(Naya's POV)
Ipinarada ko ang kotse ko sa tabing kalsada saka ko kinuha ang mga dala ko saka ako bumaba, walang tao sa bahay kaya lumabas na lang ako ng mag-isa. Simula ng mamatay ang kambal ganito na ang buhay namin, palagi akong magisa kasi nagta-trabaho sina Mom at Dad na hindi ko naman nararamdaman noon kasi andyan yung kambal.
Noon we have lolo and lola, kasama pa si Apollo, kapag magkakasama kami okay na, hindi na ako nagaalala na magisa ako kasi hindi naman nila ako pababayaan, palagi naman silang to the rescue noon tapos babawi na lang sina mom and dad paguwi ko every weekends.
Napabuntunghininga na lang ako saka ko mas binilisan ang paglalakad palapit sa libingan nila mimi at ng kambal.
"Kamusta kayo dito?"
Tanong ko sa kanila saka ko Ibinaba ang kandila sa harap ng puntod nila saka ko iyon sinindihan, sa tabi noon ko inilagay ang bulaklak saka ako naupo sa damuhan. This was the first time na pumunta ako dito ng magisa at kusang loob magmula ng mamatay ang kambal.
"Medyo okay na kami, natatanggap ko narin talaga na wala na kayo kahit papaano"
Malaking tulong narin yung pagkakahuli kay Victoria kahit papano, dahil medyo nabawasan ang bigat sa akin at totoong may progress na ang kaso.
"Gagawin namin ang lahat mahuli lang yung anim, wag kayong magalala"
Kahit papaano masaya naman ako, nagkaroon naman ng kasagutan lahat ng tanong ko at ang tanong na lang ngayon, sino ang anim na kasamahan ni Victoria sa mga kagaguhan na to? Mahirap to dahil wala man lang kaming clue pero gagawin ko ang lahat mahanap lang yung iba pa. I look at my phone when it beep, himala nag-text si Nyx.
'Nasan ka? Magkita tayo'
Ano naman kayang problema nitong isang to?
'Where?'
Reply ko sa kanya.
'At the sweetcell's cafe!"
'Text me the address'
'Okay'
Tumayo na ako para umalis, wala din naman akong gagawin kaya makikipagkita na lang ako sa kanya.
"Magpa-paalam na ako, salamat alam kong you are helping us to solve this case, I love you three"
Tumalikod na ako para makapunta na agad sa cafe na sinasabi ni Nyx. I’ll make sure this will never be the last time na magagawi ako dito.
"Andito na ko!"
Bungad ko sa kanya pagsagot ko ng tawag niya ng makarating na ako sa cafe na sinasabi niya.
"Naya? Here!"
Nilingon ko agad yung sumigaw at nakita kong si Nyx iyon, kumaway pa siya sa akin kaya lumapit na ako. Pumasok na kami sa loob at naupo kung nasan si Ate Selene, akala ko kami lang.
"Ano bang meron?"
Takang tanong ko sa kanilang dalawa.
"May gagawin kasi kami at kaylangan namin ng tulong mo dahil alam naming ikaw ang magaling dito, Secret mission to, kaya tayo lang tatlo"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya ang weird niya ha?
"Ano bang klaseng mission at kaylan ba yan?"
Tanong ko sa kanila kahit na nawe-weirduhan ako sa kanila.
"Mamayang gabi, sa isang party ito ang address"
May inabot siyang papel sa akin na may nakasulat na address at may invitation card pa, birthday party?
"Anong gagawin natin dito?"
Takang tanong ko sa kanya.
"Kaylangan nating pumasok doon at kunin yung may birthday, ayaw kasing maniwala sa akin ni Kuya na ang may birthday na yan ay isa sa mga tauhan ni Victoria"
Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit tayo lang tatlo? Alam ba ng iba to?"
Tanong ko sa kanila.
"Ayaw nilang maniwala, hindi din ako naniniwala sa issue na to pero pwede naman natin sigurong subukan, here"
May iniabot na papel sa akin si Ate Selene na profiles ng may birthday.
“That girl ay isa sa mga kasamahan ng venom g**g na nakasagupa niyo noon, nakatakas siya ng gabing yun at pinalabas lang siya ni Victoria ng school, sabi ni Nyx andon din siya sa school noong nagkaroon ng g**g war at nakatakas siya”
Napatingin ako kay Ate Selene na hindi makapaniwala.
