Lumapit ako rito upang hawakan ang kamay ni Ginang Laxen. Kitang-kita ko rin na sobrang lungkot ng mata nitol habang nakatingin sa akin. “Huwag kang mag-alala, Black. Nagpadala ako ng mga tao roon upang alamin kung ano’ng lagay ng Inay mo,” anas ng Ginang sa akin. Panay naman ang pasasalamat ko rito. Sinabi rin nito sa akin na matulog na ako upang makapagpahinga ako at huwag munang mag-isip nang kung ano-ano. Magalang naman akong nagpaalam sa babae. Muli akong bumalik sa kwarto na kung saan naroon ang mga kapatid ko. Muli akong mahiga sa kama. Kahit nag-aalala kay Inay ay pinilit kong matulog. Mayamaya pa’y tuluyan na akong binalot ng karimlan. Kinabukasan, nagising ako sa kalansing ng mga plato. Agad kong iminulat ang mga mata ko, nakita ko ang mga kapatid ko na kumakain ng umagahan.

