Darrell's Pov Nang magising ako ay napag tanto kong nasa hospital ako. "Gising na si Darrell." Boses iyon ni Elondra. Agad na lumapit sa kama ko ang parents ko maging ang parents ni Amira. "Si Amira, kailangan ko syang iligtas." Saad ko sa kanila at akmang aalis na ng kama ng pigilan ako ni Dad. "Hindi ka pa okey anak, hayaan mo na ang mga pulis na mag hanap kay Amira." Saad ni Dad kaya napakunot ang noo ko. "Hindi dad, alam ko kung san sya makikita. Hindi nyo ko mapipigilan dahil buhay ni Amira ang nakataya dito." Saad ko at inalis ang dextrose na nakakabit sakin. Wala na silang na gawa nung umalis ako. Pag labas ko ng hospital ay pinag titinginan ako ng mga tao. Marahil ay dahil sa suot kong patient's uniform. Habang nag hihintay àko ng taxi na masasakyan ay may tumigil na pu

