MR. EYELINER

1742 Words
Halos nanginig na ang buong katawan ko dahil sa sobrang lamig. Lalo pa kasing lumakas ang ulan at nandito pa rin ako sa ilalim ng puno habang nakatali ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatali rito. Punong-puno ng galit ang aking puso para kay Itay lalo na sa kabet nito. Hinding-hindi ko ito mapapatawad. “Black anak, patawad kung ngayon lang ako bumalik. Hinintay ko pa kasing matulog ang iyong Ama.” Mabilis ding inalis ni Inay ang tali sa aking buong katawan. Agad din akong ipinasok sa loob ng bahay at dinala sa kwarto namin. Inutos din ng aking Ina na maligo na ako nang mabilis. Kahit ginaw na ginaw ako ay agad kong sinunod ang aking Ina. Nagdala rin ito ng pagkain para sa akin lalo at hindi pa ako kumain ng hapunan. Panay naman ang hingi ng tawad ng Inay ko. Kitang-kita ko na halos namaga na ang mga mata nito sa kakaiyak. Hindi ako nagsalita. Panay lang ang kain ko lalo at nagugutom na ako. Pumunta naman si Inay sa likuran ko upang patuyuin ang aking buhok gamit ang hawak nitong tuwalya na hawak nito. Pagkatapos kong kumain ay agad namang iniligpit ng Inay ang aking pinagkainan. Dali-dali rin akong nag-toothbrush lalo at lamig na lamig na ako. Agad kong kinuha ang kumunot para ibalot sa aking katawan. Mayamaya pa’y agad na akong nilamon ng karimlan. Kinabukasan, nagising ako na parang mahilo-hilo pa ako. NGUNIT kailangan kong pumasok sa school lalo at may exam kami. Kahit sobrang lamig ng tubig ay tiniis ko at naligo pa rin ako, hindi na lang ako nagtagal dito sa loob. Pagkatapos kong maligo ay naglagay na ako ng uniform sa aking katawan at agad na akong lumabas ng kwarto ko. Nakita ko pa nga si Itay. Ngunit hindi ko ito pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. “Wala ka bang balak kumain, Black? Naghahain na ang nanay mo,” narinig kong anas ng aking ama. Hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy na akong lumabas ng kabahayan. May nakita naman akong tricycle kaya nakasakay ka agad ako. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa Canete National High School. Nang makapagbayad sa driver ay nagmamadali na akong pumasok sa loob ng gate. Kahit papaano naman ay nawala ang pagkahilo ko. Ngunit nilalamig pa rin ako at nanghihina ang buong katawan ko. Ngunit hindi ako puwedeng mag-absent dahil sa exam namin ngayon. Pagdating ko sa loob ng classroom ay agad na nagsimula ang exam. Kahit masama ang aking pakiramdam ay kinaya ko. Hindi ako puwedeng bumagsak sa exam namin. Dumating ang tanghali. Natapos na rin ang exam namin. Puwede na akong umuwi dahil wala namang pasok ngayon hapon. Habang naglalakad ako papalabas ng gate lalo kong naramdaman ang panghihina ng buong katawan ko. Isabay pa na hindi pa pala ako kumain ng umagahan kaya para akong matutumba. Kailangan ko nang makauwi ka agad upang matulog. Wala namang pasok bukas kaya makakatulog ako ng maayos. Nang makalabas ng gate ay dali-dali naman akong pumunta sa sakayan ng tricycle. Napatingin naman ako sa kanang daan at nakita ko si Mr. Eyeliner kasama ang mga barkada nito. Napansin kong sa akin nakatingin ang lalaki. Nakakunot din ang noo nito. Mabilis tuloy akong umiwas sa lalaki. Lalo at nakakatakot itong tumingin. Naisip ko rin kung pumapasok pa ba ito. Para kasing hindi ko ito nakikita sa loob ng Canete National High. Kawawa naman ang mga magulang nito dahil hindi ito nag-aaral ng maayos. Ngunit bigla akong napahinto sa paglalakad nang muli kong maramdaman ang pagkahilo ko. Parang nanlalambot din ang buong katawan ko mas lalong sumama ang aking pakiramdam. