"A little party don't killed nobody"
Sabado ngayon at walang pasok. Kaya naman naisipan kong nag general cleaning nalang nitong apartment na tinutuluyan ko. Mula kasi ng nagpasukan hindi ko na nagawang linisin ng maayos itong tinitirhan ko. Naging abala din kasi ako sa mga Acad subjects ko, lalo na at scholar lang ako dito sa school kaya ako nakapasok.
Mula second year high school ay namuhay na akong mag-isa dito sa Maynila. Noon kasi nagsimula ang scholarship ko ng manalo ako sa isang quiz bee contest sa probinsya namin. Sayang naman ang oportunidad kaya kahit labag sa loob nila Mama at Papa pinayagan na din nila akong dito sa Manila mag-aral.
Isang maliit na apartment lang naman ang inookopa ko, pag-aari ito ng isa sa mga kaibigan ni Mama dito sa Maynila. Malayo kasi ako sa pamilya ko na nasa Nueva Ecija, kaya naman pinakiusap nalang ako ni Mama sa kaibigan niya na dito tumuloy sa kanyang paupahan. Para kahit papaano daw may titingin-tingin sa akin.
Kakatapos ko lang maglampaso ng sahig ng biglang may tumawag sa aking cellphone. "Calli buksan mo ang gate, ang init dito." tugon agad sa akin ni Austine na nasa kabilang linya matapos ko itong sagutin.
"Ayos ah, wala man lang hello hello sayo. Saka anong ginagawa mo dyan tanghaling tapat nasa galaan ka" sagot ko nalang.
"Bilis na, buksan mo na muna" iritableng sagot nalang niya sabay baba ng tawag. Ayos din talaga minsan ang lalaking yon eh kala mo kung sinong boss kung makapag-utos, sabagay "amo" nga pala siya sa iba.
Mabilis ko namang tinungo ang labas ng aking apartment at agad siyang pinagbuksan. At ang magaling na lalaki, dere-deretso lang papasok sa loob ng bahay ko, hindi man lang tinanggal ang kanyang sapatos.
"Hoy Austine yung sapatos mo naman, kakalinis ko lang nagdudumi ka na naman." reklamo ko sa kanya. Pero tila wala siyang narinig at deretso lang sa maliit kong sala at binuhay ang maliit ko electric fan sabay tutok sa kanya.
"Bakit kaba nandito?" tanong ko nalang sa kanya habang muling pinupunasan ang sahig na kanyang dinaanan kanina.
"Sinusundo ka" walang emosyon niya sabi.
"Bakit? Anong meron?" tanong ko muli sa kanya. Sa pagkakatanda ko kasi wala naman kaming usapan na aalis kami.
"May after party ang club diba gawa ng natapos na play. Kila Carlo gaganapin kaya dinaanan nakita" ani naman nito.
Oo nga pala tuwing pagkatapos ng isang event ng club lagi itong may maliit na salo-salo. Noong nakaraan nag swimming kami sa isang resort, at ngayon ang alam ko isang house party naman sa bahay ng kasamahan namin na si Carlo. Pero wala talaga akong balak sumama sa ngayon. Nababagot lang kasi ako, wala naman kasi akong ginagawa doon di katulad ng iba na nag iinuman at litiral na nag pa-party-party.
"Hindi naman ako pupunta don" sagot ko naman sa kanya. "ikaw nalang pumunta" dugtong ko pa.
"Anong namang gagawin ko dun kung hindi ka kasama" turan naman nito habang papunta sa aking kusina para kumuha ng maiinom. Madalas na din kasi dito sina Austine at Maddie kaya naman tukoy na tukoy na nila ang bawat sulok ng bahay ko. "saka hindi pedeng hindi ka pupunta, tinawagan ako ni ate Angela hindi ka daw pedeng mawala. Punta na tayo kahit saglit lang, tapos uwi na tayo agad" dugtong pa nito matapos uminom.
"Pero hindi pa ako nakakaayos. Tingnan mo nga itong suot ko. Wala naman kasi talaga akong plano dyan kaya nag linis nalang ako nito bahay" Sagot ko nalang.
"Problema ba 'yon, 'di magbihis ka na at aantayin kita" Suhesyon naman niya.
"Gan'to nalang umuna ka nalang kila Carlo tapos sunod nalang ako, Alam ko naman yun. Baka mainip ka kasi sa pag aantay sa akin. Alam mo naman matagal akong mag-ayos" Nakangiti sabi ko nalang kay Austine. Sana lang umubra sa kanya, ganito din kasi ang ginawa ko sa kanya nung nakaraan.
"Tigilan mo nga ako sa ganyang 'sunod nalang ako' na sinasabi mo. The last time na narinig ko yan sa'yo, wala Calli na dumating" reklamo naman nito habang binubuhay ang TV ko sa sala.
Totoo naman kasi, nung nakaraang swimming party ng club yun din ang sinabi ko sa kanya, pero hindi naman talaga ako sumunod noon.
"Magbihis ka na Calli, maaga pa naman ala-sinko pa naman magsisimula" patuloy pa nito.
Wala naman na akong nagawa. Alam ko din naman kasi na hindi din ako titigilan nitong si Austine. Isa din kasi iyon sa mga ugali nito na ang hirap alisin sa kanya. Kapag kasi may gusto siya, talagang gagawin niya lahat makuha lang iyon, wala siyang pakialam sa paligid niya. Ilang beses na din naman iyong pinagtalunan, pero wala talaga akong panalo sa kanya.
"Sige na nga, mag-aayos lang ako, wag kang magkakalat dito sa bahay ko ha" paalala ko nalang sa kanya bago ko tunguin ang aking kwarto.
Halos isang oras din akong nag-ayos ng sarili ko. Mabilis pa nga iyon kung tutuusin, big achievement na ito para sa akin. Kadalasan kasi nag lalaan ako ng dalawang oras para sa paliligo at pag-aayos ng sarili ko. Nakakahiya naman kasi sa 'Amo' ko kung pag-aatayin ko siya ng matagal.
Lumabas na ako sa kwarto matapos kong mag-ayos. Naka short na white lang ako at isang purple stripe na lose long sleeve na tinupi ko lang hanggang siko. Naka open sandals lang din ako para kumportable, bitbit ko na din ang maliit kong bag naregalos sa akin ni Maddi noong nakaraan na dadalhin ko sa party mamaya.
"Napakatagal mong mag-ayos aba" nakasimangot na salubong sa akin ni Austine pagkalabas ko ng silid.
"Sabi ko naman kasi sa'yo na mauna ka na at maiinip ka sa pag-aatay sa akin, ayaw mo namang makinig." sabi ko nalang.
"Ano ba yang suot mo" Sabi pa nito na hindi pinansin ang huling sinabi ko sa kanya.
"Bakit? Anong problema sa suot ko?" tanong ko naman.
"Bakit ka naka short? Magpalit ka nga." Sabi naman nito habang magkasalubong ang kanyang makakapal na kilay.
"Anong masama sa short, kung ikaw nga naka short din. Saka sa bahay lang naman ni Carlo ang pupuntahan natin, pede na ito" Tugon ko nalang sa kanya. Ang init naman kasi ng panahon ngayon kaya ayaw ko mag pantalon. Saka kung siya nga naka Khaki short lang din na pinaresan lang niya ng dark blue na fitted shirt.
Wala naman nang nagawa si Austine. Sinabi ko kasi sa kanya na ayaw ko na magpalit ng short at kung pipilitin niya ako hindi na ako sasama sa kanya, saka hindi naman maiksi ang suot ko. Kung tutuusin nga mga one or two inches lang ito above the knee, unlike sa ibang na halos kita na ang kuyukot kapag tumuwad dahil sa sobrang iksi ng suot.
Lumabas na kami ng apartment ko matapos ang mahabang diskusyon. Agad namang bumungad sa akin ang isang kulay gray na BMW. Hindi ko ito napansin kanina ng pagbuksan ko si Austine, kaya naman nagulat ako ng lumapit siya doon ang binuksan ang passenger seat para papasukin ako.