“nakilala ko siya nung aksidente kong na-browse ang mga files ni kuya ng tungkol sa mga myembro ng venom g**g, kasama natin siyang nakalabas noon Naya, ayaw maniwala sa akin ni Kuya pero wala na tayong oras, kaylangan nating kunin ang babae na yan”
Nyx was deperate, but I knew somethings wrong with this plan.
"Tell me the plan"
Nagkatinginan lang ang dalawa saka nagsalita si Nyx.
"May invitation na tayo malayang malaya na tayong makakapasok don, ang kaylangan na lang nating gawin ay mag-panggap na guest, at kapag nasa loob na tayo I will go on the monitoring room at kayo ni ate ang iikot, kapag nakita niyo na ang target, antayin niyo lang ang signal ko at papatayin ko ang mga CCTV Cameras at ang mga ilaw bago niyo siya turukan ng pang patulog at kunin, pero kaylangan nating gawin ng mabilisan yun dahil siguradong agad nilang iche-check ang circuit, siguro mas maganda kung sa rooftop na lang ng hotel natin siya dalhin"
Nyx said na agad ikinakunot ng noo ko, hindi pa ako nakakagawa ng ganoong mission sa harap ng maraming tao.
"Sige!"
Tanging sagot ko dahil pakiramdam ko naman ay hindi seryoso to. What the hell? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Ako na ang bahala sa damit mo"
Tumango na lang ako sa sinabi ni Nyx.
"San ang exit natin?"
Tanong ko sa kanila.
"Ako na ang bahala sa exit, after all kapag pumalpak ang plano niya kaylangan kong siguruhin na ligtas tayong tatlo"
Sabad ni Ate Selene sa amin.
"Masaya to"
Mukang excited na excited na sabi ni Nyx.
"baliw ka ba? delikado to"
Sermon ko sa kanya na ikinatawa niya lang.
"Naya di ba nga sabi mo kakaunti ang nakakaalam mababa ang chances ng failure"
Pagpapalusot pa niya na agad kong ikina-roll eyes.
"Ewan ko sayo Nyx"
Natawa na lang siya sa sinabi ko bago niya ibahin ang usapan, parang hindi seryoso ang lahat nakikita ko yun sa kanya, pero aaminin ko na nalibang kami sa kwentuhan bago kami pumunta sa penthouse nila, hindi pala talaga sa bahay nila nakatira ang mga to sa penthouse pala talaga, ang yayaman.
Nag-ayos na ang dalawa pagdating namin sa kwarto ni Nxy kaya kinuha ko na lang din yung napili ni Nxy na damit ko. its a maroon cocktail dress na parang sobrang mabuka ang palda na akala mo nagba-ballet ako pero parang sa paningin ko lang din naman yun, Tsk! Bahala na nga.
Pagkasuot ko noon ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at hindi ko nagustuhan ang outcome noon kaya sinuot ko na lang din ulit ang black leather jeans ko saka ko sinuot yung flat boots na suot ko kanina at saka ko muling sinuot yun cardigan ko.
I even let my hair fall saka ako nag-lipstick ng dark at nagpowder, nagpabango na lang din ako dahil palagi kong dala ako pabango ko kahit saan ako magpunta, pwede na to.
"Hindi na pala kaylangang ayusan!"
Nilingon ko yung dalawa na nagga-gandahan at nagse-sexy-han sa mga suot nila, nginisian lang ako ni Ate Selene and I just did the same.
"Okay na? Tara na?"
Yaya sa amin ni Nyx.
"Tara na!"
Sagot ni Ate Selene kaya lumakad na kami alas kwatro narin naman saktong sakto simula na ang party na yun dadating kami dun baka kalahatian na ng party kasi medyo malayo pa yung venue.
Sa totoo lang ay medyo kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit kaya ako nagkakaganito? Dahil kaya sa alam kong may mali dito? Tahimik lang ang byahe namin, seryoso yung dalawa at hindi din ako nagsasalita. Seryoso ba talaga ang mission na to? at may kinalaman ba talaga ang babae na yon sa venom g**g?
If that's the case alam niya marahil kung nasan kahit ang isa sa anim. Hindi dapat ako kabahan di ba? Dapat ma-excite ako, pero iba ang nararamdaman ko at parang may mali.
"Were here"
Nag-park na ng sasakyan si Nyx pagkasabi niya noon kaya nagmasid na agad ako sa paligid, marami ng tao at marami ng sasakyan sa parking lot pero parang unbothered naman yung dalawa at sanay na sanay na kaya dire-diretso lang kami sa entrance ng hotel.
