(BLACK’S POV) Pangisi-ngisi ako habang inaayos ko ang aking mga pinamili na dadalhin ko sa Hagarda B. Bawing-bawi ako kay Apollo. Ngunit bigla akong napahinto sa pag-aayos ng mga dadalhin kong pagkain sa Hagarda B nang maalala kong ang camerang inilagay ko sa lugar. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone. Bigla akong napangiti dahil umalis na ang kotse ni Apollo. Kahit mga tauhan ng lalaki ay wala na roon. Makakapunta na ko roon upang dalhan ng pagkain mag-lola. Isang buntonghininga muna ang aking ginawa bago ako tuluyang umalis ng aking bahay. Kailangan ko agad makarating sa Hagarda B. Napaisip ako. Saan kaya ikinulong ang aking Ina ng mga mananakop na 'yon? Mukhang kailangan kong halughugin ang Hagarda A at Hagarda B para lang makita ang aking Ina. Agad na lamang akong nagpatu

