bc

PANGARAP KO AY IKAW [SPG]

book_age18+
726
FOLLOW
10.2K
READ
HE
opposites attract
billionairess
heir/heiress
sweet
mystery
loser
assistant
like
intro-logo
Blurb

Mula sa mahirap na pamilya sila Edlyn. Naging successful ang negosyo ng mga Magulang N'ya kaya Sila Yumaman. Pero naka-tapak pa din sa Lupa ang Kanilang mga Paa. Hindi Sila naging mapag-mataas at matapobre. Bagkus ay naging mapag-kawanggawa pa Sila. Lahat ng lumalapit ay binibigyan Nila ng tulong.Dahil Panganay S'yang Anak ay sa Kanya laging ibinibilin ng Ama ang paghawak ng Negosyo. Kaya Business Course ang kinuha N'ya Nuong Nag-aral S'ya ng College. Dahil Bata pa daw S'ya at wala pang experience ay marami ang tumututol sa Kanyang hawakan ang malaking Corporation Nila. S'yempre maraming Shareholders na hindi believe sa Kanya, konting pagkakamali ay pina-palaki ng mga Ito para mapa-talsik S'ya sa pwesto. Hanggang mahanapan Nila ng butas ang Dalagang CEO. Dahil ang Kanyang Boyfriend ay Isang hamak na Teller sa Bangko. Laging sinasabing Gold Digger ito kahit hindi pa Nila napapatunayan.

