EDLYN'S P O V Napa - tampal Ako sa Aking Noo nang makalabas si Manolo ng Kwarto Ko. May sakit daw pero tumugon sa halik ng Binata? Kahit na ba mag - kasintahan na Kami pero nakakahiya kasi wala Kami sa tamang Lugar. Sabihin pa e atat Akong mahalikan, kahit totoo naman. Ilang Buwan na kasi Kaming mag - Kasintahan pero hindi pa din N'ya Ako hina - halikan sa mga Labi. Pero sa Kamay ay madalas, alangan namang Ako pa ang mag - first move sa Aming Dalawa? Kaya ang lakas ng Kabog ng Dibdib Ko pagka - labas N'ya. Bigla tuloy Akong napa - inom ng maraming Tubig dahil sa Kaba. Kaka - gising Ko lang nu'ng dumating S'ya kaya hindi pa ulit Ako dalawin ng antok. Kaya nagpadala na lang Ako ng Message sa Kanya nu'ng medyo ayos na ang pakiramdam Ko. Na kapag naka - uwi S'ya ay mag - text. Ayos naman

