Inagaw ni Ric ang rosas at inilagay sa vase sa mesa nila. "Mga diskarte mo, boy. Ang lala!" Hindi malaman ni Jeanna kung mabubuwisit o matatawa sa dalawa. "Nak ka ng patis, Ricardo!" Naupo sa tabi ni Ric si Chase, at sa tapat pa niya mismo. "Pa-out na rin ako mayamaya. May gagawin ba kayo?" "Kung yayayain mo kaming magkape, hindi kami open minded," bara agad ni Jeanna. "Hindi ako interesado." Ang lakas ng tawa ni Ric, pati buong pagkatao na yata eh, yumuyugyog na sa katatawa. Nangingiti naman si Chase. "Chase, p're," kandatawa pa rin si Ric. "Allergic sa date iyang kasama ko. Isang tao lang gusto niyang kadate." "At ikaw 'yon?" Tumitingin si Chase Kay Jeanna. "Dinedate mo ang lokong ito? E, may balat sa puwet ang taong 'to!" "Patingin ng balat na 'yan!" Lumuwa ang mga mata n

