Simula

1654 Words
Calling "Nak, alam mo na mga bilin ko. Mag aral ka ng mabuti kasi ang edukasyon lang talaga ang makakaahon satin sakahirapan. Mamaya ka na mag jowa kapag tapos kana. Boyfriend can wait. Education not." Paalaala ni mama sakin bago pumasok sa paaralan. "Opo ma. Memorized ko na po lahat yan." Pabiro kung sabi ni mama ko at nag paalam na. So thankful i have a mom right now. Kahit na iniwan kami ni papa. Kahit sumama sya sa iba. Okay lang kasi may ina ako na tumatayong ama rin. Kahit palagi nya akung sinasabihan, mahal ko yun. Sobrang mahal ko si mama kasi sya nalang ang meron saakin. Diko na alam kung ano ang gagawin ko kung mawala pa sya saakin. Nilakad ko ang layo ng aming eskwelahan. Masaya ako kasi nakapag aral pa ako ng senior high school sa lagay namin. Napag aral ako ni mama dahil sa pag sisikap nya. Im an only daughter. Hindi pa nga ako ipinanganak ni mama, iniwan na kami ni papa. Hindi kaya ni papa ang responsibilidad na maging ama. Kaya sumama sya sa iba at iniwan kami. Pag ka pasok ko sa pasilyo, ako palang ang tao ngayun. Crazy right? Ganito talaga ako ka aga kasi napaka layo ng paaralan ko at eto lang ang paaralan na may Senior high dito sa Lazi. Pero okay lang. At least, naka pag aral ako. Habang hinihintay ang iba, nag muni muni muna ako. I still have 1 hour para mag basa o pag masdan ang kagandahan ng aming lugar. Kahit marami silang sinasabi about sa lugar namin, hindi ko parin maitatanggi ang kagandahan ng isla namin. I've been here for almost 10 years. Naalala ko nung una kung tapak sa probinsya ng Lazi. Takot ako nun kasi sabi-sabi nila, marami daw ang mga aswang dito. But the people here proved me wrong. If they just knew how people so nice and hospitality here parang ayaw muna umuwi kung san ka galing. Parte na ito ng buhay ko. Etong isla na ito ang nag papatunay na hindi lamang nakikita ang tunay na ganda sa syudad, nakikita rin dito sa amin. Kalahating oras akung nag isip kung ano ang gagawin ng biglang sumulpot sa harapan ko si Jona. "Good morning!" Pambubulabog nya. Bigla akung napatayo sa pang gugulat nya. Tawa lang sya ng tawa sa ginawa habang ako naman ay inayos ko ang uniporme kung nalukot. "Aga naten ah?" "Hanggang ngayun ba, Jona? Tumigil ka nga." I angrily spat. Tumawa lang sya at umupo sa tabi. Tinitigan ko sya habang may isinusulat sa kanyang notebook. "Ano yan?" Tanong ko. "Assignment naten 'to kahapon. Diko nasagutan. Alam mo naman kasi na busy ako sa pag tra-trabaho sa mga Sandoval. Usap-usapan na nga ang pag babalik ng kanilang pamilya, e." Utas nya. Tumango lang ako at ipinag patuloy ang pag babasa hanggang sa isa't-isa na silang dumating. Pasimple simple akung sumulyap sa pinto. Nag babakasakali na papasok na si Adam. Kaklase ko. Matagal ko na syang gusto pero parang di nya ako napapansin. Heard his family is rich. Kaya imposibleng mag ka gusto sya sa isang simple at mahirap na mamamayan. Pero di naman ako humagad na mag ka gusto sya sakin. Ano lang naman ako? Isang babae na may simpleng pangarap na makaahon ang pamilya sa kahirapan. "Ayan na sya!" Biglaan kung sabi. "Ha? Sino?" Tanong ni Jona. Ohmy! Hindi nya pala alam na may gusto ako kay Adam. No one in this corner knows my secret. Not even my best friend Jona. Bat ko pa ipag kakalat? Hindi na yun importante. Crush is not bad. Nakaka inspire sya sakin. "Sino yung nandito, Vette?" Tanong nya muli. Umiling na lang ako para hindi na sya nag tanong pa. Tumaas ng isang kilay nya at tinitigan ako. Kumunot naman ang noo ko kasi hindi pa rin sya naniniwala. "Bakit?" I spat "Alam mo, Vette, misteryoso ka parin sakin. Parang may tinatago ka." Sabi nya habang naka kunot na ang noo. "Alam mo naman, Jona, lahat ng nag pag katao ko. Alam mo lahat ng iyon." At iniwas ang tingin. Totoo iyon. Wala akung tinatago na kahit ano sa kanya. Maliban nalang kung sino yung taong gusto ko. Bakit? Kailangan pa ba yun ipag kalat sa buong mundo na gusto ko si Adam? Di na yun importante. Pinag patuloy nya ang pag sulat sa isang assignment. I feel so guilty. Bestfriend ko si Jona pero never ko syang sinabihan ng mga taong natitipuhan ko or gusto ko. Tsaka nya lang malalaman kapag wala na akung gusto sa isang tao. Kasi alam ko rin na gusto ni Jona si Adam. At alam yun ng lahat ng tao dito sa classroom namin. Ayoko mawala yung isang taong pinag katiwalaan ko at minahal ko ng dahil lang sa isang lalaki. Crush is enough, ayoko pa maabot ito sa pag mamahal. Pumasok na ang aming guro at sinimulan na pag susulit. Eto yung importante. Gaya nga ng sabi ni mama na 'jowa can wait, but education cannot.' I need to focus on my