"Sa'yo to?" tanong ko sa kanya ng hindi pa rin pumapasok sa loob.
"Obvious ba" sarkastikong sagot naman nito. Kita pa rin ang inis sa kanyang mukha dahil sa unang pagkakataon natalo ko siya sa diskusyon namin kanina.
Pumasok nalang ako sa loob ng sasakyan at agad naman umikot si Austine patungo sa driver’s seat.
"Kailan ka pa natutong mag drive?" tanong ko sa kanya pagkapasok niya.
"Last year pa, hindi ko lang madala ito sa school itong sasakyan ko dahil wala pa akong lisensya noon. Kararating lang kasi ng licence ko last week" walang emosyon naman nitong tugon habang sinisimulang buhayin ang makina ng kanyang sasakyan.
Kaka-eighteen nga lang pala ni Austine last week isang taon din ang tanda nito sa akin, kaya siguro noon lang siya nakakuha ng lisensya.
Mabilis lang naman ang naging byahe namin, malapit lang din kasi ang subdivision nila Carlo sa lugar na tinitirhan ko.
Pagkarating namin sa nasabing bahay ay pumasok na kami sa loob. Bahagya pa nga akong nagulat sa dami ng tao sa loob ng bahay. Karamihan mga member ng club namin, pero meron din akong ilan na nakita na hindi bahagi ng Org. naming yung iba tingin ko galing pa sa ibang school kaya hindi pamilyar sa akin.
"Finally dumating na kayo. Kanina pa namin kayo inaantay" salubong ni ate Angela sa amin ng makita kami. "Buti naman at naisama mo itong si Calli, Amo, akala ko wala na naman ito ngayon" baling pa nito kay Austine
Nagkamustahan lang kami saglit at pinakilala na din niya kami sa iba.
"Amir" tawag ni ate sa isang lalaki ng makalapit kami sa may pool side.
Nakangiti namang lumapit ang nasabing lalaki sa amin ni Austine.
"Amir, ito nga pala sila Calli at Amo, freshmen sa department natin, sila yong nag perform kahapon" pakilala ni ate Angela sa amin sa bagong dating.
"Siya sa Amir, member din siya ng club. Yun nga lang nagbakasyon kasi ito sa Spain nong summer kaya late siya nakapasok sa school" dugtong pa ni ate.
Nag-usap-usap lang kami sandali. Tumuloy naman kami ni Austine sa isang maliit na kubo malapit sa pool nandon na din kasi ang iba naming kasamahan.
Ilang sandali pa ay lumapit din sa lugar namin si Amir. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko. Patuloy pa din ang kwentuhan ng lahat, lalo na ang tungkol sa naganap na play kahapon.
"Calli right? I saw your performance yesterday, you are really good" Amir said.
Mabait si Amir. Mabilis din siyang naka ka-close ng ibang mga kasama namin lalo ng ng mga freshmen na kagaya ko. Freshmen lang din siya kagaya namin sa kolehiyo, pero dahil sa St. Vincent siya nag-aral ng high school ay naging bahagi na siya ng club mula high school palang. Kumportable din akong kausap siya. Ewan ko nga lang ba bakit itong si Austine ang lamig lamig ng pakikitungo kay Amir.
"Thank you, hindi ko nga alam kung paano ko nagawa 'yon, first time ko din kasi. Hindi naman kasi dapat ako ang gaganap doon, no choice lang talaga" tugon ko nalang, medyo nakakahiya din kasi.
"Really? Akala ko ikaw talaga ang original cast para sa role, ang galing mo kasi. If it is your first time, it only mean you are really great" complement pa nito.
Patuloy lang ang pag-uusap namin ni Amir at ng iba naming mga kasamahan. Hindi ko namalayan na wala na pala si Austine sa tabi ko. Nagpaalam lang ako sa aking mga kasama at sinabing mag si-CR lang, pero ang totoo hahanapin ko lang talaga si Austine.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Agad ko naman siya nakita sa bar counter kasama si Carlo, may hawak itong alak sa kanang kamay at sigarilyo naman sa kaliwa niya.
