someone's pov.
akala nila Aubrey at Jessy hindi pa papasok ang new teacher nila sa araw na 'to dahil ilang minuto na silang naghihintay ay wala pa rin ito.
" classmate's wala bang sinabi kung papasok o hindi yung new teacher? " tanong ng kaklase nila na si Leona.
" wala naman, maghintay nalang tayo kasi kung lalabas tayo ngayon hindi natin masisilayan ang ka gwapuhan ni mr. new prof. kasi balita ko ubod ng gwapo ang new prof. natin at rich guy pa. " sagot naman ni Nolie. Isa siya binabae, bakla para mas madaling maintindihan.
habang wala pa ang kanilang teacher ay kinuha na lamang ni Aubrey at Jessy ang kani kanilang mga notebook upang mag review ang iba naman ay nag ce-cellphone meron 'din nakayuko sa kanilang armchair dahil inaantok.
lumipas pa ang limang minuto bago pumasok ang bagong teacher nila.
" good afternoon everyone," bati nito pagkapasok sa room at sinirado ang pinto.
"good afternoon sir!! " sagot ng mga students. naglakad na ito pa tungo sa lamesa sa harapan.
" I'm Eren Drake , I will be your new professor for the financial management subject." huminto muna ito sa pagsasalita at tumingin nang diretso sa kan'yang magiging mga studyante.
" since this is my first day here with you all ang gagawin muna natin ay introduce yourself, alam kong nakakatawang isipin dahil five months ng nagsimula ang klase pero dahil hindi ko pa kayo kilala kaya 'yon muna ang gusto kong ipagawa sa inyo. 'tsaka konti nalang ang oras natin, late akong nakapasok dahil may importante pa akong ginawa." mahabang pahayag nito sabay upo.
" so let's start here on the left side with you Ms." pahayag nito sabay turo sa isang babaeng studyante tumayo naman agad ang babae at nag pa kilala.
" hi good afternoon I'm Hazel cuevaz " pagkilala nito sa nahihiyang tono.
" I'm Jovie olaso "
" hi I'm Christy apolinario"
" good afternoon, I'm Leona Chavez "
" good afternoon, I'm Riyza Lim. 20 years old. "
" I'm Carl benitez"
" Michael Jordan hehe joke lang Po, ako po si Michael Samson."
" hellow everyone, and hellow sir! I'm Nolie Roxas in the morning! angel in the evening. hihihi " pagkilala nito na mistulang kinikilig at sunod naman nagpakilala ay sila Aubrey.
" good afternoon sir and classmate's, I'm Aubrey Gallo."
" good afternoon classmate's and good afternoon sir, I'm Jessy Bautista." sunod sunod naman nagpakilala ang ibang mga studyante hanggang sa natapos ang oras.
" okay class nice meeting you all. just call me prof. Eren. okay? bukas na tayo mag lecture since Friday naman bukas. I gotta go kasi i-arrange ko pa yung office ko. " paalam nito maya lang ay lumabas na ito ng classroom. pagkalabas nito ay tumili naman ang mga babaeng studyante ngayon lang nila nilabas ang kanina pang kilig na naramdaman dahil sa wakas nakita na nila ang kanilang bagong professor na ubod ng gwapo.
tahimik lang si Aubrey habang si Jessy mistulang may mga bulate sa katawan.
" my gosh best!! true lala yung balita na super gwapo at macho si prof. kita mo 'yon kanina pansin mo ba yung katawan niya grabe parang ang sarap niyang matankin best!! " tumitiling usal ni Jessy tahimik pa rin si Aubrey hindi niya maintindihan ang kan'yang naramdaman ng tumama ang kanilang mga mata habang siya ay nagpapakilala. ngunit sinusubukan niyang ayusin ang kan'yang sarili upang hindi mahalata nang kaibigan ang kan'yang itsura.
" huy! best! bat ang tahimik mo d'yan? wala ka bang masabi sa itsura ni prof, Eren? "
" huh! ah, eh, w-wala naman. " utal na sagot ni Aubrey sa kaibigan habang tahimik na nagdadasal na sana'y hindi na ito mangungulit sa kakatanong.
" ah, alam ko na siguro tahimik ka d'yan dahil ako yung nanalo sa pustahan natin na hindi matanda si prof. noh?! " naka hinga naman ng maluwag si Aubrey dahil sa iyon pala ang nasa isip nito. akala niya ay napansin nito na mukhang tinamaan siya sa kanilang bagong professor.
" ah, oo 'yon nga best hehehe."
" grabe best, mas gwapo siya kay sa sa crush ko goodness he's so handsome with a muscular body! uhh..ghad! " salaysay nito habang nakapikit ang mga mata.
kina gabihan hindi maintindihan ni Aubrey ang sarili kung bakit sumasagi pa rin sa isip niya ang mukha ng lalake pilit man niyang alisin ngunit bumabalik pa rin ang imahe nito sa isip niya lalo na ang binitawang ngiti nito kanina.
" ahhh....naman oh, kanina ko lang siyang nakita bakit naman gano'n hindi ko na siya maalis sa isipan ko, ito na ba yung sinasabi nilang love at first sight! shuta! nakakainis ah! " wika ni Aubrey habang sabunot ang sariling buhok. hindi kasi siya makapag concentrate sa pag re-review 'di nag tagal na isipan niya na lang lipitin ang mga notes niya at natulog na lang.
pagdating ng madaling araw naalimpungatan si Aubrey dahil naiihi siya pero inis naman siya sa kan'yang sarili dahil wrong timing ang pagka-ihi niya.
" naman oh, ang ganda sana nang panaginip ko! " inis niyang turan sa sarili. pagkatapos no'n hindi na nakatulog muli si Aubrey kaya naisipan na lamang niyang bumaba sa kusina at magluto ng umagahan nila ng kaibigan.
" oh, best, but ganyan hitsura mo para kang sumabat sa sabunutang labanan? " natatawang turan ni Jessy ang kalat kasi ng buhok ni Aubrey hindi pa kasi siya nagsusiklay mula pag gising niya kanina nag toothbrush lang siya pagkatapos ay bumaba na't nagluto.
" 'wag mo kong tawanan d'yan hindi pa kasi ako nag suklay nag sipilyo lang ako, tiyaka wala ako sa mood ngayon." nakasimagot namang sagot ni Aubrey sabay lapag sa lamesa ang mga niluto niya para makakain na sila dahil kumakalam na rin ang sigmura niya.
tahimik na lang kumakain si Jessy dahil sa sinabi ni Aubrey na wala siya sa mood inisip niya na baka kung sakaling kulitan pa niya ito ay mag-aaway lang sila kaya tahimik na lang siyang pinapapag ang pagkain niya.