(Naya's POV)
“Inisiip mo parin ba yun?”
Agad akong napalingon sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Eos at hindi nga ako nagkamali, ngumiti siya sa akin at agad agad na lumapit, naupo din siya sa tabi ko na nakaupo sa buhanginan at nakatanaw sa kalawakan ng dagat.
“hindi ka na ba nilalamig? Ang aga pa”
Nginitian ko na alng din siya at umiling, nakapag-adjust na ako sa klima dito.
"Kayo kamusta yung investigations niyo?"
Tanong ko sa kanya na ikinatahimik niya sandali saka siya muling ngumiti, siguro nagulat din siya na naitanong ko ang bagay na yun all of a sudden.
"Masasabi kong okay naman ang lahat, nakita naman namin yung laboratory nila pero wala na kaming naabutan doon, sa totoo lang we didn’t have good results at all sa imbestigasyon pero sa ngayon I guess yung tungkol kay Victoria ay na-solve na natin, ang kaylangan na lang natin ngayon ay clue para sa susunod na target, I think we need to close the book of first and go to second kahit na alam namin na kone-konektado sila"
Napangiti na lang din ako sa sinabi niya. This man really knows how to fix my mess, he really knows how to handle me when im all fvcked up with my own anxieties. He knows how to handle me when im drowning myself with all of my emotions even though I cant do it back to him.
Sa ganoong paraan niya palagi ako nakukuha na kung tutuusin naman ay pareho kaming fvcked up ang mundo, pareho kaming nawalan ng kaibigan, kasamahan, mahal sa buhay, ang kaibahan lang naming dalawa ay kaya niyang I-handle yun ng mabilis, samantalang ako kaylangan ko pa ng panahon, mabilis akong masaktan sa ganoon, so we are always ending up like this, I am always ending up being fix by him.
"Tama ka, wala man siyang binigay na clue maliban dun sa mga sinabi niya at least may nalaman parin tayo, noon ngang wala tayong kahit anong barahang hawak ay nakahanap tayo ng paraan ngayon pa kaya, at isa pa pwede naman nating kausapin si Dad if ever na may kaylanganin tayo di ba?"
Nginitian niya ako saka niya ginulo ang buhok ko na ikinatawa ko lang.
"Kaya nga wag ka na munang mag-isip, magpahinga ka na muna, we have all the rest and you didn’t, kayo nina Tito, kaya magpahinga ka para hindi narin magalala si Tito ha?"
He said to me na parang sermon naman talaga saka niya ako sinabuyan ng kaunting buhangin na agad kong ikinagulat.
"Pwee! Bakit mo ko sinabuyan ng buhangin?!"
Hiyaw ko sa kanya saka ko agad na pinagpag ang muka ko pero siya ay tumawa lang, gumanti agad ako at sinabuyan ko din siya ng buhangin na agad niyang ikinahiyaw.
"Aray! Napuwing ako!"
Napapikit siya sabay hiyaw saka niya pinagpag agad ang muka niya pero nalagyan yata ang mata niya.
"Hala! sorry!"
Natataranta kong sabi saka ko mabilis na hinawakan ang muka niya saka ko sinubukang hipan ang mata niya pero parang hindi naman yun tumalab. Agad ko siyang inakay patayo.
"Maghilamos ka na muna sa loob, ikaw kasi eh"
Sermon ko sa kanya saka ko siya inakay papasok sa loob para makapaghilamos.
"Anong nangyari?"
Salubong sa amin nina Ate Ezra habang nagluluto sila ng agahan namin.
"Napuwing"
Simple kong sagot saka kami dumiretso sa lababo sa kusina at hinayaan ko na muna siyang naghilamos.
"Patingin?"
Tanong ko saka ko tiningnan ang mata niya pero hindi parin siya makamulat ng maayos.
"Meron pa, dun ka na muna kaya ko na to"
Pagkasabi niya noon ay naghilamos lang muli siya ng naghilamos, kaya naupo na lang din ako sakto naman na pumasok nadin sina Apollo dito sa kusina.
"Bilisan niyo ng kumain at magayos ng ilang gamit niyo, gagalain natin yung bundok sa likod"
Sabi ni Styx na agad naming ikinatingin sa kanya.
"Kabisado niyo ba yan?"
Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanila.
"Oo naman Naya!"
Sagot ni Styx sa akin kaya napatango na lang ako, sabagay they owned this island. Kaya pala ang dami nilang nilutong pagkain, babaunin siguro namin yung iba.
“Sige na kain na”
Ate Selene said kaya nagsimula na kaming mag-kainan, nae-excite narin ako sa gagawin namin mamaya, this is an unusual activity for me kaya dapat ay bilisan ko ng kumain.
Matapos namin kumain ay saka kami naghanda ng mga gagamitin namin sa pagakyat sa bundok, may mga gamit din sila dito sa rest house nila kaya hindi na kami mahihirapang maghanap nung iba pang kaylangan. Bukas naman daw ay bababa na kami ulit at pagdating naman daw namin sa taas ay may kubo don at dun kami magpapalipas ng magdamag pero magdadala parin kami ng mga tent at duyan para sure.
"Ready na ba kayo?"
Naghiyawan lang sila bilang sagot sa tanong ni Ate Selene sa amin, hindi naman halatang excited sila ano?
"Yung totoo? mas muka kaya kayong pirata na naghahanap ng kayamanan sa hiyaw niyo, imbis hiking mas mukang paglalayag ang gagawin natin"
Nagtawanan lang sila sa sinabi ko pero hindi naman nagbago ang excitement nila, nagsimula na agad kaming maglakad dahil mahirap na daw na abutin ng dilim sa daan, although hindi naman daw malayo ang peak at may maayos naman daw na daan, dapat parin daw na masiguro namin ang safety ng lahat.
Sabi ni Nyx madalas din daw sila dito dati lalo na kapag bakasyon kaya alam nila ang lugar na to, hindi na talaga ako magtataka kung kabisado nila ang lugar.
"Alam niyo ba dati daw may ayon sa kwento kwento ng mga matatanda sa mga kalapit na isla nito, may sumadsad daw noon na barko ng mga pirata dito na punong puno ng kayamanan, at pinaniniwalaang ang bundok na to ang mismong naiwang nakalutang na parte ng barko na yun"
Maya maya ay kwento ni Nyx sa amin.
"Edi ibig sabihin Nyx madaming kayamanan dito?"
Napaisip si Nyx sa tanong ni Apollo sa kanya.
"Siguro yun ang sabi ng matatanda eh, pero minsan gusto ko naring maniwala na totoo yun, you know this island ay ipinangalan sa akin ng lola namin at simula noon hanggang ngayon, marami paring nagtatangkang bumili ng isla na to sa amin, minsan nga may mga treasure hunters pa na sumasadya sa amin para lang sa isla na to"
Proud na proud na kwento ni Nyx.
"Seryoso?"
Sabay sabay na tanong nina Frion, Fredrick, Cielo, Simon at Apollo, marahil yung iba ay alam na ang kwento nito.
"Oo, isa pang patunay doon ay ang dating pangalan ng isla na to, which is treasure island, just imagine kung gaano kadami ang mga taong nais mapasakamay ang isla na to at sa dami nila malas lang nila dahil sa akin napunta to"
Natawa lang sila sa sinabi ni Nyx.
"Swerte mo naman Nyx, treasure hunt tayo?"
Maya maya ay sabi ni Apollo sa kanya.
"Kalokohan, manahimik na nga kayo"
Natawa na lang ako dahil bigla silang natahimik ng sumabad si Eos sa usapan nila, pero maya maya lang ay balik narin sila sa kanya kanyang kalokohan.
Napakunot na lang din ang noo ko ng mapansin kong may kakaiba sa mga kasama ko, si Helena kasi ay busy sa pakikipagusap kay Fredrick, si Cielo ay nakikipag-bugbugan na naman kay Simon, si Ate Selene at Romer ay parang busy din sa sarili nilang pinaguusapan, ganoon din si Ate Ezra at Styx, maging si Ivan at Marielle, si Frion naman ay kausap din si Nyx, si Apollo nga ay lumapit na sa amin ni Eos na parehong tahimik lang, napansin niya rin siguro ang pagkakaiba.
Si Helena at Cielo kasi noon ay hindi mo mapaghihiwalay basta basta isama pa si Nyx pero tingnan mo naman ngayon, ganoon din naman si Fredrick at Simon palagi silang magkasama pero ngayon iba ang kausap nila, ang weird lang noon ko pa yan nahahalata.
"Naya totoo ba na andon ka sa school nung graduation namin?"
Maya maya ay tanong ni Fredrick kaya natawa na lang din ako.
"Oo nga di ba? Nakita niyo ako nun, lasing lang kayo"
Napaisip din siya sa sinabi ko.
"Hindi ako naniniwala, hindi ka nagpakita sa amin noon"
Nag-roll eyes pa siya sabay flip hair ng sabihin niya yun kaya nagtawanan kaming lahat dahil doon.
"Kadiri ka buddy! Ibig sabihin ba nyan ay bakla ka na noon pa? At-at pinagnanasahan mo na ako noon pa man?"
Hiyaw ni Simon kay Fredrick na lalo naming ikinatawa.
"Wah! Betsin kita bweshywaps! Mwah!"
Nagpa-cute pa si Fredrick pagkatapos niyang tumili sabay kiss sa hangin at sabay kindat, nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya at tinawanan lang ako ni Eos na katabi ko dahil sa reaction ko.
"Ew!"
Reklamo ko sa kanya na sinabayan din ng iba pa.
"Yuck, kadiri!"
"Kadiri!"
"Langya!"
Napuno ng tawanan at ingay ang paglalakad namin dahil kay Fredrick na puro kalokohan. What the hell? Bagay nga sila ni Apollo na magsama.
"Tahimik"
Tumahimik bigla sila dahil sa sinabi ni Eos na agad kong ikinalingon sa kanya, seryosong seryoso siya at parang may pinakikinggan, hinila niya agad ako palapit sa kanya.
"B-bakit kuya?"
Kinakabahan ding tanong ni Nyx sa kanya.
"Take cover!"
Utos ni Eos sa amin kaya sumunod na lang din ako at hinila ko din si Apollo para magtago ng hilahin niya akong bigla para magtago sa mga puno at d**o.
"Nawala? Nasan na ang mga yun?"
Maya maya ay dinig naming sabi ng kung sino, I tried na sumilip pero hindi ako hinayaan ni Eos, may ibang tao sa isla at hinahanap kami?
"Andyan lang yon, hanapin niyo!"
Hiyaw ng kung sino na ikinakunot agad ng noo ko sino yun? Napatingin ako kay Eos na busy sa pagsilip sa kung sino kaya tumingin din ako doon at nakita kong may dalawang lalaki na armado di kalayuan sa amin. Hindi naman nagtagal ay umalis na sila kaya naglabasan na ulit kami sa pinagtataguan namin.
"Kaylangan na nating bumalik sa baba"
Seryosong seryoso na sabi ni Eos sa amin.
"Sino sila kuya?"
Nagtatakang tanong ni Nyx sa kanya, oo nga sino sila at bakit nila kami hinahanap?
"Malamang mga naghahanap ng kayamanan ang mga yan, sila lang naman ang magtatangkang pumasok sa isla ng basta basta"
Natahimik lang kami sa sinabi ni Eos seryoso siya doon at mukang hindi talaga nagbibiro, ibig sabihin hindi lang alamat at sabi sabi ng tungkol sa isla na to kung mayroon ngang mga tao na basta basta na lang pumapasok dito.
“Tahimik kayong lumakad pabalik, bilis”
Utos niya na sinunod agad namin, tahimik kaming bumaba at mabilis dahil baka makita nila kami.
"Tigil!"
Hiyaw ng kung sino kaya napatigil kaming lahat.
"Ilag!"
Hiyaw ni Eos sa amin saka niya ako niyakap at hinila niya ako sa may puno para magtago, pinaulanan naman agad nila kami ng bala.
"Takbo, bilis!"
Hiyaw ni Eos at nagtakbuhan na kami pababa habang umiilag ilag dahil tuloy parin sila sa pagbaril sa amin. Ang dami nila, mahirap pa namang tumakbo sa bundok. Badtrip! Pati ba naman dito makikipag-bakbakan kami?
Habang tumatakbo kami ay nagulat na lang ako sa biglang sumulpot sa tagiliran ko kaya agad ko siyang siniko ng malakas saka ko siya sinapak para makuha ko ang weapons niya, hinagis ko agad ang isang b***l kay Apollo, saka ko kinuha yung isa niya pang b***l saka yung granada na nasa bewang niya.
"Dapa!"
