Crush
Mabuti nalang at maagang nag dismissed si ma'am sa araw nato. Nilakad namin ni Jona papuntang bahay ko at sa bahay ng mga Sandoval. Jona's parents have been working at Sandoval Family for almost 2 decades. And in return, pinapaaral ng pamilyang Sandoval si Jona sa paaralan na pinapasukan namin. Hindi man kamahalan pero may matutunan ka naman. And the teachers are good though. Pwera nalang kay Mrs. Maano.
"Ano ba tinanong ni Ms. Magbanwa sayo?" She suddenly spat.
Umiling lamang ako "School stuffs."
"E, bakit ang tagal?" Tanong nya uli.
Ang kulit talaga ng lahi ng babaeng to. Tinitigan ko sya ng matalim kaya tumawa sya.
"Okay, okay. I will stop. Happy?"
Tumawa lang sya at pinag patuloy ang pag lalakad.
"Alam mo ba, Vette, darating na ang pamilyang Sandoval ngayung linggo. Excited na ako!"
Sandoval... pamilya ng mayayamang angkan. Pero napaka bait ng lahi nila. Naalala ko nung bata ako, nadapa ako sa kalalaro namin ni Jona tinulungan ako ng Don Alejandro at pinakain ng meryenda. At pag katapos kung kumain, binihisan ako ni Senyora Adela ng magarang damit. Medyo maluwag yun saakin kaya sabi nya "Pasenya na, Lauvette, medyo maluwag ito sayo. Here, dalhin mo ito sa bahay nyo. Maagang pamasko kuna ito sayo." Tumango lang ako at nag papa salamat.
"Talaga? Mabuti naman."
"Kaya nga hindi kuna nagagawa yung assignment kasi nakakatulog nalang ako sa sobrang pagod. Nag reready na kami sa kanilang pag babalik, e."
"Gusto mo, ako na gagawa sa ibang homework mo?" I suggested.
"Ha? Wag na. Wala akung matutunan nyan." Tawa nya
"Oh sge na, Vette. Mauna na ako ha? Marami pa kaming gagawin, e. Okay ka lang ba mag lakad mag isa?"
Tumango ako at "oo naman. Parang hindi ako sanay mag lakad." habang may tinitigan ang mansyon ng Sandoval.
Sa kanilang veranda, i saw a topless man wearing faded jeans, tall and handsome. Moreno at mapupungay ang mata. Matipuno at medyo missy ang kanyang buhok na galing pa ata sa pag katulog. In his left hand, may kupita na may mamahaling inumin. This man is around his 20's or something. He looked at me with his boring eyes, kaya tinitigan ko rin sya pabalik. Kumunot ang noo ko sa ginawa nyang pag titig. Sino 'to?
"Hoy! Bakla, anyare sayo?" Jona snapped me.
"Ay buteki!"
"Ano ba kasi tinitigan mo jan sa taas?"
"Wala. Ah, Jona, pwedi ba kitang matanong?"
"You're already asking." Sarcastic nyang sabi.
"Diba, nag iisa lang ang anak ni Senyora Adela at Don Alejandro? Ano ang pangalan nun?"
Lumaki ang kanyang medyo singkit na mata. At tinusuk ang tagiliran ko.
"Oooy, Crush mo noh?" Tukso nya.
"Hindi... Di ko pa nga nakita o kilala yun, e. Kaya nga ako nag tanong. Diko yun crush. I had never seen him before. Kahit nung bata pa tayo." Dipensa ko habang nakatitig sa veranda kung saan ang lalaking nakatitig sakin.
"Aah, si kuya Vandros. Vandros Darrick Sandoval."
"So... nakita muna sya?"
"Oo. Nandito sya last year. Pero din rin nag tagal. Gwapo nun, e. Pero parang kuya ko na yun."
Tumango lang ako at nag paalam na sa kanya.
Naramdaman ko parin ang titig ng lalaki sa akin kaya nilingon ko ito. He's still there. Wearing the same aura. Iniwas ko ang tingin at tumakbo na. Hindi kalayuan ang bahay namin sa mansion ng Sandoval kaya tinakbo ko ito. Gusto kunang umuwi. Hindi dahil sa pagod ako o ano, kundi natatakot ako sa aura nung lalaki. Baka may balak sakin yung lalaki. We don't know. We are now living in 21st century. Kaya iba na ang panahon ngayun.
Nakita ko si mama na may kausap habang nakayuko. Ito nanaman si Aleng Belenda.
"Nag bayad na kami ng advance Aleng--"
Pinutol nya si mama at dinuroan.
"Anong binayaran? Walash keyeng beneyad seken putangi--"
Naputol rin sya sa kanyang sinabi dahil pumagitna na ako.
"Mawalang galang na ho, Aleng Belenda pero wag na wag nyo ma duro-duro ang mama ko. Alam ko na alam mo na nag bayad na ang mama ko sayo kaya umalis kana bago ako mag pa tawag ng tanod." Galit kung utas.
Hindi naman ako palaaway na tao pero basta si mama na ang naaapi? Dun na ako susugod. Ang problema rin kasi ni mama, sobrang bait nya to the point okay lang sa kanya na gagawin yun sa kanya.
"Umuwi kana aleng Belenda. Lasing kalang." Sabi ko at hinatid sya sa lumang gate namin. Hindi naman sya pumiglas at nag paanod lang sa ginawa kung pag kuyod sa sa kanya.
Tinitigan ko si mama na nakayuko at umiiyak.
"Okay ka lang ma? Ma naman e. Sobrang bait mo to the point okay lang ginaganun ka ng ibang tao. Okay lang maging mabait pero pag ganun? Mali na iyon ma. Hindi na yun tama. Minsan, kailangan mo rin maging matapang ma." Umiiyak na ako.
