Chapter 5

1214 Words
NAPABALIKWAS NG BANGON si Jeanna, may naririnig siyang mga kalansing ng kubyertos, may pakanta-kanta. Fly Me To The Moon, Frank Sinatra. Pero ang boses pang I Can See Your Voice. Nangunot ang noo niya, kinamal ang sarili. Kinapa ang cellphone para i-check ang oras. Pasado alas otso ng gabi, Saturday. Baka nanonood nga ng television ang neighbor niya. Saturday eh. Ibig sabihin, dalawang araw na siyang nagkukulong sa apartment niya. Nagfile siya ng leave sa trabaho dahil sa sunud-sunod na pagpapadala ni Rivas ng kung anu-anong nakakairitang bagay sa opisina nila. Nakakahiyang malaman pa ng sambayanan ang inabot niyang kaengotan kay Rivas, maigi na 'yung magbakasyon muna siya. Bakasyon ba 'yung pagkukulong sa sariling bahay? E, kung pinuputakte nga naman siya ng ex niyang hibang? De, magkulong. Matulog. Yes, matulog. Nang kumalma na siya. Nakahinga siya ng maluwag. Wala namang pasok kaya puwedeng humilata uli pero distracting ang boses ng lalaki. Boses?! Kinuha niya ang robe at mabilis na ibinuhol ang sash nito, bumaba. Diretso sa kusina. May lalaki sa stove. Presensya ng lalaki, nakapolong puti, nakapants. Kilala niya ang sapatos. Binili niya 'yun e. Kung paanong nakapasok ito sa apartment niya? Oo nga. May susi pala ang tinamaan. Iisang tao lang ang may susi ng apartment niya bukod sa kan'ya.. Uminit ang anit niya. Kilala niya ang talipandas na lalaki! Si Rivas! Her ex from last five nights! At naramdam ng tukmol ang presensya niya. Nakangiti itong bumaling sa kanya parang walang nangyari last five nights. "Hey, gising ka na pala, naghanda ako ng dinner," anito at nakaset na nga ang table. May dalawang mug ng umuusok na kape. Kapeng may ginseng, panigurado. Gabing magkakape. Talaga naman. Nakahanda na ang fangs niya para mang ngatngat. Kuyom ang kanang kamao, gamit ang kaliwang kamay, hinila niya ang kuwelyo ng lalaki. "Get out!" hila, kaladkad. "I don't wanna see you!" hanggang umabot sila sa pinto. Grabe, bagong gising lang siya, ang pagmumukha ni Boy Networking ang mabubungaran niya. Utang na loob naman. "Let me, explain.." mahina ang boses nito. "Jeanna, it's for your own good.." Pasalamat na lang at walang tao sa labas. "About business, Jeanna.." Akmang sasarhan na niya ito ng pinto nang pinigil naman ito ni Rivas. "The offer still stands, sayang ang investment mo. Malaki ang kikita-" Lagapak ang pinto sa mukha nito. Wala siyang paki kung magkabukol ang lalaki. Isa lang ang malinaw. Slow si Rivas, dakilang slow na kinain ng sistema ng networking. Hindi man lang nakakaramdam ng hiya?! Hindi niya makausap ng maayos at automatic na kumukulo ang dugo niya, ni wala pang lumalabas na words sa bibig ni boy kape, naiirita na siya. Sobrang kapal ng mukha! Di man lang makahalata! Walang'ya nga naman. Binalikan niya ang mga pagkain sa mesa, isa isa niya itong inilagay sa plastic, shoot sa trash bin. Nahagip ng nagngangalit niyang mata ang sandamukal ng kape sa paper bag. Paano ba niya ididispose ang mga 'to? Iritadong bumalik siya sa kanyang kuwarto, naligo, nagbihis. Pupuntahan niya si Dhevona. Hindi siya safe sa apartment niya, siguradong puputaktehin siya ni Rivas. Magdadala na rin siya ng Fundador. Double light. HINDI MAPUKNAT ang tingin si Prince sa laptop screen. Hindi mailarawan kung siya ba ay nakangisi, ngakangiti o nakasimangot. Mula nung malaman niya ang pangalan ng babaeng sumuka sa kan'ya, kadiring encounter pero hindi niya tinantanan ang f*******: account nito, wala naman siyang magawa kundi usisain ang mga tagged post, tagged photos nito kay Dhevona at nalaman niyang isa pala itong receptionist sa isa hotel ng pinsan niyang si King. Ang swerte sana kung makukulit niya ang pinsan na ibigay sa kan'ya ang iba pang information ni Jeanna. Mapapadali sana ang kan'yang buhay. Kaso mo, maramot si pinsan, kaya shut up na lang siya. Hindi rin niya matanong si Dhevona, ilang araw na rin missing in action sa hindi nila malaman na dahilan. "I-hack mo na lang, ako ang nahihirapan sa'yo. Titig na titig ka kay Miss Gray e," si Kim, may dalang isang mug ng umuusok na kape. "Baliw ka rin talaga, pinagse-save mo lahat ng pictures niya. In love ka?" "Kape." At inilapag nito ang kape sa tabi ng laptop niya. "What do you know about love?" Naiiling na nagtipa uli siya sa laptop. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit panay ang hagilap niya sa babae. Ilang araw na siyang hindi maayos ang tulog dahil sa magandang babae. "Love is Enrico," sagot umismid si Kim. "Oy, sasama nga pala 'ko 'kina Direk at Grace sa Maligaya, kakausapin namin si bes ko." "Sinong magluluto ng dinner?" Scroll. Scroll. Click. Scroll. Click. Walang social life si Jeanna base sa mga postings nito na nakatagged naman kay Dhev. Ewan na lang niya sa laging binabanggit nitong si Spark. Alagang aso kaya? O pusa? Lalaki? Ibinaling niya ang tingin ka Kim. "Paanong dinner ko? Matatagalan ba kayo?" "Nagluto na 'ko. Bahala ka na, para namang lalayasan kita makapagtanong ka naman." "Last time na umalis ka ng bahay, may pumasok ditong labandera daw," Napangiwi siya. "Ninakaw ang mga boxers ko, hindi nga ako nadisgrasya nawala naman ang mga boxers ko." Himutok niya, pati baconize na boxer briefs tinangay, walang patawad! Hagalpak ng tawa si Kim saka sumimangot. "Ganyan katindi ang mga obsess sa'yo, Kamahalan. De, sa susunod kung may papasok na naman, 'wag mong patuluyin 'kamo wala si Senyora, alila kita." "Bakit kasi sasama ka pa do'n?" medyo, dinadaga siya kapag nawawala sa paligid niya si Senyora. "Hindi ko hahabulin ang mga bikining itim sa sampayan!" Nalukot ang mukha ni Kim. "Lintek na labandera 'yon! Tinangay mga seamless kong panty!" Isinuksok nito sa bag ang pepper spray na bigay niya. "Kunin mo nga 'yung lipstick sa tokador, baka may mabingwit akong oppa eh. Nabubuwisit ako sa mga panties na nawala!" "Ginawa mo pa 'kong utusan," napailing na lang siya. "Order ka na lang uli online, nasa iyo naman ang black card ko." "Alam mo, Kamahalan.." tinapnap nito ang keyboard ng laptop niya. "Magjowa ka na kasi! Hindi ka ba naririndi sa akin? Ako naririndi na 'ko sa sarili ko." "Sanay na 'ko sa ligalig mo," hinarap niya ito. "May mga pupunta bang mga tao mo dito? Di talaga ako magpapapasok." "Puwera na lang kung maganda ang mangangatok, patuluyin mo." ngumisi ito, tila nang-aalaska pa. "'Di ba'y sabi sa non stick pan ni Madam Sapphire, hinahabol ka ng malas dahil sa babaeng 'yon.. Si ano, nakalimutan ko na ang pangalan. Binasted mo kasi. De, dusa ka." "E, hindi naman natin alam kung totoo 'yun," giit pa niya. "Paano ako maniniwala sa kulam na 'yan. Napakaimposible ng reasoning ng kung sinumang kumulam sa 'kin. Ang babaw." "Ang babaw rin naman ng lunas sa kulam mo. Halik ng tunay na pag-ibig. Wagas at dalisay na pag-ibig," lakas ng tawa nito. "Idol ko na si Madam Sapphire! Ang lulupit ng tarot cards niya!" Kumunot ang noo niya. Napailing. "Si Peridot 'yun. Hindi si Madam Sapphire," pagtatama niya. "Kung saan saan ka na lang pumunta, kung sinu sino na mga kaibigan mo." "Ewan ko sa 'yo. I-lock mo na lang ang mga pinto at bintana. Gagabihin kami e." "'Wag ka nang sumama." "Maghanap ka ng jowa! Doon mo isalalay ang buhay mo!" at nilayasan na nga siya ni Kim. Ano bang magagawa niya? Wala. At binalikan niya ang mga pictures ni Jeanna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD