. “Sinong gago ang nanakit sa ‘yo, Lipstick?” tanong nito sa akin ng seryoso. Hindi ka agad ako nakapagsalita. Teka, close ba kami para mag-alala ito sa akin. Agad kong hinila ang pulsuhan ko mula sa pagkakahawak nito sa akin. Binitawan naman nito. “Hindi ko kailangan magpaliwanag sa ‘yo. Mr. Eyeliner. Ikaw ang kailangan magpaliwanag sa akin. Ano’ng balak mong gawin sa akin, huh?!” singhal ko sa lalaki. Ngunit hindi nagsalita ang lalaki. Nakatingin lamang ito sa akin. Hindi ko alam kung ano’ng nilalaman ng utak ng lalaking ito. Hanggang sa dahan-dahan na naman itong humakbang papalapit sa akin. Agad naman akong napaurong lalo at patuloy pa rin ito sa paglapit sa akin. “Boss Apollo, paparating na ang Daddy mo!” narinig ko ang boses ng kabarkada nito. Nagulat ako ng kuhanin nito ang aking bag. Pagkatapos agad akong hinila papalabas ng tent. Dali-dali niya akong ipinasok sa loob ng kotse. “Kayo na ang bahala sa kanya, ihatid ninyo si Canete National High School---” utos nito sa isang lalakk. Hindi na ako nakapagsalita. Talagang gulat na gulat ako sa mga nangyayari. Hindi ko maunawaan ang lalaking ‘yon. Naguguluhan ako kung bakit ako pinaamoy ng pampatulog. Hanggang sa tumingin ako sa lalaking drive. “Mawalang galang na, ngunit akong dahilan at pinaamoy ako ng pampatulog ng lalaking,’yon?” tanong ko sa driver. “Sa kanya mo na lang itanong, Ms. Lipstick.” Sabay iwas nito ng tingin sa akin. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Hindi na lamang ako nangulit pa. Hanggang sa makarating kami sa Canete National High School. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at hindi man lang nagpaalam dito. Inis na inis ako sa lalaking ‘yon. Hindi tuloy ako nakapasok kaninang umaga. Nasalubong ko naman ang mga classmate ko. Ngunit bigla akong nanlumo nang sabihin nilang walang pasok ngayon hapon. Ayaw ko naman sanang umuwi. Ngunit no choice ako. Isang buntonghininga na lamang ang aking pinakawalan at agad na akong umalis ng Canete National High School. Pagdating sa harap ng gate ay agad ko itong binuksan upang pumasok sa loob. Ngunit nagulat ako sa boses na ‘yon. Mukang galit na galit ang kabet ng Itay ko. Dali-dali tuloy akong pumasok sa loob ng bahay. At kitang-kita kong hawak-hawak ni Jaya ang buhok ng aking Inay. “Ikaw, wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng hindi maganda, Blakelyn. Sino ka lang ba sa bahay na ito. Baka nakakalimutan mo na ako ang reyna sa rito. Isa ka lang alila ni Kulas dahil para sa kanya ay wala ka nang silbi---!” sigaw ni Jaya. Parang uminit ang aking ulo sa nakikita ko. Hindi ko mapapalampas na saktan lang ng isang kabet ang aking Ina. Kaya naman muli akong bumalik sa labas ng bahay. Dali kong kinuha ang timba na walang laman. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa loob at malalaki ang hakbang ko papalapit kay Jaya. Hanggang sa gigil na gigil kong pinaghahampas ng timba ang ulo ng kabet. “Ang dapat sa katulad mong anay ay sinusunog ng buhay!” At muli kong hinampas ang ulo ni Jaya. Nakita kong binitawan na nito ang buhok ng aking Ina. Ngunit patuloy pa ako sa paghampas kay Jaya. Wala akong pakialam kung matamaan ito sa mukha. “Black Lipstick!” narinig kong sigaw ng aking Ama. Ngunit hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy pa rin ako sa paghampas kay Jaya. Ngunit naramdaman kong may umagaw ng timba na hawak ko. Pagkatapos ay buong lakas akong sinampal sa aking mukha. Ramdam ko ang sakit nang pagkakasampal sa akin. Ngunit hindi ako umiiyak sa harap ng aking Ama. Galit akong tumingin dito. “Iyan lang naman ang kaya mong gawin, Itay. Ang saktan ako pati ang Inay ko. Sana iba na lang ang aking Ama. Hindi ang katulad mong walang kwenta---” “Napakawalanghiya mong anak, Black Lipstick!” “Ano’ng tawag sa ‘yo, Itay? Hindi ka naman natatawag na ulirang Ama dahil wala ka noon. Para sa akin ay isa kang walang kwentang tao---!” Ngunit naramdaman kong hinawakan ni Itay ang aking leeg nang mahigpit. Talagang balak akong patayin nito. “Kulas, bitawan mo si Black---” Sabay tulak ni Inay sa kay Itay kaya nabitawan ako. Dali-dali naman akong dinaluhan ng aking Ina. Umiiyak din. Agad din akong inilayo nito sa aking ama na walang kwenta, lalo at baka saktan na naman ako. Mayamaya pa’y narinig kong nagsalita si Jaya. Lumapit pa ito sa aking ama at umiyak nang walang humpay. “Daddy, pinagtulungan akong saktan ng mag-inang ‘yan. Mabuti na lang at dumating ka, kung hindi ay baka mapahamak ang ating anak. Saka naisip ko rin. Kung palagi na lang nila akong sasaktan, mas mabuti pang umalis na lang ako rito. Ang gusto ko lang naman ay nakipag-ayos sa kanila. Ngunit basta na lang nila akong inataki at kung ano-ano ang mga pinagsasabi sa akin na masakit. Ano’ng magagawa ko magmahal lang naman ako---” Pagsisinungaling na naman ni Jaya. Balak ko sanang suguri ang babae nang hawakan ni Inay ang pulsuhan ko. Nang lumingon ako rito ay magkakasunod itong umiling sa akin. Hanggang sa muling nagsalita si Jaya. Ang aking ama naman ay sobrang dilim ng tabas ng pagmumukha nito at ano mang oras ay puwede akong saktan. “Saka narinig ko ang usapan ng mag-inang ‘yan na balak nila akong lasonin. Heto, oh. Nakuha ko sa bag ni Black Lipstick---” Sabay taas nito ng maliit na botelya. Mas lalong kumunot ang aking noo nang makita ko ng lason ng daga ang hawak nito. “Sinungaling--- Dahil sa ‘yo kaya nagagalit si Kulas sa anak niya! Hayop ka!” malakas na sigaw ng aking Ina. “Kulas, kahit kailan ay hindi ako nagsinungling sa ‘yo ay alam mo 'yan…” At muling pumalahaw ng iyak si Jaya. “Pasensiyahan na lamang tayo. Ngunit hindi ko kailangan ng mga katulad ninyo sa aking bahay. Kung alam kong kayo ang papatay sa aking Anak. Ngayon din ay umalis kayo sa bahay ako!” sigaw ng aking Itay. Ngunit nagulat ako nang mabilis na lumapit si Inay sa walang kwenta kong Ama at magkakasunod na pinagsasampal nito. “Wala kang kwentang tao. Sinusumpa kita!” Sigaw ng aking Inay. Subalit nagulat ako nang buong lakas na itinulak ng hayop kong Ama abg aking Ina, dahil kaya bumagsak si Inay sa sahig. Dali-dali akong lumapit sa aking Ina. Alam kong nasaktan ito sa ginawang pagtulak dito. “Umalis na kayo rito. Ayaw ko nang makita ang mga mukha ninyo, baka dahil sa inyo ay mapahawak ang aking Anak!” Sabay talikod ng aking Ama. Lumapit ito kay Jaya upang alalayan ang hayop na anay ng bahay namin. Kitang-kita ko naman ang pagngisi ng babae. Kung baka ay ngising tagumpay ito. “Black, sabihan mo ang dalawang kapatid mo. Mag-asikaso