(Naya's POV)
“Bakit mo sila pinaiimbestigahan?”
Napakunot din ang noo ko sa tanong ni Nigel sa akin, bakit nga ba? Dahil ba weird sila? o dahil pakiramdam ko may dapat pa talaga akong malaman sa kanila.
“feel ko lang, for some personal purposes lang, medyo weird lang kasi sila nina Frion”
Narinig ko na natawa si Nigel dahil sa sinabi ko.
“i’ll update you kapag may nahanap na akong impormasyon tungkol sa kanila”
“okay”
Ibinaba ko na ang tawag saka akio napabuntunghininga, oo nga bakit ko ba sila pinaiimbestigahan? Hindi ba parang pagdudududa tong ginagawa ko? Pero ang weird lang kasi nila, ang weird ng pamilya nina Eos at maging si Frion.
Imagine we run an investigation sa lahat para sa mga impormasyon na kaylangan namin at sa kanila wala man lang kaming impormasyon na nakita, I mean too detailed, and so suspicious.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pilit na iwinaglit ang isiping iyon saka ako nagsimulang maglakad at maglibot sa DRU. Wala kasi akong time nung biglaan akong umuwi nung graduation ni Apollo, at isa pa I don’t have the courage that time at ngayon lang ako nagkalakas ng loob ulit, wala din naman kasi akong gagawin.
Ngayon na nalibot ko na to ulit, ngayon ko talagang masasabi na ang laki nga talaga ng pinagbago ng DRU, ibang iba na talaga dito lalo na yung mga batas at iba narin ang mga namumuno at ang way ng pamumuno. Medyo cool na nga kung tutuusin.
Kung may hindi nagbago sa DRU siguro yun ay kung anong klaseng paaralan ito, this school was for gangsters, hindi na yun magbabago, ganoon na ang kalakaran dito, siguro nasa pamumuno na lang din ang problema kaya nagkaroon ng mga ganong pangyayari pero siguro naman ngayon ay maayos na ang lahat.
I even heard na ibinalik na yung no weapons rules dito at kahit sa 11:11 ay bawal na yun, pahihintulutan na lang daw iyon tuwing hell month although bumalik sa dating schedule ang 11:11 sinigurado naman na patas na ang labanan sa lahat at sinisiguro narin ang no killing policy dito, bawal narin daw ang basta bastang away at ang bullying, sabi nila kung gusto mo ng away idaan mo na lang sa quadrangle gaya dati.
Nahigpit narin sila sa mga sanctions, sinisiguro na nila na disiplinado ang lahat at walang maaargabyadong mga magaaral, ginagawa na talaga nilang student friendly ang school. Ang balita ko nga ay may official clubs na ang mga g**g dito at magkakaroon lang sila ng official hideout kapag nakarating na sila sa class E, dun narin sila kikilalaning official g**g para daw maiwasan na ang maliliit na g**g na bigala biglang sumusulpot.
Kahit na bangungot ang nangyari nung nakaraang taon, nakita ko na marami parin ang nag-enrol ngayong pasukan, ang ibang mga nakasama namin noon na nakaligtas ang iba sa kanila ay nakita ko narin kanina, hindi ko nga inaasahan na may makikita pa ako sa mga dating nagaral dito pero bumalik ang iba sa kanila, ang iba nga ay busy na sa pagre-recruit ng mga kasamahan sa g**g.
Sa pagkakaalam ko nga karamihan ng mga pumapasok dito ay mga orphans o pamilya talaga ng gangsters o mga gangsters talaga, kaya may ibang mga estudyante na nagtyatyaga na pumasok dito dahil gusto nilang makatapos at magkaroon ng matutuluyan pansamantala. Hindi ko sila masisisi kung pipiliin nilang bumalik, pero masaya narin ako na mas madali na ang laht sa kanila ngayon.
Bumungtunghininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagiikot iniisip ko nga kung mag-e-enroll ulit ako dito o hindi, buti pa si Apollo desidido na siya pero ako hindi pa.
"You again"
Napalingon agad ako sa nagsalita na pamilyar ang boses at hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko, napangisi na lang ako kay Cyan ngayon ay kasama niya parin si Blue.
"Kayo parin?"
Napangisi lang sila sa sinabi ko saka sila tumayo sa tabi ko at pinagitnaan nila akong dalawa, nakatanaw kami pare pareho sa kalawakan ng quadrangle ngayon.
"Kamusta ka?"
Tanong sa akin ni Cyan kaya napangiti lang ako.
"Okay lang, doing good? I guess?"
Narinig ko na natawa silang dalawa sa sinabi ko.
"Mabuti naman"
Natawa lang din ako sa sinabi nila.
"Ang laki ng improvement dito ah"
Napatanaw din sila sa kabuuan ng school na to.
"Tama ka, ang laki nga ng pinagbago dito, hindi mo aakalaing minsang pinamahayan ng mga demonyo ang lugar na to"
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Cyan, tama siya, hindi na mababakas ang dilim ng nakaraan sa school na to ngayon. Napabuntunghininga na lang din ako, masaya akong maging parte ng pagbabago na yun. Kinuha ko agad ang phone ko when it beep, Apollo texted me already.
"Till next time?"
Pagpapaalam ko sa dalawa saka ako ngumiti, tumango lang naman sila sa akin kaya umalis na ako.
After that incident wala na kong balita sa iba, yung iba yung mga nakita ko kanina, yung iba naman sa mga kasamahan namin okay naman daw, maraming nalagas pero ang importante daw maraming nakaligtas. Dinala kasi agad ako sa America kaya wala na talaga akong alam sa nangyari matapos ang gabing yun.
Sabi ni Apollo official Hellem g**g members nadin kami, si Joshua naman daw ay nakalabas na ng hospital, dadalawin ko na lang ulit siya sa mga susunod na araw.
"Naya?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin saka ako napangisi, nginitian naman ako ng mga kasamahan niya, kahit papaano ay may natira pa pala sa mga kasamahan niya, ngumisi siya sa akin saka niya ako nilapitan.
"Buhay ka pa pala?"
Bungad ko na ikinatawa niya lang sa akin.
"Masamang d**o to no!"
Pati ako ay napangisi din sa sinabi niya.
“mag-e-enroll ba ulit kayo dito?”
Tanong ko sa kanya at tumango naman agad siya sa akin.
“This school plays a big part of my life that I wont forget, maybe at least thats the reason”
He said na agad kong ikinangisi, tama siya, this school was the worst part of my life but I cant just set aside those memorable things happen here especially my friends.
"Salamat Naya!"
Napatingin ako kay Helios ng sabihin niya yun saka ako ngumiti.
"Salamat din Helios, salamat kasi nagtiwala ka sa akin"
Ngumiti din siya sa sinabi ko, nasagot na ang mga tanong namin pareho.
"Join our g**g, from 12:23 now its viper g**g"
Natawa akong bigla sa sinabi niya.
"You're recruiting the wrong person man, I'm fine with my g**g, come on?"
Natawa din siya sa sinabi ko saka siya naglahad ng kamay na tinanggap ko naman agad.
"Gaya dati my brothers are on viper g**g and your brother are on Hellem, and we will be friends like them also"
Nginisian ko siya sa sinabi niya.
"Ganoon na nga, kaya wag mo na kong subukang I-recruit ulit okay?"
Natawa lang siya saka kami nagbitaw sa hand shake.
"See you soon Naya"
Tumango lang ako sa kanya saka ako ngumiti at ganoon din naman siya sa akin saka ako tumuloy sa paglakad, hindi naman nagtagal ay sa nakarating narin ako sa inferno building at doon ko na nakita sina Apollo.
"San ka ba galing?"
Tanong sa akin ni Apollo na halatang kanina pa akong hinahanap.
"Basta dyan lang, Sila Eos ba wala pa?"
Tanong ko sa kanila saka napakunot ang noo ko ng magkatinginan sila saka sila nagsimulang manukso.
"Uy hinahanap"
Sabay sabay nilang sabi saka sila nagtawanan.
"Manahimik kayo ah, ang usapan natin di ba sabay sabay tayo na mag-e-enroll, kaya nga ako pinayagang bumalik dito ay dahil sa usapan na yan, at isa pa nakita ko na sina Helios kanina, hindi naman yata pwedeng sila ang maging pinakamalakas na g**g dito ngayon dahil lang wala sila Eos no, hindi ako papatalo sa kanila"
Natawa lang sila sa sinabi ko.
“Kayo talaga ni Helios puro g**g ang nasa isip niyo”
Cielo said na ikinatawa ko lang din.