Paglapit namin doon ay kinuha agad nung bantay yung invitation namin saka kami pinapasok nung receptionist, lobby ng hotel ang bumungad sa amin pagpasok sa loob bago kami dumating sa isang pinto ulit, garden birthday party ang isang to.
Kinakabahan ako dahil hindi pa kami nakakalapit sa mismong venue, what the hell? Maya maya lang ay hindi pa kami nakakalapit nakita ko ng nagkakagulo yung mga bantay sa pinto na tinutumbok namin, hindi maganda ang kutob ko dito.
"Diretso lang"
Bulong ni Nyx kaya dumiretso lang ako at pinapasok lang kami nung babaeng bantay pero bago pa kami nakapasok dinig kong may humiyaw na ng 'kunin ang tatlong yan' s**t, pakiramdam ko lalong tumindi ang t***k ng puso ko.
"Happy birthday Naya!"
Gulat na gulat akong napatingin sa lahat ng may malakas na sumigaw sa loob ng pinasukan naming pinto, andito sila mom at ang buong hellem? Birthday? I look at Nyx and Ate Selene pero niyakap lang nila ako.
"Sorry! Its part of the surprise!"
Hindi ko alam pero parang nawalan na lang bigla ng lakas ang mga tuhod ko pero naagapan ako ni Ate Selene.
“Naya? Naya sorry!”
Hiyaw ni Ate saka niya ako mas lalong niyakap.
“honey? Baby? Naya look at me”
Mom hold my face na tulad ng palagi nilang ginagawa.
“paupuin natin siya, Apollo I need water”
Dad said at agad naman nila akong inakay sa upuan, my heart was beating so fast and I cant even breathe properly.
Napatingin lang ako kay Mom habang nararamdaman ko na hinihilot ni Ate Selene ang kamay ko, I can even feel na may nagtutok ng fan sa akin.
“Sorry baby, did we shock you? Are you scared honey?”
Mom said habang tinutulungan niya si Ate Selene na hilutin ang kamay ko, pagdating ni Apollo ay pinainom agad ako ni Mom pero grabe parin ang panginginig ko, I cant even hold the glass.
“honey? You okay?”
Alalang alala ang hitsura ni mom. Hindi ba nila alam na kinabahan ako? na halo-halo ang nararamdaman ko? Alalang alala ako, kaya pala pakiramdam ko may mali, kaya pala pakiramdam ko may kakaiba ang it scares me like hell.
“shhh, no! Its fine, its fine, everythings fine, honey?”
Mom said saka niya pinahid ang mga luha ko at umiyak na lang ako na parang bata.
“im scared, mom”
Iyak ko at wala akong pakielam kahit marinig nilang lahat yun, mahigpit din akong yumakap kay mom.
“its okay honey, its okay, its over, don’t think too much now, its okay”
Umiyak na lang ako dahil sa halo halo kong nararamdaman. At wala akong pakielam kahit makita nila na umiiyak ako na parang bata, I am not a fan of surprises at all, it makes me overthink kapag alam kong may mali sa bawat kwento and it makes me scared like hell.
I even thought no one on our house remembered this day kasi lahat naman sila ay wala, saka I don’t mind also kung walang party or what ako nga kinalilimutan ko na birthday ko ngayon kasi hindi ko gusto na mag-celebrate.
Isinama na lang ako ni Mommy sa isang private room at hinayaan na lang sila na mag-celebrate doon, and I just cuddled mom hanggang sa alam ko na kalmado na ako.
“Did we scare you?”
Mom ask me.
“Mom, you knew I am not fond of surprises at all”
Tanging sagot ko sa kanya.
“we are very sorry honey, its just that we don’t wanna waste their efforts its Eos’s effort and the whole g**g, we warned them, kaya lang nakakaawa din naman sila”
Mahabang paliwanag ni Mom sa akin.
“pwede naman nilang sabihin na lang, kahit hindi na surprise wag lang ganito”
Inis kong reklamo kay Mom.
“hindi ka sasama, I knew you edi ganon din yun anak, sayang parin ang effort nila nun”
May point si Mom sa sinabi niya pero kahit na, ayaw ko ngang mag-celebrate eh.
“Sige na, just thank them at least”
Tumayo na lang ako saka ako naghilamos and I bun my hair saka ako lumabas ng private room.
