Katauhan!

1926 Words

AGAD kaming umalis sa tapat ng pinto ng barong-barong ng pinsan ng Inay ko. Ang hirap talaga kapag wala kang pera lalayuan ka at ang tingin nila ay basura. Kasabay rin ng pandidirihan nila. “Inay, bakit hinayaan mo lang si Jaya na kuhanin ang 100 thousand pesos. Kung tutuusin ay malaking tulong ‘yon sa atin,” anas ko sa aking Inay habang naglalakad kami. “Ayaw ko lang ng gulo anak, tama ka may karapatan tayo sa perang ‘yon lalo na kayong mga anak. Ngunit kilala ninyo si Jaya. Kayang-kaya niyang gumawa ng kwento, ayaw kong masaktan ka na naman ng Itay mo. Naniniwala ako na makakaraos din tayo. Patawad mga anak ko dahil naging mahina ako…” malungkot na sabi ng aking Ina. Hindi ako nagsalita, tama rin naman si Inay. Siguro ay umiiwas lang sa gulo ang aking Ina. Ngunit ang tanong saan kam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD