Kitang-kita kong nagsalubong ang kilay nito. Pagkatapos ay muli nitong hinawakan ang aking pulsuhan. “Wala ka pang nagagawang trabaho ngunit nanghihingi ka na nang paunang bayad sa akin!” Mariing sabi ng lalaki. Ngunit agad kong hinila ang pulsuhan ko. “Mr. . . Parang sasakyan din ‘yan. Tingin mo tatakbo ba ang sasakyan kung walang gasolina, ‘di ba hindi? Kung wala akong pera, magagawa ko bang mahanap ang taong pinapahanap ko, ‘di ba hindi rin?” Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa lalaki. Kitang-kita ko namang nagsalimbayan sa pagtaas ang kilay ng lalaki. Inis na inis din itong tumingin sa akin. Parang gusto ko tuloy humalakhak ng tawa. Ngunit nagpigil ako at baka sipain pa ako ng lalaki. Pero kailangan kong humingi ng pera rito. Aba! Mahirap kayang hanapin ang aking sarili na