"So party na?"
Bungad sa akin ni Nyx ng makita nila ako.
“party all you want, andito lang ako para tingnan kayo kasi sabi ni mom”
Singhal ko sa kanya saka ako lumakad palayo, I knew magaspang ang ugali ko, pero this is me, im not perfect at all.
"Sorry na, Naya!"
Hiyaw niya pero hindi ko na siya pinansin. Hindi pa man ako nakakalayo ay nakasalubong ko na si Apollo.
“what? Asikasuhin mo ang mga bisita mo”
Singhal ko sa kanya saka ako dumiretso. Nakita ko na sina Nigel di kalayuan kasama nina Kuya Cronus.
“okay ka na ba?”
Bungad nila sa akin na parang mga gulat na gulat pa na makita ako.
“Tinatanong niyo pa yan ngayon? Ni hindi niyo nga ako tinanong kung gusto ko ba to”
Sagot ko lang sa kanila.
“Nayamaine? Ano bang klaseng ugali yan? Whether you like it or not just say thank you”
Sermon sa akin ni Kuya Cronus.
“why would I be thankful when in fact I am really not, do I really need to fake it?”
Sagot ko sa kanya saka ako tumayo, nagulat na lang ako ng hilahin ako ni Nigel palayo doon at hindi na ako nag-reklamo.
“what? Sesermonan mo din ba ako?”
Singhal ko sa kanya pagdating namin sa west side ng garden ng hotel na hindi sakop ng party na yun.
“Naya? Do you really need to say that? Everyone made this, kung andito ang kambal o ang lola mo they will participate also, magugustuhan mo yun for sure kung andito sila but that doesnt mean you need to hate this kasi wala sila, they made this because they knew for sure they will do this for you”
Napatitig lang ako kay Nigel dahil sa mga sinabi niya.
“Say sorry to them, you have the guts to say that siguro naman kaya mo ding mag-sorry”
Tumango na lang ako saka ko siya hinayaan na hilahin ako pabalik sa venue ng party. Pagbalik namin tiningnan lang ako ni Kuya Cronus pero hindi na siya nagsalita, iniwan narin ako ni Nigel at bumalik na siya sa mga yun kaya umalis narin ako.
Lumapit na lang agad ako sa staff ng hotel para humingi ng favor sa kanila, I wont say sorry to them no. Kasalanan naman nila kung bakit ganoon ang reaction ko.
“mam okay na po yung instruments naka-set up na po ang lahat sa platform”
Report sa akin ng isang staff kaya nagpasalamat na lang ako saka ako nag-paalam, bumalik na lang ako sa venue saka ako pumunta sa platform kung saan inilagay ang pinapalagay ko sa kanila.
Umupo agad ako sa drum set at hindi pinansin ang mga nanonood sa akin. Saka ako pumili ng pyesa na tutugtugin ko. And I played Stay the night by Hayley Williams featuring Zedd. Pagtugtog ko pa lang ay sumabay na ang lightnings na pinaayos ko sa kanila kaya napangiti ako.
Pati ang party lights ay sumabay din sa pagtugtog ko. Cool. Now this is a party that I want, I wont have to be bitter anymore because I don’t want this.
“Party”
Hiyaw ni Apollo saka siya nagsimulang sumayaw and I just laugh. Baliw talaga siya.
“Come on guys? Fee concert ni Naya to”
Hiyaw ni Apollo sa mga yun saka niya pinaghihila ang mga kasamahan namin para tumayo, napatingin ako kay Joshua ng lumapit siya at maupo harapan ng mismong platform na kinaroroonan ko, ngumiti siya sa akin kaya natawa lang ako doon.
“Eos magpapatalo ka ba kay Joshua?”
Hiyaw ni Apollo kay Eos saka niya ito hinila palapit sa unahan kaya natawa lang din ako.
“okay! All rigth!”
Hiyaw ni Apollo na ikinatawa ko lang din, ilang beses akong tumugtog bago ako tumigil at humarap sa kanilang lahat.
“i wont say sorry for being rude, kasi totoo naman na I don’t like surprises, what the hell? i felt like im gonna die right at that moment, and since I don’t like it, I turned it to something I want so thank you narin, enjoy your party, kung pera na lang ang iniregalo niyo natuwa pa ako”
Natawa lang sila sa akin dahil sa sinabi ko at pinandilatan lang naman ako ng mata ni mom. Nagulat na lang ako ng maya maya ay yakapin nila ako pero napangiti na lang ako.
