INIS na INIS tuloy ako sa lalaking nasa likuran ko. Ang daming puwedeng makita nito ay ako pa ang napansin ng ugok na ito. “Mr. Mukhang palagi kang nakamata sa akin. Parang ikaw yata ang stalker ko. Mawalang galang na, may bata pa akong gagamutin sa lugar na ito---!” mariing sabi ko at iniba ko rin ang boses ko upang hindi nito makilala. Wala naman akong narinig na salita mula sa lalaki. Kaya naman agad kong sinamantala ang pagkakataon upang umalis sa harap nito. Tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng munting tahanan ng matanda. Ngunit bigla akong napahinto sa paghakbang nang marinig ko ang boses ng mag-lola na ngayon ay nag-uusap. Hindi muna nagpakita sa kanila, nakinig muna ako sa mga pinag-uusapan ng mag-lola. “Lola, huwag mo akong alalahanin dahil magaling na ako. Kailangan ko ulit