"Nakakapagtaka nga sila Eos, kasi wala man lang silang paramdam"
Nakakunot ang noong sabad ni Apollo sa amin kaya napatingin kami sa kanya.
"Puntahan natin sa penthouse nila?"
Maya maya ay sabi ni Simon sa amin, may penthouse sila?
"Baka wala sila don Simon, sinubukan kong tawagan ang telepono nila sa penthouse nila, baka sa tunay nilang bahay ang sinasabi nila"
Sagot ni Apollo sa kanila, ang dami ko talagang hindi alam sa mga pangyayari dahil ang tagal namin sa America.
"Hayaan niyo na nga sila, may sariling paa ang mga yon"
Sabad ni Frion sa usapan namin.
"Tama si Frion, kumain na lang tayo!"
Napalingon kami sa sumabad sa usapan namin saka nanlaki ang mga mata namin.
"Joshua?"
"Buddy?"
Sabay sabay na hiyaw ng mga kasama ko na hindi makapaniwala saka sila lumapit agad at saka siya kinuyog, si joshua andito na, papasok narin siguro siya.
"Kamusta buddy?"
Tanong sa kanya ni Fredrick habang yakap yakap siya nina Rowell at Gio na talagang ka-buddy niya mukang okay na okay na talaga siya.
"Mag-e-enroll na ulit ako"
Nakangiting sabi ni Joshua sa amin.
"Tara, samahan na natin to si Joshua!"
Hiyaw ni Simo at napangiti lang naman ako sa kanila, nakapag-enroll na din kasi ako kanina.
"Sabay na kami!"
Napalingon kami sa sabay sabay na humiyaw sa likuran namin, ang buong death scheduler g**g andito na sila, kumpleto na kami.
"Sugod!"
Lahat kami ay nagtawanan sa hiyaw ni Apollo, langya, nakakapanibago pero nakakatuwa na ang sasaya nila.
"Werpa!"
Nagtawanan na naman kami sa mga kalokohan nila.
"Hoy, sama kami sa inyo!"
Biglang may mga kumuyog sa amin ng yakap kaya nagkagulatan kami, ang mga dark reapers, kasama sina Ivan, Romer at Marielle even ate Ezra.
"Partyy!"
Sabay sabay nilaw hiyaw saka sila nagtata-talon at naghihi-hiyaw na parang mga baliw, this is the bond na hinding hindi ko malilimutan sa kanila, this is family, this is haven, at ito marahil ang dahilan kaya nanatili ang kambal sa piling nila.
"Sugoood!"
Sabay sabay nilang sabi saka sila pumasok sa loob ng inferno building at kaming mga nakapag-enroll na ay naiwan na dito sa labas. Ang iingay nila, hanggang dito ay naririnig ko parin sila.
"Kamusta kayo? Ikaw Naya?"
Tanong sa amin ni Ate Ezra maya maya paglabas niya.
"Okay lang naman ate, Ikaw?"
Sabay sabay naming sagot nina Cielo.
"Okay lang din"
Sagot niya at nagkatawanan na lang kami, weird.
"Pano naman kami?"
Napalingon kami dahil sa nagsalita sa likuran namin, ayan na yung apat ang babagal talaga nila.
“muntik na akong pauwiin ni Dad at hindi papasukin dito ang babagal niyo, malapit narin akong lumipat sa g**g nila Helios, tamang tama nire-recruit na nila ako”
Natawa lang sila sa sinabi ko pero hindi na nila yun pinansin, lumapit na agad sila sa amin saka sila dumireto sa inferno building at nag-enroll narin sila sa loob.
"San tayo pagkatapos nito?"
Tanong sa akin ni Joshua paglapit niya sa amin kaya nginitian ko siya.
"Ewan ko sa kanila Joshua"
Natawa lang siya sa sagot ko.
"Ang dami pa naman natin ngayon saka ngayon na lang ulit tayo nagkita kita we should celebrate"
Joshua said, nice nagiging madaldal na siya.
"Oo nga dapat mag-celebrate tayo"
Sang ayon nina Cielo kay Joshua.
"Guys? Sa bahay daw tayo nila Naya sabi ni Mama"
Apollo said kaya napalingon ako sa sinabi niya na nagtataka, wala namang sinabi si Mom sa akin.