You know what I loved about this family? They always make me feel like a real princess, yung tipong hindi man ako kasing yaman ng iba dyan, busog naman ako sa pagmamahal at pagkalinga ng pamliya at walang kahit anong kayamanan ang makakapantay don.
Nagsimula na akong magikot matapos kong tumugtog at isa ito sa mga ayaw kong part pero ginawa ko na lang baka sermonan na naman ako eh.
"Happy birthday sa nagiisa naming boss Naya!"
Sabay sabay na sabi nina Nigel, Kenny, Josiah at Eric paglapit ko sa table nila.
"Che!”
Singhal ko sa kanila saka ako natawa at ganoon din naman sila.
“Salamat sa inyo! Kahit hindi halata, mahal ko kayo!"
Nginitian lang ni ako kaya ngumiti na lang din ako saka ako lumipat sa ibang table. Natawa ako kila, Cielo, Helena, Fredrick, Simon at Frion ng mapansin ko na parang hinihintay nila ako.
"Happy birthday sa pinaka-astig na babaeng nakilala ko!"
Bati sa akin ni Simon na ikinatawa ko lang, hindi nga ako nagkamali inaantay nga nila akong lumapit sa kanila.
"Salamat Simon!"
Sagot ko sa kanya saka kami nag-apir.
"Happy birthday sa pinakamaganda at cool na babaeng nakilala ko sa balat ng DRU"
Natawa lang ako sa sinabi ni Frion.
"I never thought na bolero karin pala? Pero kahit bolero ka salamat parin Frion!"
Natawa lang din siya sa akin.
"Happy birthday sa pinaka the best asset ng grupo, yung babaeng fearless and super intelligent, happy birthday Naya!"
Bati sa akin ni Fredrick and he hug me, niyakap ko din siya.
"Ikaw kaya ang asset ng grupo natin, Fredrick! Salamat din sayo"
Ngumiti lang siya sa akin.
"Happy birthday Naya, ikaw ang real life definition ng dangerous woman para sa akin"
Natawa lang ako sa sinabi niya
"is that even a compliment? Anyway salamat parin Helena!"
Natawa din sila sa sinabi niya sa akin.
"Happy birthday sa babaeng kahit kamatayan hahamakin, matupad lang lahat ng naisin niya, cheers to more years Naya"
Napangiti din ako kay Cielo.
"Salamat!"
Niyakap ulit nila ako, kaya niyakap ko lang din sila, after ko sa table nila ay lilipat pa sana ako sa ibang table pero hindi ko na nagawa yun dahil tinawag na ako sa stage. Si Ate Ezra at si Styx ang host ng party na ginawa nila para sa akin.
"hi?"
Lahat sila ay nagpalakpakan pagakyat ko sa stage habang nakatingin sa akin at nakangiti, nakaramdam naman ako ng hiya bigla dahil doon.
"I-i don't know how to react actually, after I almost collapse and I don’t know what to say since im not use to it, what the hell? don’t ever do this again "
Natawa sila sa akin and I sigh dahil naiiyak na ako. I should not be sad dahil naghanda sila para dito, pero naiisip ko sila kuya at si mimi pati yung mga kaibigan namin na namatay kasi mas masaya kung andito sila.
"Pero -- salamat parin, I-i didn't expect this actually! Kahapon pa lang I was thinking na magtago na lang para walang ganito at walang bumati -- kasi you know I hate such things like this for real, But you know you guys turned that into something that I never expected and I will surely regret if I missed it, Thank you! mula noon hanggang ngayon, thank you!"
I wipe my tears saka ako dali-daling bumaba sa stage dahil nahihiya ako sa kanila, sinalubong naman ako ni mom ng yakap pagbaba ko.
"Kaya guys! Party na napaiyak natin si Naya!"
Sigaw ni Apollo sa kanila saka sila nagsimulang magsayaw ng magsimula na ang tugtugan, kantahan at inuman, umikot ikot naman akong muli sa mga tables para magpa-salamat sa lahat ang dami pa naman nila. Pero pakiramdam ko parang may nawawala, parang kulang.
"At dahil tapos na ang kainan, magsimula na tayo sa messages para sa ating birthday celebrant"
Ate Ezra said na ikinakunot ng noo ko, anong meron? Hindi na ako naka-angal ng hilahin ako ni Apollo paupo sa isang tabi, habang si dada ay umakyat na sa stage. Bigla namang natahimik ang lahat, sino kayang nakaisip nitong message message na to?
"Having her was really my most favorite blessing, you know as you can see I have so many grandsons already and I never thought that one day she will come into our lives, you know her mothers pregnancy with her was unexpected at all, yet that unexpected one gave us someone that we will never ever resist! She was my favorite isn't that obvious?"
Natawa ako ng sabihin yun ni Dada, aawayin na naman ako nila Apollo, kung andito ang kambal nako isa pa sila.
"Yung pagdating niya ang nagbigay ng hindi maipaliwanag na liwanag at saya sa buhay naming lahat, she was very precious, more precious than anything in this world! So Happy birthday my baby princess! Dada loves you! And you will allways be my princess no matter what, okay?"
Dada talaga, natawa na lang ako dahil nagsisimula na si Apollo na bulungan ako ng mga rants niya sa buhay, baliw talaga ang isang to. Maya maya lang ay si Mamu naman ang tinawag pero kasama niya si Papu na umakyat sa stage.
"Ako muna honey?"
"Ako muna!"
Nagtawanan naman kami dahil sa kanila, alam niyo na kung saan nagmana si Apollo ha? Natawa na lang ako kasi wala ng nagawa si Papu kasi si Mamu parin ang nauna.
"Happy birthday sa napakaselosa naming prinsesa, ang laki laki mo na talaga, I love you baby!"
Natawa na lang ako kay Mamu, naaalala ko pa kung gaano niya kagusto na magkaroon ng anak na babae like me kaso hindi na pwede kaya hanggang Apollo lang talaga ang meron sila.
"I love you yamaine my baby princess! Yung gift ko yung kotse na paborito mo, I’ll show you that tomorrow! Happy birthday my sweety pie!"
Nag-flying kiss pa sa akin si Papu na agad kong ikinatawa.
"Dad?! Unfair to!"
React ni Apollo kaya nagtawanan na naman kami dahil sa kanya, wala pa kasi siyang kotse dahil napaka-careless niyang tao mas nauna pa akong magka-auto sa kanya actually.
"Kami naman!"
Angal ni Kuya Cronus at Kuya Zeus sa parents nila saka sila umakyat sa stage, umakyat na rin naman agad si Apollo kasunod nila.
"Ikaw na talaga ang paborito nila, pero okay lang ikaw lang naman talaga ang prinsesa namin wala naman kaming choice! Pero princess? andito lang si kuya Cronus, I can be your kuya Nate and kuya Cronus at the same time, mabait naman ako sayo di ba? Maliban na lang kapag uma-attitude ka, I love you! Happy birthday!"
Si kuya Cronus talaga bully, natawa na lang ako sa sinabi niya na parang sermon naman talaga.
"Happy birthday sa iyakin na lampa ng pamilyang to magsama kayo ni Apollo, but you know Im just kidding, i love you! Willing akong saluhin yung kotse nung kambal ibigay mo na lang sa akin ang isa don sumosobra ka na, pero joke lang yun syempre, Princess? Sumaya ka na ha? Bring back the happiness you was once brought in this family!"
Si kuya Zeus isa pa tong nakakainis, bakit sila ganyan? Ang drama drama nila, nakakainis.
"Insan? Tampo akes! Che! Pero anyways, kahit nakakainis yang kasamaan ng ugali mo mahal na mahal kita, kahit ang bully mo sa akin at lagi mo akong binubugbog alam ko naman na mahal na mahal mo ako kaya ituloy mo lang yon, okay lang naman yun sa akin, salamat sa pagtulong at pagtatanggol a akin palagi, salamat dahil kahit ikaw yung baby at kahit bakla akes loveshy mo akembang! Alabyu mah heart mah soul! Kyaaaaah kyaaaaah pembarya! Labyu ikawsxz lhungsz sxaphuat nhua 23 yow yow yow break it away!"
Nagtawanan lahat dahil kay Apollo pero dun ako naiyak ng tuluyan, bwisit na bakla yun. Binatukan pa siya nila kuya pagbaba nila na ikinatawa ko.
"Oh! Mamaya na kayo parents muna!"
Nagbalikan sa upuan sina Nyx ng pigilan sila ni Styx kaya nagtawanan lang kami, tapos si Mom at Dad ay umakyat narin sa stage.
