Aubrey Pov.
" hindi pala pumasok ngayong araw si cherry, masakit raw kasi talaga yung katawan niya." sabi ko kay Jessy habang naghihintay sa professor namin para sa susunod na subject. nag text kasi sa 'kin si cherry na hindi muna siya papasok ngayon.
" okay na rin 'yon para makapag pahinga siya, sa nangyari ba naman sa kan'ya kahapon siguradong sasakit talaga katawan niya." sagot ni Jessy. lumipas ang oras at ngayo'y andito na kami sa canteen para mag lunch.
habang nag-uusap kami ni Jessy ng kung anu-ano ay bigla nalang may lumapit sa amin na isang lalake na my hawag na isang bulaklak na sa tingin ko'y pinitas niya lang iyon na kung saan.
" hi! ah, good morning girls, sorry for disturbing you, I am Liam, well actually I've been seeing you for a long time, especially you Aubrey, and oh, by the way, here, flower for you." sabi nito sabay abot ng bulaklak sa 'kin, hindi ako nag salita tumaas lang ang kilay ko habang pinagmamasdan siya. hindi naman masama ang hitsura niya hindi rin gano'n ka gwapo sakto lang kung baga pero sorry nalang siya hindi ko siya type.
maya maya'y narinig kong tumikhim si Jessy kaya lumipat naman ang tingin ko sa kan'ya nabasa ko yung labi niya na sinasabing ' tangapin mo nalang kahit ayaw mo para umalis na yan dito' na pa buga nalang ako ng hangin bago tangapin ang bulaklak.
" ah, thank you Liam, pero sana hindi ka na nag abala pa na bigyan ako ng bulaklak and nice to meet you rin." naka ngiwi kong sagot ko rito.
" ehh, kasi gusto sana kitang ligawan." napapakamot batok nitong sabi. well hindi na ako nagulat pa ganito naman kasi lahat ng mga boys kapag lumalapit sa amin ni Jessy ligaw ang pakay nila kung hindi ako si Jessy ang gusto nilang ligawan.
" ahmm.. Liam sorry magpaka totoo lang ako ah, sorry ayoko kasi magpaligaw sa ngayon dahil mas gusto ko kasi mag focus sa pag-aaral." sagot ko rito ng seryoso.
" gano'n ba? sige pansensya na ulit sa distorbo." wika rin nito na halatang may lungkod sa boses. pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya at lumabas na ng canteen.
" best, wala ka pa rin bang balak mag bf hanggang ngayon? "
" wala! diba sabi ko naman sa'yo hangad hindi ko nakikita yung lalake na parang diamante na kumikinang sa paningin ko ay hindi pa ako mag boyfriend." sagot ko kay Jessy. tumawa naman si Jessy na para bang nag joke ako ng malupit.
" seryoso ka? saan ka naman makaka kita ng gano'n? "
" ganito 'yon, sabi kasi sa 'kin ni Lola noon na kapag daw titibok ng sobrang bilis ang puso mo at parang kumikinang ang isang tao sa paningin mo ay siya na yung 'the one' para sa'yo. " sagot ko noong bata pa kasi ako at buhay pa si lola yan ang lagi niyang sinasabi sa 'kin kasi gano'n daw yung naramdaman niya kay lolo ko noon. 'di ba parang fairy tail lang.
" Gaga! sa disney movie lang nangyayari ang gano'n wala sa totoong buhay! wala nga rin kasiguraduhan ang forever sa totoong buhay eh."
" ay! Basta! hihintayin kong mangyari yung gano'n pakiramdam! gaya nang sabi ni Lola."
" sige, tapos, paano kapag naramdaman mo na yung gano'n pakiramdam, tapos malaman mong kasal na pala siya o 'di kaya'y may fiance or girlfriend hahaha.." sabi nito sabay tawa napaisip naman ako, oo nga no? paano kapag gano'n nga, hayss.. Basta saka ko na iisipin 'yon.
nang mag hapon pumasok na kami sa room para sa huling subject namin para sa araw na ito. ngunit ang sabi sa amin wala raw kaming klase ngayong hapon bukas na raw at babaguhin raw ang schedule ng subject namin pero itong financial management at physics lang ang babaguhin gagawin daw itong M,T,T,F at yung physics na dapat ay MTTF ay ipapalit nila sa wednesday. naman oh! yung ayaw kong subject naging apat na araw pa talaga! kung minamalas ka nga naman talaga oh! alam talaga siguro nila na hindi ko favorite yun.