Hiyaw ko sa mga kasama ko na agad naman nilang sinunod sabay hagis ng bomba sa mga nagaabang sa amin sa baba. Sumilip agad ako sa unahan namin pagkatapos ng pagsabog, nakahandusay na ang mga yun at ang iba sa kanila ay nakatakbo pa, may mga nagtumbahan pang puno sa lakas ng pagsabog.
"Takbo!"
Hiyaw ko kaya nagsitayo na muli kami at tumakbo muli para makababa na. Kumuha narin sila ng mga weapon sa iba pa habang tuloy kami sa pagbaba hanggang sa makarating na kami sa patag, ibig sabihin ay malapit na kami.
Pero hindi pa man kami nakaabot sa mismong rest house ay napatigil na agad kami dahil may mga nakaabang na sa aming mga armadong lalaki sa paanan ng bundok.
"Di ba siya yung caretaker?"
Tanong ni Cielo kila Nyx na ikinakunot din ng noo ko, tama siya kasama nila yung caretaker ng isla.
"Wag na kayong pumalag wala na kayong kawala!"
Nagmamayabang pang sabi sa amin ng lalaking naka-shades, punong puno ng alahas ang katawan niya, hitsurang baliw na hayok sa kayamanan.
“Hindi mo ba kilala ang kinakausap mo?”
Eos ask them saka siya ngumisi sa mga yun.
“Alam namin na kayo ang may-ari ng isla, kayo naman kasi biglaan ng pagdating niyo”
Tumawa pa siya na parang baliw at ginaya pa siya ng mga tauhan niya.
“Alam mo din ba na kayang kaya kitang patayin ngayon din?”
Hiyaw ni Eos sa kanya at nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang bumagsak na may tama ng b***l sa noo niya. Naguat din naman lahat ng tauhan niya kaya kumilos na ako.
"Dapa!"
Hiyaw ko saka ako naghagis ng dalawang bomba sa kanan at kaliwa nila saka din ako dumapa. Muli akong sumilip ng matapos ang pagsabog, marami agad ang nalagas sa mga nakapalibot sa amin, pinaulanan na namin ng bala yung mga natira hanggang yung caretaker na lang ang matira sa kanilang lahat, hindi naman siya nakakilos hanggang sa lapitan siya ni Eos at saka niya sinapak ang lalaking iyon.
Naaawa man ako sa kanya dahil matanda na siya pero hindi paring katanggap tanggap na nagtaksil siya sa mga amo niya para lang sa kayamanan.
"Who are they?"
Hiyaw ni Eos sa nakasalampak na lalaki na bumakas agad ang takot sa mga muka, agad siyang lumuhod sa harapan ni Eos.
"B-boss? Napilitan lang ako, maawa ka, tinakot lang nila ako!"
Pagmamakaawa niya muli kay Eos.
"Who are they?"
Tanong ulit ni Eos sa kanya.
"Mga treasure hunter boss, maawa ka sa akin, napilitan lang ako tinakot nila ako"
Pagmamakaawa niya parin, mga treasure hunter pala talaga sila.
"Sila lang ba ang andito?"
Tanong muli si Eos na agad agad niyang ikinatango.
"O-opo boss, sila lang wala ng iba"
Binaril lang ng walang alinlangan ni Eos ang lalaki na yun na parang pumatay lang siya ng infected na katulad ng mga nakakasagupa namin sa school saka siya tumalikod, it feels so odd, hindi naman kasi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya, nagulat na lang ako ng biga niya akong hinila palayo sa lalaking yun kaya lumakad na rin ako at sumunod narin ang iba pa.
"Uuwi na tayo, baka dito pa tayo mamatay ng wala sa oras"
Wala ng nag-react ng sabihin sa amin iyon ni Eos pagdating namin sa rest house nila, agad din siyang umalis pagdating namin sa sala at parang may tinawagan siya.
Ginamot lang naman ni Ate Selene yung mga may sugat naming kasama bago kami nagayos ng mga gamit namin at umalis. Sayang tuloy ang bakasyon namin, pero okay lang din yun kaysa naman mas malaking disaster pa. Sapat na siguro yung ilang araw para makapag-isip na ako ng maayos.
Napalingon ako kay Eos ng tumunog ang cellphone niya habang nagmamaneho siya, kami parin ang magkasama sa auto ko ngayon. Tahimika ng byahe, hindi ko din alam kung bakit ganon.
"What?"
Tanong niya sa tumawag pagsagot niya ng tawag nito, he seems distracted simula pa kanina ng mangyari yung engkwentro namin sa mga treasure hunters.
"Okay!"
Binaba niya na agad ang phone niya matapos ang tawag na yun, si Eos yung tipo ng tao na magsasalita lang pag may sasabihin mas madalas pa tong nakasibangot kaysa magsalita, minsan pareho kaming parang parang may malaking problemang pinagdadaanan pero mas kakaiba parin siya, pakiramdam ko may iba pang dahilan kung bakit ganoon siya.
"Bakit?"
Tanong niya sa akin na agad kong ikinaiwas ng tingin, what the hell? Nagulat ako sa kanya.
"Wala lang"
Tanging sagot ko saka ako bumalik ng tanaw sa unahan namin.
"Ihahatid lang namin kayo tapos uuwi na kami ha?"
Napatingin ako sa kanya pagkasabi niya noon saka ako nagiwas muli ng tingin. Bakit ba nagpapaalam pa siya e ganon naman talaga ang mangyayari?
"Sige"
Tanging sagot ko saka ako tumanaw muli sa malayo.
"Naya?"
Nagmulat agad ako nung maramdaman kong may tumapik sa akin saka ako napakunot ng noo, si Apollo? Napatingin ako sa drivers seat at nakitang wala na doon si Eos saka ako napatingin sa paligid, nasa bahay na kami at gabi na kami nakauwi. Bumangon na ako mula sa pagkakasandal ko sa sandalan saka ako bumaba ng auto ko, nakatulog pala ako? nasaan na kaya sila Eos?
"Andito na tayo sa inyo, pumasok ka na sa loob para makapag-pahinga ka na"
Apollo said kaya lumakad na ako, siya naman ang kumuha ng gamit ko sa auto.
"Sila Eos?"
Tanong ko sa kanya habang papasok kami sa bahay.
"Nagmamadali sila, may tumawag kasi kina Ate Selene kanina"
Hindi man lang muna nila ako ginising bago sila umalis? Urgent ba yun?
"Oh? Napaaga yata kayo ng uwi?"
Napangiti ako ng makita ko si mom at nawala panandalian ang pagtataka ko sa pagmamadali nila Eos.
"Mahabang kwento mom"
Sagot ko saka ko sila niyakap ni dad even lolo.
"Gabi na, dito na muna kayo magpalipas ng gabi, bukas na kayo umuwi"
Mom said kila Simon na kasama namin papasok, van nga pala nila Eos ang gamit nila kaya wala silang gamit na sasakyan pauwi. Tumango na lang sila kay mom at ipinaayos naman agad ni mom ang mga kwarto na bakante kila yaya.
"Sila Eos?"
Tanong ni Lolo sa amin.
"Nagmamadali papu, Ang weird nga po nila eh"
Apollo said na halata din ang pagtataka sa muka.
“oo nga ang weird nila, ganyan ba pag super rich?”
Natawa na lang kami sa sinabi ni Helena.
"Baka naman emergency yun"
Lolo said to us, hindi ko na lang sila pinansin, baka nga emergency yun o kaya baka tungkol sa nangyari sa isla.
“Sige na, magpahinga na kayo”
Sabi sa amin ni Mom kaya nauna ng umakyat ang mga yun sa taas, bakit kaya gising pa sila mom? Kadarating lang ba nila?
"Bat gising pa kayo ma? Kadarating niyo lang din ba?"
Tanong ko kay mom at nginitian niya lang naman ako.
"yeah kadarating lang namin, may pinaguusapan lang kami anak ha? sige na matulog ka na"
Tumango na lang ako saka ako umakyat sa kwarto ko para makapag-pahinga na. I look at my phone pagpasok ko sa kwarto ko dahil baka may text si Eos pero wala akong kahit anong text na natanggap mula sa kanya. Ano kayang nangyari? Ang weird nila.
Lagi akong tinetext ni Eos pero ngayon ay wala, kahit nung nasa america ako ay palagi siyang nagme-message, ang weird talaga nila bakit kaya?
Nagkibit balikat na lang ako at nagbihis saka ako nahiga baka nga emergency, pero kung emergency yun bakit hindi nila sinabi? I look at my phone again paghiga ko sa kamay ko pero wala talaga siyang text ni missed call. Tsk! Makatulog na nga lang.