"Baby? Watch this!"
Lahat kami ay napatingin sa VTR ng ituro yun ni mom, ano kaya yun? Shet? Don't tell me video ko yan?
"Eh ano ba naman kasing klaseng tanong yan?"
Napatakip ako ng muka ng mag-play na ang video, nakakahiya, nakapamewang pa ako sa video na yun at kunot na kunot ang noo, si kuya Cronus ang may hawak nung camera ng mga oras na yun noon, Nakakahiya talaga, I was just 12 by that time.
"Sagutin mo na lang kasi darling, ano ngang gagawin mo if we left one day? Isipin mo na lang pageant to"
Natawa pa si Kuya Nate sa tanong niya at pinaningkitan ko lang siya ng mata.
"Pageant? Oh come on men! Are you even serious?"
Tuloy lang ako sa paglalaro ng bola ng basketball habang sinasabi ko iyon na ikinatawa lang nila at ng mga kasama namin dito. Kasama ko sila kuya noon sa sala nung mga panahon na yan.
"Bakit ba may camera?"
Pagsusungit ko sa kanila.
"Uh? Sinusubukan ko lang yung bagong cam ko princess!"
Sagot ni Kuya Cronus sa akin.
"Ano na yamaine? Ano nga?"
Nilapitan na ako nung kambal kaya napatigil ako sa paglalaro ng bola saka ko sila tiningnan.
"Alam mo kuya Nate alam mo ang sagot sa tanong niyo, you knew me, kapag iniwan niyo ko you knew I’ll swear to death I will never ever ever stop searching for the reasons why you suddenly left me, so never dare, okay?"
Natawa lang sila sa sagot ko, and you dare kuya, you left.
"Did you love us?"
Tanong sa akin ni Kuya Naye.
"Si mom ba kayo -- ma? Sila kuya babatuhin ako!"
Hiyaw ko saka ako nagkunwaring umilag ng magbanta ang kambal na babatuhin ako ng unan sa couch.
"Twins?"
Hiyaw sa kanila ni Mom na tinawanan ko lang.
"Ma darling is liar!"
Sabay na hiyaw ng kambal kaya natawa ako.
"We? Darling daw? Che!"
Hiyaw ko sa kambal saka ko sila binato ng bola saka ako nag-flying kiss at mabilis na tumakbo dahil hahabulin nila ako. Natapos na yung video but never my tears, it hurts, I miss them so much.
"Baby? You already did that, you already did what you said, kaya ngayon we will never ever stop bringing back the Naya we know, the Naya on that video honey, I love you sweety! You are my baby and always be one of my angels! Happy birthday!"
Bati ni Mom sa akin kaya napangiti na lang ako.
"Honey? always remember you make me proud, always! Okay? And I will always be proud baby! I love you, we can do it okay? Happy birthday! Sabi mo di ba anak kita? Kaya alam kong strong ka, si Naya ka di ba? Just continue slaying them down! Fly high sweety!"
Dad talaga, natawa na lang ako, sa gandang lahi ba naman ng anak nila di ba sila magiging proud? Hays. Nagagaya na naman ako sa kahanginan ng kambal. Nakakainis kasi sila. Hayst!
After ng speech nina Mom at Dad ay umakyat na sina Fredrick at hindi pa man sila nagsisimula sa messages nila ay natatawa na ako.
"Death schedulers? Get ready!"
Hiyaw ni Fredrick at maya maya ay may biglang tumugtog lahat naman ng death schedulers ay biglang nagsayaw.
"Naya! Naya! ang masungit na prinsesa, Si Apollo! Apollo! baklang pinsan niya, siya at kaming lahat ay iisa, sa aming g**g kami ay sama sama"
Cheer nila pagkatapos nung sayaw, dumagundong ang ingay nila sa buong lugar and I cant just stop laughing sa kalokohan nila.
"Teka? Naya mamaya ka na magsaya, magpapatalo ba naman ang dark reapers natin dyan?"
Nagtayuan na ang mga dark reapers and Ate Selene hurriedly walk on the stage, she and ate Ezra leaded them. Sumayaw din silang lahat.
"Naya! Naya! tahimik siya, matalino at sobrang ganda pa, sa g**g na to siya ay taga-plano, kaya ang buong g**g ay saludo sayo"
Naghiyawan na sila at kanya kanyang cheer ulit at natawa lang naman ako sa kanila. Sino kayang nagisip ng kalokohan na to?