" oh, sasayad na yang nguso mo d'yan sa semento best." wika ni Jessy na mas lalong nagpa nguso sa 'kin.
"eh, paano ba naman hindi na nga ako hilig dun sa subject na iyon naging apat na araw pa talaga! ahh, hindi ko na alam anong gagawin ko, iniisip ko pa lang nanghihina na ako." malungkod kong sabi pero itong kaibigan ko pa ngiti- ngiti lang kung sabagay matalino kaya okay lang sa kan'ya.
" uuwi na ba tayo or tambay muna tayo rito? " tanong nito.
" punta muna tayong mall, magpalamig muna tayo saglit 'tsaka kailangan nating mag grocery halos wala nang laman ang ref. natin. " sagot ko at nag buntong hininga.
" ok sige, ano tara na? "
" tara! " maikli kong sagot sa ka tumayo sa aking kinauupuan. lumabas na kami ng university namin tinungo namin ang daan papunta sa mall. naglakad lang kami ok na rin iyon exercise rin paminsan-minsan. maglakad man o sumakay sa jeep mainit pa rin lalo lang akong mainitan pagsasakay sa jeep dahil siksikan at puno na nga nagpapasakay pa rin ng pasahero. ayaw rin ni Jessy na sumakay kami nang jeep.
kaya naman namin maglakad hindi rin naman masyadong malayo at may dala rin kaming payong.
" best, anu-ano ang bibilhin natin ngayon para sa Bahay? "
" chicken, pork, veggies, hot dog and ham, kaya dun muna tayo sa meat section, and after dun natin do'n sa snacks naman tayo."
" okay! ako na ang magtutulak sa cart."
Umaga na naman naligo lang ako saglit at bumaba na mag luluto pa ako. well for our breakfast ang niluto ko ay fried rice, ham, and sausage. pagkatapos no'n nag almusal na kami ni Jessy assusual nagmamadali na naman siya excited na naman siyang makita ang crush niya.
someone's pov.
"my gosh! pagod na kaluluwa ko, dry na rin utak ko, tapos may last subject pa tayo at isipin ko pa lang na financial management yung last subject natin sa araw na 'to, god ayoko na pong pumasok nakakapagod pala maging isang college student!" reklamo ni Aubrey habang nakapa lumbaba sa lamesa sa loob ng canteen. hindi kasi pumasok ang Isa nilang subject teacher kaya nakapunta sila sa canteen upang mag snacks.
" Hoy, gaga! kailangan mong pumasok kung gusto mong makapag tapos sa pag-aaral!" bulyaw naman sa kan'ya ng kaibingan si Jessy.
" totoo pala talaga sabi nila na mas enjoy ang high school life kaysa sa college." sabi ni Aubrey sabay buga ng hangin.
" yes, super true." pagsang-ayong sagod ni Jessy.
" pero best balita mo na ba na bago na daw yung prof. natin ngayon sa subject na financial management at rinig ko makisig, macho at gwapo raw." masiglang pahayag ni Jessy.
"talaga? echos lang nila 'yon panigurado matanda na 'yon kasi halos lahat ng mga prof. dito matanda na at 'yong sinasabi nila na macho sus! panigurado machonda ang gusto nilang sabihin." sagod ni Aubrey na halatang hindi interesado.
"grabe ka naman, hahaha... machonda talaga?" natatawang sagod ng kaibingan. ang ibig sabihin kasi ng machonda ay ' machong matanda'.
"pustahan pa tayo, machunda na 'yon." hamon ni Aubrey habang walang ganang sinusubo ang kinakain niyang fries.
"abay! hinamon pa ako, sige deal, kapag talo ka treat mo 'ko for one week but if ako ang matalo ako man libre sa'yo ng one week." sagod rin nito.
"deal." maikling sagod ni Aubrey at nagpatuloy na sila sa kanilang kinakain dahil malapit na ang oras para sa kanilang susunod na subject.
nang matapos sila sa pagkain ng kanilang snack ay tinungo na nila ang daan papunta sa room para sa kanilang last subject.
walang gana si Aubrey habang naglalakad para siyang isang zombie kung titignan kaya natatawa nalang sa kan'ya ang kaibingan alam 'din nito na hindi favourite subject ni Aubrey ang subject nila sa araw na iyon.