Ngunit hindi ako pinakikinggan ng taong may hawak na palakol. Inis na inis tuloy akong tumingin dito. Akala ko ba ay training ito? Bakit mukhang balak akong patayin nila. Tinarget pa nga ako ng maliit na kutsilyo sa aking binti. Hindi yata training ang tawag dito. Parang patayin na ito. Mabilis akong dumakot ng putik at basta ko na lang ibinato sa tao na may hawak na palakol. Natamaan ko naman ito sa mukha kaya huminto ito sa pag-ataki sa akin. Mayamaya pa’y agad itong tumalikod. Teka, tapos na ba niya akong atakihin? Nagmamadali naman akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa lupa. Ngunit bigla akong napangiwi dahil masakit ang binti ko. Nakita ko rin na umaagos ang dugo. Nakakaibang training naman ito. Buwis buhay! Mayamaya pa’y lumapit sa aking tatlong babae. Inutos nila na sumunod ak