Si Carlo ang unang nakapansin sa akin ng papalapit na ako sa kanila pwesto, tinapik niya lang ang balikat ni Austine para magpaalam bago ito tumayo at umalis.
"Nag-iinom at ang smoke ka pala" ani ko sa kanya ng makalapit.
Hindi ito agad nagsalita. Humithit muna ito sa kanyang hawak na yosi sabay buga ng usok. "Minsan lang, bakit ayaw mo ba?" malamig na tugon naman niya.
"Hindi naman" sagot ko sa kanya. Wala namang kaso sa aking kung mag-iinom siya o maninigarilyo, hindi naman na bago sa akin iyon dahil lumaki din naman ako sa Papa at kuya ko na pareho din ang bisyo.
"Pero may balak ka palang mag-inom, sana hindi ka na sana nagdala ng sasakyan ngayon, baka mahirapan ka lang pagmamaneho mo delikado" may pag-aalala ko namang tugon sa kanya.
"Wala naman kasi talaga akong balak uminom kanina." kunot-noong sagot naman nito. Mababakas ko sa kanyang tinig ang pagkairita niya ngayon.
"Bakit ba parang ang init ng ulo mo ha Austine" nawawalang pasensya ko na din tugon sa kanya.
Okay naman kasi siya kanina ng pumunta kami dito, siya pa nga ang nag-aya sa akin. Kung tungkol naman ito sa suot ko, okay na kami doon kanina, maayos na nga kaming nag-uusap sa byahe kanina. Tapos ngayon bigla na naman siyang bad trip.
Hindi sya agad sumasog sa akin. Naglagay lang siya ulit ng alak sa kanyang hawak na baso at inisang inum ito. Akmang magsasalin na naman ito ng alak ng pigilan ko na siya. Muka kasing nakakarami na din siya. Namumula na din kasi ang mukha niya dahil sa ispirito ng alak.
"Ano bang problema Austine?" muling tanong ko sa kanya.
"Wala" sagot naman niya.
"Anong wala? Bad trip ka ngayon tapos wala lang" ani ko pa sa kanya.
Hindi na muli siyang nagsalita at akmang magsasalin na naman ng alak ng hilahin ko na siya patayo.
"Tama na yan Austine" Kalmado ko ng sabi sa kanya habang inaakay siya patayo. "Umuwi na tayo lasing ka na, hatid na kita."
Magkaabay kaming lumabas ng bahay ni Carlo. Mukang lasing na talaga itong si Austine dahil hirap na din siya magbalanse ng kanyang katawan.
Nang marating namin ang labas ng bahay ay dere-dereyso lang si Austine patungo sa pinagparadahan niya ng kanyang kotse.
"Magtaxi nalang tayo, bukas mo na balikan 'tong sasakyan mo" sabi ko sa kanya.
"Kaya ko pa, hatid na kita, Sakay ka na sa loob" pagpupumilit naman nito.
Alam kong mali pero wala na akong nagawa ng pumasok na si Austine sa loob ng sasakyan niya. Abot-abot nga ang dasal ko na sana makauwi kami ng matiwasaya.
Nakarating naman kami sa apartment ko ng maayos. Pinapasok ko na din muna si Austine sa loob para makapag kape ng mahimasmasan kahit papaano.
Dala ko ang tasa ng kape ng pumunta ako sa sala kung saan iniwan ko si Austine kanina. Nakapit na ito, hindi ko nga lang alam kung tulog na ba ito o hindi pa. Marahan kong tinapik ang kanyang mukha "Austine inumin mo muna itong kape para mahimasmasan ka kahit papano"
Nagmulat ang kanyang namumungay na mata, marahan naman niyang hinawakan ang aking mukha gamit ang kanyang kanang kamay.
"No more party to you Calli" usal nito "cause I'm jealous, I'm f*****g jealous Calli"