na at aalis na tayo rito!” Agad akong nilampasan ng aking Ina. Ramdam ko ang sakit ng puso nito dahil sa ginawa ng aking Amang hayop. Dali-dali ko namang sinabihan ang mga kapatid ko na maghanda na dahil aalis na kami. Balak ko na sanang lumiko para makapunta sa kwarto ko nang harangin ako ni Jaya. Kitang-kita ko na parang nang-iinis pa ito. “Ako pa rin ang nagwawi, sa akin pa rin ang huling halakhak. Sa patingin ni Kulas, isa na lang kayong mga basura. Mga kawawang nilalang. Sobrang tuwa ko dahil masosolo ko na ang bahay na ito at akin na akin na rin si Kulas---” “Sa mata ng Diyos at mga tao ay isa ka pa ring kabet ng tatay ko. Magsaya ka ngayon, dahil balang araw ay iiwan ka rin ng aking Ama at hahanap ng mas bata sa ‘yo, pweee!” Sabay bangga sa balikat nito. Dali-dali na akong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Inay. Nakita kong nakahanda na ang mga gamit namin. “Inay, saan po tayo tutuloy? Wala pa tayong pera…” “Susubukan nating pumunta sa pinsan ko, baka puwede muna tayo roon habang wala pa akong trabaho…” Marahan akong tumango sa aking Ina. Dali-dali naman akong nagpalit ng uniform. Matagal kong tinitigan ang aking uniform. Sobrang nalulungkot ako dahil hindi ko na ito masusuot---” Ngunit nangangako ako na makakapagtapos ako ng pag-aaral. Ipapakita ko kay Itay na kaya kong magtapos ng pag-aaral na walang kahit tulonf nito. Nang mailagay na lahat sa isang bag ang mga gamit namin ay agad na naming itong binuhat ng Inay. Ngunit nagulat kami sa pagsulpot ni Itay. “Sapat na siguro ang 100 thousand pesos.” Sabay abot nito ng sobre kay Inay. Pagkatapos ay dali-dali na itong lumabas. Ngunit pa tuluyan nakakalabas ng matagal si Itay nang biglang pumasok dito sa loob ng kwarto namin si Jaya. Sobrang bilis ng mga pangyayari, dahil agad na kinuha nito sa kamay ni Inay ang sobre na naglalaman ng pera. “Akala ba ninyo hindi ko alam na binigyan kayo ni Kulas ng pera. Hindi ako papayag doon. Dahil ang perang ifo ay para lang sa amin ng baby ko. Umalis na kayo, ngunit kahit singko ay wala kayong mahihita sa kay Kulas. Balak ko na sanang sumugod kay Jaya ang pigilan ako ni Inay. “Hayaan mo na anak, makakaraos din tayo. Alam ko na hindi tayo pababayaan ng Panginoon,” malungkot na sabi ng aking Ina. Marahan na lamang akong tumango sa aking Ina. Pagkatapos ay dali-dali na kaming lumabas ng kwarto. Nakita ko ang dalawang kapatid ko na dala-dala na rin ang mga gamit nila. Pagkatapos ay agad na kaming umalis sa bahay na may Anay. Sumakay kami ng tricycle papunta sa bahay ng pinsan ni Inay. Sa isang barong-barong nakatira ang kamag-anak ng Inay ko. “Oh! Blakelyn, naligaw ka yata?” Sabay tingin nito sa mga gamit naming dala-dala. Hindi pa nagsasalita ang aking Ina nang maunahan ito ng pinsan nito. “Hindi ko kayo matatanggap dito. Nakikita naman ninyo kung gaano kaliit ang bahay ko!” “Asme, kahit ilang araw lang. Kapag nagkaroon ako ng trabaho ay aalis din kami---” Nakikiusap na anas ng aking Ina. “Hindi ko kayo matatanggap, pabigat lang kayo rito lalo at wala akong trabaho, palamunin ko ka pa kayo.” Sabay sara nito ng pinto. Kitang-kita kong laylay ang balikat ng aking Ina. Nababanaag ko ang agam-agam sa mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD