Natapos na ang unang video shooting ni Jeanna kasama si Baste. Naging smooth naman ang takbo ng vlog dahil nag food reviews lang sila. Kasama rin si Chase kaya parang naging magaan agad ang loob niya sa dalawang binata. Lumabas si Jeanna at pumunta agad sa parking area ng Silver Plates. Natanawan niya agad si Prince. Hawak ang cellphone niya. Hindi rin nakatiis si Sungit, kaya sumama na lang ito sa paghatid sa kan'ya. Naiiling na nilapitan niya ito. "Hoy.. hoy! Anong ginagawa mo sa cellphone ko?" sita niya. Mabilis niyang inagaw ang cellphonephone kay Sungit. Useless maglagay ng password dahil alam niya ang password na nito ang password niya, kung hindi naman. Magiging suki ng repair shop ang phone niya. Kakapareset ng password. Pati ako nakukulili na sa mga password, sa loob