Hanggang sa mag-break Sila. Dahil kaya sa Estado Nila sa Buhay na magka-iba o dahil napatunayan N'yang Gold Digger nga ang Nobyong Teller?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
THIRD PERSON P O V "Wala na naman Tayong Baon Ate," sumbong ng Pangalawang Kapatid ni Edlyn sa Kanya, naglalakad na Sila sa dikit - dikit na Bahay, maingay na mga Kapitbahay at may mga nag - inumang mga Lalake sa gilid ng daan, papasok sa Eskwelahan. Mabuti na lang at malapit Sila sa School, ang Dalawang Kapatid N'ya ay nasa Elementary pa si Edlyn ay nasa High School na, iyon ang medyo malayo pero tinitiis ng Dalagitang si Edlyn na lakarin para sa Kinabukasan Nila. Mataas kasi ang Pangarap N'ya hindi para sa Sarili, kundi para sa Buong Pamilya. "Eto, may Sampung Piso pa Ako Dito sa Bulsa ng Bag Ko, busog pa naman Ako." sabi naman ng Panganay sa Pangalawang Kapatid at kinuha nga N'ya ang sa loob ng Bag ang Perang Papel. "Hati Kayo D'yan ni Amy," bilin pa N'ya kay Rowena. "Opo Ate, Salamat po!" masayang turan naman ng mga Kapatid N'ya, niyakap pa N'ya S'ya sa Baywang nu'ng Dalawa. "Mag - aral Kayong mabuti, ha!?" payo pa N'ya sa Dalawa, tumango lang ang mga ito tsaka Sila pumasok sa School Nila. Si Edlyn naman ay naglakad na ulit, medyo malayo ang School Nila sa Secondary kaya binilisan N'ya para hindi S'ya ma - late. Lima Silang Magkakapatid, S'ya ang Panganay,Tatlong Babae at Dalawang Lalake, kakahabol daw ng mga Magulang N'ya sa Anak na Lalake kaya dumami Sila. 'Yung Dalawang Lalake ay hindi pa Nag - aaral. Nasa bahay ang Kanyang Ina at nag - aalaga sa Kanilang Dalawang Kapatid na maliliit pa, Janitor ng Malaking Kumpanya ng Fastfood ang Kanyang Ama, pero matalino. Dito Nila namana ang husay Nila sa Pag - aaral. Pero dahil marami din Silang magkakapatid ay hindi na Sila kayang Pag - aralin ng mga Magulang Nila kaya ang Payo ng Kanilang Ama ay Mag - aral Silang mabuti para makatapos ng Pag - aaral. Mabuti na lang at mababait ang mga Ka - klase N'ya na Sina, Mara, Rhodora at Red. Nililibre S'ya ng mga ito ng Pagkain kapag Recess Nila at Lunch. Hindi N'ya alam kung Sino ang nag - iipit ng Pera sa Bag N'ya kaya kapag walang Baon ang mga Kapatid N'ya ay iyon ang binibigay N'ya. Pero wala Silang hinihinging kapalit. Sila Mara kasi ay may Construction Business ang Pamilya Nila. Sila Rhodora ay may Boutique, Sila Red naman ay Operator ng Taxi. Nakakuha lang S'ya ng Full Scholarship kaya naka - pasok S'ya sa Private School. Pero masaya at makulay naman ang High School Life N'ya, hindi N'ya naranasan na out of Place, lalo na sa mga Kaibigan. "Ano Ka ba naman, Eddie, kapos na nga itong Sweldo Mo nakuha Mo pang mag - invest na naman!" himutok ng Ina ni Edlyn na si Aling Analyn. Lagi kasi Nilang pinag - tatalunan ang pag - invest daw ng Ama ng Dalagita sa Kumpanyang pinag -ta- trabahuhan N'ya. Pero wala naman Silang naririnig Ditong kumita na o lumago ang ni - invest N'ya. Kaya lagi Silang kapos sa Baon, pero sa Pagkain ay Kumakain naman Sila ng Tatlong beses Maghapon. Magaling kasing mag - budget ang Kanilang Ina. Kapag may Project naman S'ya sa School ay S'ya na ang gumagawa sa Kanilang Apat na magka - Kaibigan basta Sila ang bibili ng mga Materials, kaya nalilibre na S'ya. "Gusto Ko lang maiba ang Buhay Natin," malumanay na tugon ng Padre de Pamilya Nila."Hindi ito ang Pangarap Kong Buhay para sa Inyo, maniwala at magtiwala Ka lang sa Akin, Asawa Ko." dugtong pang paliwanag ng Kanyang Ama."Alam Ko ang ginagawa Ko." pilit na nga ngiting sabi Nito, lagi ding ganito ang sinasagot N'ya kapag nagrereklamo ang Misis N'ya tungkol sa Kanyang Sweldong maliit. Huminga lang ng malalim ang Kanyang Asawa. "Sana nga, magbunga 'yang pagtitiis Natin, lalo na sa mga Anak Mo. Pumapasok Sila madalas na walang Baon, lalo na 'yang Panganay Mo." malumanay na N'yang tugon sa Mister. Tinapik lang S'ya Nito sa Balikat na parang pina - pakalma tsaka ngumiti ng pilit. Nakikinig lang Silang magka - kapatid sa Kwarto Nila. Dalawa lang kasi ang Kwarto sa Bahay Nila na tumutulo ang Tubig ulan sa bubong sa Dami ng butas. Ang Isa ay sa mga Magulang Nila at Dalawang Kapatid na Lalake. Nangilid naman ang mga Luha sa Dalagita dahil natuwa S'ya at nakikita naman pala ng mga Magulang N'ya ang pagtitiis N'ya. Dalangin nga din ng Murang isip N'yang magbunga nga sana ang sinasabi ng Kanilang Ama. Para maging worth it naman ang Kanilang pagtitipid at pagtitiis pare - pareho. Dalawang Linggo pagkatapos nang magtalo ng Kanilang mga Magulang ay humahangos na umuwi ang Kanilang Ama. Nagulat din Silang magka - kapatid na nagsasagot ng Assignment sa Lamesa sa Kusina. Nagluluto na ng para sa Hapunan ang Kanilang Ina, naglalaro naman ng Robot ang Dalawang Kapatid Nilang Lalake sa Sahig ng Sala. "Asawa Ko! Mga Anak Ko! May Good News Ako sa Inyo!" sigaw N'yang tawag pagpasok pa lang N'ya sa loob ng Bahay kaya sa Kanya nabaling ang atensyon ng Kanyang Mag - iina. "Ano Ka ba naman Eddie! Kung maka - sigaw Ka, parang nanalo Ka sa Lotto!" medyo inis pa Nitong sabi, nakakahiya din kasi sa ibang Kapitbahay Nilang naka - dungaw na ang mga Ulo sa Bintana at Pinto ng Kani - kanilang mga Bahay. "Mas lampas pa sa panalo ng Lotto ang Good News Ko sa Inyo!" may malaking ngiti nang naka - paskil sa Kanyang mga Labi. Hinawakan pa Nito sa Magkabilang Balikat ang Asawa. "Iyong pag - i-invest Ko sa Kumpanya Namin nagbunga na!" masiglang sabi pa N'ya "Hah!?" gulat na nasabi na lang ng Kanilang Ilaw ng Tahanan. "Ano ang ibig Mong sabihin!?" naguguluhang tanong naman Nito Pinaliwanag naman ni Eddie ang nangyari sa Investment N'ya. Kaya tuwang - tuwa ang Asawa, naiiyak pa nga ito, Nang pinaliwanag naman Nila sa Kanilang mga Anak ay naiiyak na din Sila dahil nagbunga na ang paghihirap at pagtitiis ng Pamilya. Kaya nang Gabing iyon ay sabay - sabay Silang nagdasal sa Panginoon bilang pasasalamat sa Biyayang dumating sa Kanilang Pamilya. Ibig sabihin kasi Nuon ay lalaki na ang Sweldo ng Kanilang Ama. Kaya hindi na papasok Sila Edlyn at mga Kapatid N'ya sa School na walang Baon. Sigurado na din ang Pag - aaralan Nila hanggang College.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
317.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
115.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
49.9K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook