"s**t! SI BOY KAPE!" Halos mahulog sa pasimano si Jeanna nang matanawan si Rivas, papalapit sa gate ni Dhevona. May tracking device pa yata ang tinamaan! "Bakit? Ano'ng problema?" si Dhev, hindi malaman kung paano siya hahawakan. Sa puwet ba ko sa hinaharap. Nagliliglig kasi siya. "Tarantado 'yan e," pumasok siya sa loob, hinila si Dhev. Isinara ang pinto. Inilock. "Ang kulit ng jebs niyan! Sinabi ko nang hindi ko type mag-invest sa networking chorva na 'yan. 'Yung may binebentang kapeng pampapayat!" "Boyfriend mo 'yun hindi ba?" kandahaba ang leeg ni Dhev, sinisilip si Rivas. "Papunta si Arjo dito, seloso 'yun." "De pabugbog mo na," ibinaba niya ang blinds. "Ang tanga ko, bakit ko ba sinagot 'yan.." panay kalampag na nito sa gate. "'Wag mong pagbubuksan, wala ako dito." Kinuha n

