Chapter1: Pag papanggap
Amira's Pov
I'm Amira Nicole Evangelista, 25 years old. Katatapos lang ng kontrata ko bilang waitress sa pinapasukan kong 5 star restaurant. Sa ngayon nag hahanap ulit ako ng mapapasukang trabaho dahil graduating na sa senior high school ang nag iisa kong kapatid na si Aira. Nag aaral ito sa probinsya kasama ang Lola namin. Matagal na kaming ulila ni Aira. Namatay ang mama namin sa panganganak sa kanya, at iniwan naman kami ng papa namin habang ipinag bubuntis si Aira. Kaya sa murang edad ko noon ay mas pinili ko nalang ang mag trabaho kesa sa mag-aral.
May maipag mamalaki na ako sa sarili ko, once na mapag tapos ko si Aira sa pag aaral nya. Okey lang sakin kung Wala akong marating sa buhay. Basta ma suportahan ko ang kapatid ko, dahil ang pangarap nya ay syang pangarap ko na din.
"Girl, kanina pang nag ri-ring ang phone mo." Saad ng Bestfriend kong si Grace. Sya ang kasama ko sa apartment na inuupahan ko. Lahat ng expenses sa apartment ay hati kami. Mabuti na nga lang at nandyan si Grace dahil kung hindi baka matagal na akong nasiraan ng bait. Pag tingin ko sa cellphone kong di keypad ay tumatawag pala si Lola. Sa hirap ng buhay ay old fashion pa rin ang cellphone ko. Kahit naman napag iiwanan na ang cellphone ko ay maayos pa din ito.
*Yes Lola?* Tanong ko dito ng sagutin ko ang tawag nito.
*Pasensya na apo kung na istorbo kita. Ano kasi, si Aira* Saad nito at bigla itong natahimik.
*La, ano pong nangyare sa kapatid ko?* Kinakabahang tanong ko dito.
*Nasa hospital kami ngayon, nag laslás kasi ang kapatid mo.* Saad nito kasabay ang pag hikbi sa kabilang linya.
Nakaramdam ako ng pang hihina, nanginginig na din ang dalawang tuhod ko. Hindi ko akalain na aabot si Aira sa ganitong sitwasyon. Pero bakit, anong dahilan bakit nya ginawa to sa sarili nya?
-
Kinabukasan ay lumuwas agad ako ng province namin. Pinuntahan ko ito sa hospital kung san ito naka confine. Malayong-malayo ito sa bayan namin dahil walang available na doctor sa bayan namin para sa case ni Aira.
Pag dating ko sa ward ni Aira ay wala pa din itong malay. Napaiyak nalang si Lola Rosana ng makita ako. Todo yakap ito sakin at sinisisi nya ang sarili nya kung bakit nalagay sa ganoong sitwasyon ang kapatid ko.
"Ano po ba talaga ang totoong nangyare?" Tanong ko dito kaya tumigil na to sa pag iyak.
"Ang sabi nya lang sakin ay hindi daw maganda ang pakiramdam nya. Kaya pumunta ako sa school nya nitong nakaraang linggo para ipag paalam sya na hindi muna makakapasok. Palagi lang itong nag kukulong sa kwarto nya. Madalas ko din itong marinig na umiiyak tuwing gabi. Pag tinatanong ko naman ay okey lang daw sya. Hindi ko akalain na magagawa nyang kitilïn ang sarili nyang buhay." Naiiyak na saad ni lola.
"Bakit hindi nyo naman po agad sinabi sakin ang kalagayan nya." May pag tatampong saad ko dito.
"Ayuko kasi na bigyan ka pa ng problema dahil alam kong pagod na pagod kana sa pag tatrabaho mo. Hindi naman abot ng isip ko na gagawin ni Aira to sa sarili nya." Muling saad ni lola sabay tingin sa walang malay na si Aira. Tiningnan ko ang pulso nito na may bandage.
"Sobrang bait na bata ni Aira, hindi din ito pa baya sa pag aaral nya dahil gusto nyang suklian lahat ng pag hihirap mo sa kanya." Muling saad ni lola bahang nakatingin kami sa walang malay na si Aira.
Naging pala isipan tuloy sakin kung bakit nya gustong wakasan ng ganun-ganun nalang ang buhay nya. Gaya ng sinabi ni Lola, masiyahing bata si Aira at marami itong pangarap para samin. Kaya bakit, bakit nya gagawin yun.
"Kaya sana apo, makikiusap ako sayo. Maaari bang ikaw na lang muna ang pumasok sa school nya habang wala pang malay ang kapatid mo? Mag panggap ka muna bilang si Aira." Saad ni Lola na ikinagulat ko.
"Pero Lola, bawal po yun!" Saad ko dito.
"Oo alam ko, pero isipin mo nalang apo, sayang yung pinag hirapan nyong mag kapatid. Ilang buwan nalang naman at graduation na. Hindi naman nila malalaman na hindi ikaw si Aira dahil mag kamukang mag kamuka kayo ng kapatid mo." Muling saad nito kaya napailing ako.
Totoo naman ang sinasabi ni Lola. Para kaming kambal nito. May mga part lang ng katawan namin ang mas matured dahil mas matanda ako sa kanya ng pitong taon. Mas malaki ang dibdib ko dito, ganun din ang bewang ko na mas may hugis na kesa sa kanya. Mas mahaba din ang buhok ko dito, pero kung muka ang pag babasihan talagang hindi kami pag kakamalang mag kaibang tao.
"Please apo, isipin mo nalang ang mga pangarap at pinag hirapan nyo. Tiyak namang makaka recover din si Aira." Saad ni Lola kaya napa buntong hininga nalang ako.
"Ang iniisip ko po ay ang mga hospital bill ni Aira kung hindi ako mag tatrabaho?" Nakayukong saad ko dito.
"Ako na ang bahala anak."
Napakunot ang noo ko ng may lalaking pumasok sa silid ni Aira. Hinding hindi ko makakalimutan ang muka nya kahit ilang taon na ang lumipas. Kahit na kumulubot na ang balat nito ay kilalang kilala ko pa rin ang muka at boses nya dahil minsan ko na syang minahal.
"Anak!" Saad ni Lola ng makilala nito si Papa. Agad na lumapit si Lola dito para yakapin ito.
"Buong akala namin at patay na ho kayo." Matabang na saad ko dito.
"Anak patawad, wala lang akong lakas ng loob na bumalik sa inyo " Saad nito at akmang lalapit sakin pero agad akong umiwas dito.
"Kung hindi dahil sa pang iiwan mo samin nila mama noon, hindi mag kaka-ganito si Aira!" Sigaw ko dito at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Hindi ko kayang itago yung galit at sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ilang taon kaming nag tiis ni Aira at Lola. Tinangap namin na kami nalang talaga at wala ng ibang aasahan pa kundi ang mga sarili namin. Pero Ngayon bigla nalang syang darating para mag paka-ama.
"Patawad anak, pinag sisihan ko na ang mga kasalanan ko. Ayos lang sakin kung hindi mo ko tangapin ulit bilang ama mo. Pero huwag mo naman sana akong ipag tabuyan ngayon lalo na at kailangan ako ng kapatid mo." Saad nito habang pinupunasan ang luha sa mga mata nya.
Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Sa tindig nya ngayon ay alam kong ma pera na sya.
"Hahayaan kitang bayaran ang mga pangangailangan ni Aira Ngayon dahil obligasyon mo yun bilang ama nya. Pero huwag po kayong umasa na sa pag gising nya ay kilalanin ka nyang ama." Saad ko dito at lumabas na ako ng kwarto.
Napahawak ako sa wall habang nag lalakad paalis. Nanghihina ako dahil sa mga nangyare. Dapat masaya ako ngayon dahil finally ay bumalik na si papa. Pero hindi ko magawang mag diwang dahil muling bumabalik yung mga masasakit na alaala nung panahong kailangan namin sya.
-
Medyo madilim na at nasa daan na ako papunta sa bahay ni Lola. Natanaw ko naman si Mang June na nag iisang kapit bahay nila Lola. Retired army ito at nag iisa nalang din sa buhay nya. Maagang namatay ang asawa nito at hindi sila biniyayaan ng anak. Ang Sabi ni Lola ay ito daw ang nag hatid sa kanila sa hospital gamit ang lumang mini truck nito.
"Iha, kamusta na? Magaling na ba ang sugat mo sa pulso? Pinag alala mo kami ng husto. Ang Lola mo bakit di mo kasama?" Tanong nito ng makita ako.
"O-opo okey na po ako, may pinuntahan lang po si Lola." Pag sisinungaling ko dito, at bahagyang tinago ang kanang kamay ko kung saang part na nag laslás ng pulso si Aira. Mukang napag kamalan nya talaga akong si Aira.
"Ganun ba, mabuti naman at maayos kana. Huwag mo na ulit yun gagawin ah. Umuwi ba ang ate mo?" Muling tanong nito.
"H-hindi po, pero nakausap na po namin si ate. Dito na po muna ako, salamat po ng marami." Saad ko dito at nag lakad na paalis. Mga 100 meters ang pagitan ng bahay ni Lola sa bahay ni Mang June.
Pag dating ko sa bahay ni Lola ay dumiretso ako sa kwarto ni Aira. Nandun pa din sa kwarto ang blade na ginamit nito sa pang laslàs sa kanyang pulso. Tuyo na din ang mga dugöng kumalat sa kama nito. Napabuntong hininga ako at sinimulan na ang pag liligpit sa mga gamit nito. After kong linisin ang kwarto ni Aira, napansin ko ang picture namin na naka display sa mini table nito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na magagawa nyang saktan ang sarili nya.
Binuksan ko ang drawer ng table nya. Napansin ko kagad ang cellphone nito. Ito ang unang cellphone na regalo ko sa kanya nung nag 18th birthday sya. Touch screen ito at talagang pinag ipunan ko ito ng ilang taon. Dahil wala namang password ang cellphone nito ay na buksan ko ito ng walang ka hirap-hirap.
"Florence Karl Alonzo" Basa ko sa nangungunang nag message dito. Pag open ko ng message nito ay napatabon ako ng bibig dahil sa mga pictures na sinend nito. Sya ba ang dahilan kung bakit nag suicide ang kapatid ko?
Habang nanginginig ang laman ko sa galit ay muling nakatanggap ang cellphone ni Aira ng message mula dito.
*Pumasok kana bukas babe, miss na miss na kita. Isang araw nalang ang ibibigay kong palugit sayo. Kapag hindi ka pa nakipag balikan sakin, ipopost ko na talaga ang mga ito.*
Pagka basa ko ng message nito ay napaupo ako sa kama ni Aira. Sobrang nanginginig ang katawan ko dahil sa nabasa ko. Hindi ako papayag na masira ang buhay ng kapatid ko dahil lang sayo! Pag babayaran mo at pag sisihan mo lahat ng ito.
Nakakita ako ng gunting sa table ni Aira. Kinuha ko ito at sinimulan na ang pag gugupit sa buhok ko. Ipinapangako ko sayo Aira, pag babayaran ng lalaki na yun ang ginawa nya sayo.