Magkakasunod akong napalunok. Lagot ako oras na makilala ako ng lalaki. Mayamaya pa’y dumaan sa aking harapan ang lalaki at tuloy-tuloy na pumunta sa aking harapan. Inangat din nito ang aking mukha at mataman akong tinitigan. “Ako na ang bahala sa kanya, umalis na kayo!” Biglang anas ni Apollo. “Pero General---” Ngunit biglang inangat ng lalaki ang kamay nito kaya huminto sa pagsasalita ang isang pulis. “Kilala ko ang babaeng ‘yan, sige na, ako na ang bahala sa kanya!” mariin sabi ni Apollo. “Teka lang, hindi ako papayag diyan---” Biglang singit ni Jaya. Salubong ang kilay ni Apollo na tumingin sa kabit ng Itay ko. Ay! Oo nga pala. Hindi na ito kabit ni Itay. Pinagmamalaki na nito na siya ang tunay na asawa. “Mrs. Hayaan na lang po natin si General. Tayo na po,” anas ng pulis. Da