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na ngang nanlabo ang paningin ko. Alam kong babagsak ako sa lupa. Wala na akong magagawa pa lalo at wala na akong lakas. Ngunit naramdaman kong may sumalo sa aking pagal na katawan. Hindi ko na rin kayang imulat ang aking mga mata kaya hinayaan ko na lamang. Ang tanging dasal ko lang ay mabait ang nakasalo sa akin at hindi ako sasaktan. Mayamaya pa’y tuluyan na akong binalot ng karimlan. Nang magising ako ay sobrang tahimik ng buong paligid. Dali-dali ko ring iminulat ang aking mga mata. Nakita kong nasa isang magandang silid ako. Mabilis tuloy akong bumangon. Naramdaman kong parang mahilo-hilo pa rin ako. Pero na saan ako? Bakit nandito ako? Agad ko tuloy tiningnan ang relong pambisig ko. Nakita kong alas-kwatro ng hapon. Ilang oras na pala akong natutulog. Kailangan ko nang umalis dito. Agad akong sumilip sa bintana. Nakita kong mataas ang gate at kahit sinong tao ay hindi basta makakaakyat. Agad ko tuloy kinuha ang aking bag. Balak ko na sanang humakbang papalapit sa pinto ng kwartong ito nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mr. Eyeliner. Nanlalaki tuloy ang aking mga mata sa gulat. Teka siya ba ang tumulong sa akin? “Aalis ka na, Lipstick?” tanong ng lalaki sa akin. Napansin ko rin na may hawak itong tray na naglalaman ng pagkain. Bigla tuloy akong napatungo. “Oo, baka hinahanap na ako sa bahay, maraming salamat sa tulong mo---” Ngunit bigla akong napahinto sa pagsasalita ang itaas nito ang kamay upang pahintuin ako. “Eat first, before you leave.” Nasundan ko na lang ng tingin ang lalaki na ngayon ay papalabas ng kwarto. Dali-dali naman akong lumapit sa harap ng center table. Nakaramdam naman ako ng gutom ng makita ko ang masarap na pagkain. Napansin ko rin ang gamot. Iwan ko ngunit bigla akong napangiti. Hindi ko kilala ang lalaking ‘yon. At base sa itsura nito ay mukhang mayaman ito. Napahinga na lamang ako, ngunit may munting ngiti sa aking labi. Nagdesisyon na rin akong kumain upang makaalis na rito. Nang matapos akong kumain ay agad kong ininom ang gamot, lalo at naramdaman kong may kaunting lagnat pa rin ako. Mayamaya pa’y agad na akong tumayo sa kinauupuan ko. Napatingin naman ako sa pinto dahil may kumatok sa pinto. Agad kong binuksan ang pinto at nakita ko ang kasambahay. “Ma’am, pinabababa ka na po ni Senyorito Apollo, sumunod ka po sa akin,” anas ng babaeng kasambahay. Marahan akong tumango rito. So, Apollo ang pangalan ng lalaking ‘yon? Ngunit base sa itsura ng lalaki ay mahilig sa away. Na saan kaya ang magulang nito? Bakit pinababayaan lamang ito? Kung titingnan ay may edad na rin ang lalaki. Ano kayang nangyayari rito? Ngunit bigla kaming napahinto sa paglalakad ng kasama kong kasambahay dahil sa boses ng isang lalaki na galit na galit. Bigla tuloy akong kinabahan. Nanlalaki rin ang mga mata ko sa gulat. “Kailan ka ba magtitino, Apollo? Halos tumanda ka na sa 4th year high school. Ngunit hindi pa rin makakaalis-alis. Ikaw na lang yata ang pinakang matanda sa high school. Kailan ka ba mag-aayos ng pag-aaral mo, huh?!” sigaw ng isang may edad na lalaki. Ngunit wala akong narinig na sagot. Kaya naman dahan-dahan akong sumilip at nakita ko ang isang may edad na lalaki at nakaharap kay Apollo. Nakapikit lang ang mga mata ni Apollo. Tila hindi nito pinakikinggan ang ama. “Naririnig mo ba ako, Apollo?!” sigaw ng matandang lalaki. “Yes, dad. I can hear you. May sasabihin ka pa?” Sabay mulat ng mga mata ni Apollo. “Huwag mo akong sisihin kung ipadala kita sa ibang bansa, Apollo!” “Okay, dad.” Sabay tayo ng lalaki at nilampasan lamang ang amahin. Mabilis tuloy akong umalis sa aking pwesto lalo pupunta sa pwesto namin ang lalaki. Mabilis naman akong hinila ng kasambahay papunta sa kusina. Nakita ko rin kasi ang pag-aalala sa mukha nito dahil nakikinig kami sa usapan ng mag-ama. Saktong pag-upo ko sa upuan ay siyang sulpot ng lalaking si Apollo. Mas nagulat ako nang basta na lang nitong hinila ang aking pulsuhan at tuloy-tuloy kaming lumabas ng kabahayan. Agad niya akong isinakay sa kotse at matulin nitong pinatakbo. Kabado bente tuloy ako. Nanlalaki rin ang mga mata ko na tumingin sa lalaki. “Mr. Eyeliner, kung gusto mong magpakamatay, huwag mo akong idamay!” galit na sabi ko sa lalaki. Ngunit tumingin lamang ito sa akin at ngumisi, tila ba inaasar ako ng kumag. “No worries, Ms. Lipstick. Sa langit naman tayo pupunta--- baliw na sagot nito sa akin. Lalo akong hindi nagkapagsalita nang maramdaman kong mas lalong bumilis ang takbo ng kotse nito. Parang lalong lumala ang hilo na aking nararamdaman. Hanggang sa biglang huminto ang kotse nito. Nakita kong nasa tapat na kami ng gate namin. Dali-dali tuloy akong lumabas ng kotse. Hindi ko na nakuhang mag-thank you sa lalaki. Lalo at inis na inis na ako rito. Kung hindi lang ako tinulungan nito baka nasapak ko na ito. “Mabuti naman at umuwi ka na, Black. Tamang-tama ang dating mo, magluto ka na ng hapunan, wala ang Nanay mo rito, may inutos ako.” Agad akong napahinto sa paglalakad. Galit na tumingin ako sa babaeng nagsalita. Nasalubong din ang kilay ko habang nakatingin dito. “Sino ka ba para utusan ako?!” paasik na tanong ko rito. “Aba’t matapang ka pa rin? Ano’ng gusto mo, sabihin ko sa ‘yong Ama na pinagbuhatan mo ako ng kamay? Anong parusa naman kaya ang ibibigay sa ‘yo? Ang gusto ko ay palayasin na kayo dahil wala kayong silbi sa bahay na ito!” sigaw ng babaeng kabet. “Ikaw kaya, ano’ng tawag sa ‘yo? Isang anay rito sa bahay namin na dapat sa ‘yo ay pinupuksa!” mariin sagot ko. Ngunit dalawang sampal ang pinatikim nito sa aking pisngi. Ngunit hindi ako basta magpapaapi rito. Dali-dali kong kinuha ang pinaglalagyan ng basura ang basta na lang isinaboy sa mukha ni Jaya. “Ahh! Peste ka, Black!” Sigaw nito at kitang-kita ko ang pandidiri ng babae. Halos maiyak na ito. Malakas tuloy akong humalakhak. “Black!” dumagundong ang malakas na sigaw ng aking ama. Hindi ako lumingon dito. Ngunit dali-daling lumapit si Jaya sa aking ama. “Daddy, hindi ko na kaya ang pang-aapi sa akin ni Black. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa akin. Maayos ko naman siyang kinakausap para sana yayaing kumain. Dahil gusto ko rin siyang makasabay kumain. Ngunit ano’ng ginawa niya, tinapunan niya ako ng basura, tapos ang kanin na iniluto ko, pinakain niya sa aso. Pinagmumura niya ako at sinabihan na patay gutom. Sana raw ay mamatay na ang anak natin at ako, sobrang sakit noon para sa akin---”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD