Patulog tulog pa ang kagandahan ni Jeanna nang naramdaman siyang may dumagan sa may bandang tiyan niya. Wala pa siya sa mood makipag asaran kay Sungit, dumadagan na naman! "Sungit.." ungot niya. "Let me sleep some more." Walang sumagot, bumigat lang ang nakadagan sa tiyan niya, mainit at medyo.. mabuhok? Mabalahibo? Napabalikwas siya ng bangon. Tanging nakatanghod na si Bruce ang nabungaran niya. Matabang pusang kalye stay in sa pamamahay ni Kamahalan. At kulay green ang mga mata. Ngumiyaw siya. Ngumiyaw din si Bruce. Buwisit na pusa. "Gutom ka na naman?" Dinampot niya si Bruce s mula sa unan na inuupuan nito. Saka niya ito inilagay sa basket na tulugan nito. "Nasaan ang masungit mong amo?" Ngumiyaw lang ang pusang mataba. "Wala ka bang ibang alam na sagot kundi ngiyaw?"