studies. Ako ang unang nakatapos kaya ibinigay ko eto sa guro. "Ang talino mo talaga, Lauvette. Bunos na yan ng maganda mo." Biglaang utas ni Ms. Magbanwa Umiling nalang ako at nag papasalamat. Pero hinagit nya yung braso ko. "Po ma'am?" Tanong ko at kinalas ang mahigpit nyang pag kakahawak. Im not being rude. Pero hindi ito tama na yung pag kahawak nya sakin. Nasasaktan ako. Tumayo sya at hinimas ang mamumula kung braso. "Pasensya na, Lauvette, may gusto lang sana akung itanong sayo." Nahihiya nyang tugon. "Ano po iyon, Ma'am?" "Wag dito. Vacant kaba pag katapos ng klase mo? Dun tayo sa faculty room ko." Tumango ako "opo ma'am. 2 hours vacant po ako mamaya. Ano po pag usapan natin?" I uttered. I can smell fishy here. Pinaupo muna nya ako para maka focus ang lahat. Kase habang nag uusap kami ni ma'am, naka toun ang mga mata nila sa amin. At doon, nahagip ko ang mata ni Adam na nakatitig saakin. Umiwas ako ng tingin at hinintay ang oras na matapos. Natapos ang oras at nag paalam ako ni Jona. Tinanong nya ako kung saan ako pupunta pero sininyasan kulang sya na pupuntang faculty room. Kinuha ko ang kalahating dala ni ma'am para hindi sya mahirapan. Una syang nag lakad sakin. Pero pala isipan talaga na kung bakit nya ako kinausap. Sya ang bagong subject teacher namin. I heard, galing sya sa manila. Sa mga mayayamang angkan. Yun ang usap usapan sa aming lugar. Maganda si ma'am. We have the same skin. Porcelain, matangos na ilong at mahaba ang pilik mata. Parehas rin kami ng mata. Emerald blue. Pero mas matangkad sya sakin. I once asked my mom kung ano si papa. He said papa is an pure spanish. Kaya nakuha ko ang mata ni papa. Fresh graduate si ma'am Magbanwa. Kaya hindi malayo yung edad namin. Narating namin ang Faculty room ni ma'am. Malinis eto at matiwasay. Nung bata ako, pinangarap kung maging guro. Para naman maka pag turo naman ako sa ibang bata dito saamin. "Upo ka, Lauvett." Biglaang utas ni ma'am na napa balik ako sa sarili ko. Kinurot ko ang tagiliran ko. You, self! Stop thinking! Wala ka sa bahay nyo. Nasa school ka at nasa faculty room ka ni ma'am. Umupo ako at niharap sya. Nakita ko ang isang larawan na matangkad na kasing edad lang ni Mama. "Lauvette, wag sanang mamasamain ha, pero may tatay kapa ngayun?" Kumurap-kurap ako at kinabahan. Bakit nya ako tinanong ng ganito? Umiling lang ako "wala ho ma'am. Matagal na po kami iniwan ng papa ko. Di pa ako ipinangak, iniwan na kami. Hindi ko nga alam ang pangalan ni papa, e. Ang alam ko lang pure spanish talaga sya. Bakit po?" She sighed. Parang may gusto syang sasabihin pero hindi nya masabi. Nahihirapan syang sabihin iyon. Tinitigan nya ako gamit ang kanyang nakakaawang mata. "Pero sa mama mo ang apelidong ginamit mo?" "Oo, Castillo po ma'am." Tumango lang sya. "Ikaw, nahihirapan kaba sa buhay ngayun? Maybe, i can help." Tanong nya uli. Umiling ako. "Hindi naman po masyado ma'am. Nakakain pa naman po ako ng tatlong beses sa isang araw. Pag may maraming kita si mama sa pag bibinta ng banana cue, may snack pa." Masaya kung tugon. Ngumiti sya. Sign of relief. Relief of what? Tumalikod sya at may kinuhang card sa drawer nya. May inabot sya saaking maliit na card na sa pag kaka alam ko, calling card ito. Pero para saan? "Eto, tawagan mo'ko pag may problema. Wag kang mahihiya okay?" Ngumiti ako "ma'am, wala naman akung cellphone kaya hindi kita matatawagan." Nahihiya kung sabi. May cellphone ako noon. Hindi man parehas ng iba na mamahalin. Pero di nag tagal, nasira. Gusto sana ako bilhan ni mama but i refuse. For what? Hindi naman iyon masyadong importante. "Oohh, i have my spare phone here. You can have for a mean time. I won't mind" ngumiti sya. "Ay wag na po ma'am. May cellphone naman si mama ko kaya okay lang." "You sure? Hindi ko kasi eto nagagamit e. Pero kung kailangan mo, sabihan mo lang ako ha? Don't be shy." Tumango ako "opo ma'am" I bid my goodbye para sa next subject ko. Before i close the door, narinig kung mahinang tugon nya sa kanyang tinawagan. "Dad, she nice. Kailan kaba kasi dadating dito? Im so eager to shout to the world that she's my sister. And im so tired of pretending." Humagulhul sya at binaba ang tawag. Ano ang ibig nyang sabihin? Tinuluyan ko ng sinirado ang pinto at nag tungo na sa aking classroom. I reached my room ng nakayuko lamang. Still, bumabagabag iyon sa isipan ko. Until natapos ang klase sa araw na iyon. "Hoy, kanina kapa tahimik jan. Anyare sayo? Okay ka lang?" "Wala. Oo okay lang ako. Tara uwi na tayo, Jona." Tumango lang sya at hinatak ako palabas ng room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD