"Ric, nasa Pilipinas pa ba tayo?" Mula sa terrace ng tinutuluyang beach house, tinanaw ni Jeanna ang asul na asul na dagat. Ang dating kasi ay parang mga senaryong nakikita mo lang sa ibang bansa. Kudos sa mga disiplinadong mamamayan ng lugar na ito. Malinis na dagat at pinong buhangin. At walang nakakairitang basura. "Yes, naman Binibining Jeanna." Tumabi sa kan'ya si Ric Martel, ang lalaking pantasya ng mga matrona, binababae, bakla, nagpapanggap na tao at mga kabaro niyang bet na bet ang mala yummy abs at may yummy, basta yummy si Ric. Imagine in the world full of glutathione, full of Korean Oppa, namamayagpag sa mga commercial ads, modelo at puwedeng ipang audition sa Adonis Gay Bar. Ewan niya lang kung marunong gumiling. Lihim siyang natawa. "Ay patay kang bata ka," naili