"Bakit sa bahay? Ang dami nila oh, ayoko ngang maglinis ng kalat, sa bahay niyo na lang"
Reklamo ko na tinawanan lang naman nila.
"Dun daw sabi ni Mama, gusto din daw silang makita ni lolo"
Apollo said saka siya ngumiti.
"Tara na!"
Hiyaw ni Fredrick saka sila naunang lumakad sa amin kaya napakamot na lang ako sa ulo kahit hindi naman makati, what the hell? Uutusan na naman nila ako na I-entertain ang mga bisita na ayaw na ayaw ko ngang gawin.
“Joshua?”
Tawag ko kay Joshua na agad naman niyang ikinalingon sa akin.
“Dito ka”
I said saka ko isinuot ang sunglasses ko saka ako pumasok sa auto ko at naupo sa drivers seat, agad naman siyang lumapit sa akin at sumakay kaya umalis na agad kami.
“Ayaw mo ba sila sa bahay niyo?”
Tanong ni Joshua sa akin na ikinatawa ko lang habang nagmamaneho.
“My mom will surely force me to entertain them, hindi ko yun gusto kaya ayoko”
Natawa lang siya sa sinabi ko pero maya maya ay tahimik na kami, binagalan ko lang ang takbo at nag-ikot ikot muna kami saka namin tinahak ang daan pauwi sa bahay for sure andon na sila.
Pagdating namin ay hindi nga ako nagkamali sa hinala ko andito na ang lahat at parang may party sa bahay, ang daming pagkain, Dada, Mamu and Papu are here, even kuya Zeus and Cronus.
"May party ba?"
Tanong ko sa mga nasa sala ng bahay saka ko iniikot ang mata ko sa paligid, napaka-ingay.
"Ma? Andito na ang prinsesa"
Binato ko si kuya Cronus ng dala kong sitserya dahil sa hiyaw niya at tinawanan niya lang naman ako pati ang mga kasama niya ay natawa lang din. Sumama na si Joshua sa kanila at tumanaw naman ako kila Dada na nasa mini living room sa may malaking glass wall na tanaw ang garden namin, andito din sina Mamu at Papu.
"Come here?"
Yaya sa akin ni Mom pero tiningnan ko lang siya.
"Later"
Tanging sagot ko lang saka ako umakyat sa kwarto ko saka ako nagbihis.
Nagsuot lang ako ng jogger pants at white shirt saka ko nag-bun ng buhok at nagsuot ng sunglasses, nag-gitara din muna ako sandali bago ko naisipang bumaba, ayoko kasi ng maraming tao, hindi ko rin alam kung bakit basta simula bata ganoon na ako, im not into gatherings.
Nakapamulsa ako ng bumaba sa hagdan at napatingin sa mga nasa sala na nakita kong nakatingin lang din sa akin, hindi ko sila pinansin saka ko tinanaw yung mga nasa labas, wala na yung iba.
"Ang tagal mong bumaba umuwi na yung iba!"
Hindi ko na pinansin si Apollo saka ako bumaling kila Mom.
"Kumain ka na, halika na"
Yaya sa akin ni Mom saka niya ako niyapos sa braso ko at sinamahan niya ako sa kusina, habang sila naman ay tuloy ang kasiyahan, ang weird talaga nila.
"Bakit?"
Tanong sa akin ni Mom marahil napansin niyang tahimik ako habang naghahain siya.
"Wala lang, you knew im not into this kinds of gatherings kahit pa sino ang tao basta dumami na sila I cant take it”
Hinaplos ni Mom ang buhok ko dahil doon.
“Sorry honey, I just wanna see them”
Hindi na lang ako nagsalita para hindi na siya malungkot.
“know what mom? ang laki na ng pinagbago nung DRU, nakita ko rin sina Cyan kanina saka sina Helios"
Napangiti lang si mom sa sinabi ko so I smile at her too.
"how does it feel na nakabalik ka doon? Masaya ka ba?"
Mom ask and I smile again.
"Opo, kahit naman papaano hindi lang kalungkutan ang napala ko sa DRU, we gain friends and I got the chance to meet those peoples na nakilala ng kambal, at isa pa progress naman pong maituturing lahat ng to di ba?"
Ngumiti siya muli sa akin.
"Tama ka dyan anak, tama lang na matutunan mo na may maganda paring nangyari sa lahat ng bangungot ng nakaraan ha?"
Napangiti lang ako sa sinabi niya saka ako kumain ulit.
"Ma?"
Tawag ko kay Mommy na nakatitig lang sa akin na parang ako ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya, ganyan na ganyan nila akong tingnan nina Kuya.
"Bakit?"
Tanong niya sa akin kaya ngumiti ako.
"Wala lang, i love you"
Niyakaop niya ako saka niya ako muling binitawan.
"I love you too"
Mom smile and kiss my cheeks pagkasabi niya noon at tumuloy na ako sa pagkain ko, malapit na kaming pumasok, bihira ko na naman silang makakasama.
Matapos kong kumain ay lumapit na ako sa kanila, umalis naman na sila mom dahil may lakad daw sila kaya kami kami na lang ang naiwan dito. Yung iba naman ay naguwian na din.
"Pasukan na next week"
Maya maya ay sabi ni Fredrick out of nowhere.
"Trulalu mars"
Nagtawanan na naman sila dahil sa sinabi ni Apollo, kanina pa kasi sila naguusap gamit ang gay language, natawa lang ako when Cielo look at the other boys.
"Bakit?"
Kunot noong tanong ni Eos na parang takang taka pa.
"Iniisip ko kung sinong susunod sa inyo Eos"
Sagot ni Cielo na ikinatawa namin.
"wiz ko mag-talk ng ganyan loka"
Bigla kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Eos, What the hell? Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Nakakahiya ka kuya!"
Hiyaw ni Nyx saka siya tumawa ng tumawa ulit sa kuya niya habang nangingiti lang naman si Eos.
"Hindi ko pinsan yan okay?"
Nagtawanan na naman kami sa sinabi ni Ate Selene, what the hell? Sino ba ang nagpauso non.
"Naya? Mag isip ka na, iba yata ang habol nito sayo"
Styx said na tinawanan lalo nila.
"Baka sina kuya ang habol niyan o baka si Apollo!"
Nagtawanan na naman sila dahil sa sinabi ko at sinamaan lang naman ako ng tingin ni Eos.
"Wititit! Ang beauty ko lang ang wis dedmahin ni papa Apollo!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Styx at agad namang nagtawanan ang lahat dahil sa kanya.
"What the hell?"
Hiyaw ko at lalo naman silang nagtawanan dahil kay Styx na nag-flip hair pa. Kadiri talaga sila. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila dahil ang lalakas ng trip nila.
"Bakit Naya?"
Napalingon ako sa mga kasama ko ng tanungin nila ako.
"Wala"
I cleared my throat saka ako umayos ng upo.
"May ibibigay nga pala ako sayo"
Kunot noo akong napatingin kay Eos ng sabihin niya iyon saka ako napatingin sa mga kasama namin, ako ba ang kausap niya? Napatigil ako sa pagtingin sa mga kasama namin ng mag-abot siya ng paper bag sa akin, the same paper bag na palagi niyang ibinibigay sa akin.
"Alam kong nag alala ka sa akin, hinanap mo nga daw ako e"
Tinukso na kami ng mga kasama namin dahil sa sinabi niya.
“bakit kita hahanapin?"
"Ouch!"
Nagtawanan lang sila dahil sa sinabi niya saka niya sinamaan ng tingin si Apollo, so si Apollo ang nagsabi sa kanya na hinahanap ko siya? Napangisi na lang ako at least may pasalubong ako.
Muka talagang may problema siya na hindi niya lang sinasabi sa amin, nararamdaman ko iyon, pati si Nyx ay ganoon din, bakit kaya? Ano kaya yon? Is it really personal? Yung kaso kaya sa venom X yun?
Hindi ko pa lubusang kilala sina Eos, limitado lang ang alam ko sa kanila at madalas aynapapatanong din ako kung sino ba talaga siya, sino siya sa likod ng Eos na gangster. I wanna know, kasi pakiramdam ko may dapat akong malaman.
Pakiramdam ko talagang may tinatago sila, halos lahat sa g**g ay kilala ko na lalo na ang pamumuhay nila at pamilya, maliban sa kanila, sila na lang na dapat ay mas kilala ko hindi ba?
"Bakit?"
Napalingon ako kay Eos ng tanungin niya ako.
"Wala!"
Singhal ko sa kanya and he just glared at me, natawa na lang ako saka ko binuksan ang pasalubong niya, maya maya lang din naman ay balik na sila sa kwentuhan.