Dalawang tasa ng umuusok na kape. Sa papalubog na araw, humugot ng malalim na hininga si Jeanna. Nasa harap niya ngayon ang huling taong gusto niyang makausap. Si Rivas. Akmang kukunin nito ang kan'yang kamay na malayang nananahimik sa table nila. "Huwag mo akong hawakan," banta niya. "Hindi ako magtatagal kaya sabihin mo na kung anong gusto mo." "Jeanna.. I..." naputol sa ere ang sasabihin ni Rivas, naiiling. Humugot ng hininga saka tumitig sa kan'yang mga mata. "I want you back. I want us to start again." Blangkong ekspresyon ang isinukli niya. "I'm sorry, Jeanna." Halos hindi marinig ang boses nito. Nakatungo na rin na para bang hiyang hiya na lumabas sa bibig nito ang humingi ng tawad. "Anong sabi mo? Sorry?" Tuminis ang boses ni Jeanna. "Bakit? Wala ka na bang mauto s

