Amira's Pov "Pasok ka muna." Nakangiting saad ko dito. "Okey lang ba sa papa mo kung nandito ako ng ganitong oras?" Nahihiyang tanong nito. "Yeah, malakas ka naman sa kanya diba?" Pa birong saad ko dito kaya napangiti na din ito. Sabay kami nitong bumaba ng kotse, mag kahawak kamay pa kaming pumasok sa loob ng mansion. "Good evening po." Bati ni Byron kay Papa and Tita Ofelia. Naabutan namin sa sala ang dalawa habang umiinom. "May nangyare ba sa party? Bakit ang aga mo?" Pag aalalang tanong ni Tita Ofelia. "Wala naman po, maaga ko lang natapos ang mission ko." Nakangiting sagot ko dito. "Wow, congrats darling! Dapat tayong mag celebrate ngayong gabi. Yaya pahinge pa nga kami ng dalawang glass." Nakangiting saad ni Tita sa maid. "Mabuti naman at nandoon din itong si Byron. Kamu