Umiiling iling nalang ako dahil hindi parin tumahan si mama.
You know what hurts the most? Seeing your mom crying for that nonsense reason. Ang sakit. Thats why i always defend her kahit nung bata pa ako. Oo, alam ko na mali ang umaaway ng tao pero hindi mali yung ipag tanggol mo ang sarili mo. What if, di ako dumating? What will happen to mama? I can't afford to lose her. I can't afford to lose someone like her. Sya nalang meron ako. Sasayangin ko pa ba?
"Tahan na ma. Nakakahiya sa kapit-bahay." Sabi ko at hinatak na sya papasok ng bahay. Marami nang taong naka tingin samin.
Pinunasan nya ang kanyang luha at nag hilamos. Habang ako naman ay nag hahanda para sa hapunan namin.
Pag katapos kung mag handa, tinawag kuna si mama.
"Ma kain na. Halika na!" Tawag ko sa kanya.
"Oo teka lang..."
Dumating si mama at nag simula na kaming kumain, nakayuko lang si mama habang kumain. I asked her random things, and her only response was a nod, but still, naka yoko parin. At dahil nag mana ako sakakulitan ni mama, i asked her again. Pero this time, iba na.
"Ma..."
Umangat ang ulo nya at tumingin sakin.
"Bakit?"
"About kay papa... ano po ba ang pangalan nya...?"
Natigilan si mama sa pag kain at tinitigan ako.
All of my life ngayun lang ako nag tanong about ni papa. It's not that, hindi ako kontento kay mama, but gusto ko mapunan yung missing part sa buhay ko. How does it feel to have a father?
Ang nakuha kulang kay mama ay mala along buhok at pula na manipis na labi. Ewan... minsan naiisip ko kung ampon ba ako or kamukha ko lang talaga si papa.
Suminghap si mama at uminom ng tubig bago ako sinagot. "Papa mo? Sya si Andrus Saavedra..." napapaos nyang sabi.
The way she said my fathers name, parang nahihirapan sya. Why mom? Do you still love papa? I want to know everything pero parang hindi pa ito ang tamang oras.
Tumango ako at ipinag patuloy ang pag kain. Tatanuning ko uli sana sya pero niligpit nya na ang pinag kainan nya at tumayo. Niligpit ko rin ang aking at nag toothbrush na.
Kinuha ko na ang bag ko at inaral ang mga lessons. Kahit walang pumapasok sa isip ko pinilit ko parin. Occupied ako sa nangyari ngayung araw. Sa mga sinabi ni ma'am Magbanwa at dun sa nakita kung lalaki sa veranda ng Sandoval.
Tinabihan ako ni mama at tinitigan ako. So I took the opportunity to ask her again.
"Ma... pano kayo nag kalili ni papa?"
She sighed again at humarap sakin. She took a second before she answered my question.
"Nag kakilala kami sa Manila... Nag aaral pa ako nun. BS education pero hanggang 2nd year lang. He was 24 and i was 19 that time. First time namin sa manila. Pero ako, marunong na mag tagalog. While your papa, english lang ang alam. Nag hahanap sya ng tutor. Kaya go ako kasi dagdag income para samin ng lola mo. Tinuruan ko sya mag tagalog for almost 2 years. Ang hirap nyang turuan."
Natigilan sya at lumunok. Parang ayaw nyang dagdagan ang sinabi.
At dahil makulit ang lahi ko, i asked her again.
"Pano nyo ko..." natigilan ako parang hirap itanong. But i really want to know "...nagawa?" Napalunok ako sa last part ng sinabi ko.
Nilingon uli ako ni mama at nilagay nya ang ulo saking balikat.
"Nainlove ako noon sa 'yong papa na kahit ang mga ayaw ko, ginawa ko parin para sa kanya. When you we're inlove, lahat ng prinsipyo mo sa buhay, mawawala, mababali para lang sa taong gusto mo. Your dad also loves me. He truly did. Kaya nagawa ka namin. But kailangan nya bumalik sa spain kasi nakabuntis din sya doon..." her voice c***k.
Naramdaman ko ang luha nya kaya pinunasan ko iyon. Thats explains it!
"Hindi totoo na tinakbuhan tayo ng papa mo. I was so bitter that time and my anger ate me. Kaya nasabi ko iyon sa iyo. Pack your things, Lauvette. It's already 9:30 pm. Matutulog na tayo."
Tumango lang ako at hinayaan ako ni mama mag isa sa sala habang nililigpit ang gamit ko na nakalatag.
Nag halfbath muna ako bago matulog.
Nagising nalang ako bigla ng 5:06 am kaya napabalikwas ako kasi mag sasaing pa ako.
Pag kababa ko, nakita si mama na nag hahanda para sa ititinda nya at susuutin ko.
"Good morning ma..." at kiniss ko si mama sa pisnge.
"Good morning! Maligo kana nak, diba may pasok kapa?"
Tumago ako at kinuha na ang tuwalya sa dingding.
After I took a shower, kumain na ako at nag paalam na ni mama.
Pag labas ko ng gate, may nakikita akung mga babae na napaka pula ng mata. Nakita ko rin si malayo Jona na tumawa. Nilakad ko ang layo ni Jona.
"Jona..." mahinahon kung tawag.
"Oy, Lauvette! May chika ako today."
Kumunot ang noo ko bago sumagot.
"Ano yun?"
May naramdaman akung takbo ng kabayo kaya napa lingon ako doon.
"Nandito na sya..."
At ng nakita ko kung sino sakay ng kabayo.