Three: Play

2142 Words
"Every small steps is a big achievement." "Calli, nasan ang yung mga flowers na gagamitin natin sa play, kailangan na yung maihanda. Magsisimula na tayo in 30 minutes." wika ni Ate Angela ang aming floor director. Senior na siya kaya naman isa siya sa mga tumatayong leader namin dito. Mabait si ate Angla, sa katunayan nga siya ang isa sa mabilis kong naging kaibigan sa club. "Ate nilagay ko na po sa may table malapit sa stage para kukunin nalang mamaya pag kailangan na" sagot ko naman habang inaayusan ang isa sa mga dancer para mamaya. "Ganun ba, sige salamat Calli." sagot naman nito bago umalis. Pero agad din siyang napabalik ng may maalala "Siya nga pala nakita mo ba si Agatha malapit ng magsimula ang play hindi ko pa siya nakikita, kailangan na n’yang maayusan" Tinapos ko naman ang paglalagay ng lipstick sa isa naming kasamahan bago ko siya harapin. "Nako ate hindi ko pa po siya nakikita mula kanina, akala ko naman nasa dressing room na siya ng mga main cast" sagot ko naman. Dalawang room kasi ang gamit namin, ang isa ay para sa main cast at ang isa naman ay para sa mga dancer na mag pe-peform din mamaya sa play. "Hala paano yan? wala pa siya, pakitawagan naman oh" nag-aalalang tugon naman ni ate. "Sige po ate wait lang po tawagan ko" sagot ko naman habang dinadial ang number ni Agatha. "Ate hindi po nasagot eh" muling sabi ko sa kanya. "Bakit naman kasi ngayon pa siya nawala kung kailan magsisimula na ang play? Siya pa naman ang lead character dito" iritable nang tugon ni ate. "Wala bang pwedeng pumalit sa kanya? Kailangan na nating maghanda" dugtong pa nito. "Ate si Calli, memorize niya ang lines ni Agatha, nakita ko sila minsan ni Amo nag papractice sila" sabat naman ng isang dancer na kasama namin. Bigla namang nagliwanag ang muka ni Ate Angela, "Yun naman pala, sige na Calli mag bihis ka na. Ikaw na ang umakyat sa stage mamaya para sa role ni Agatha" nagmamadaling sabi naman nito. "Pero Ate hindi pa ako nakakapagplay before, saka hindi ko masyadong alam ang gagawin" pagpoprotesta ko naman "Calli we don't have much time kailangan na nating magsimula, ang dami ng tao sa labas. Saka lagi ka naman nasa rehearsal diba, for sure alam mo na ang mga blockings doon." paliwanag pa nito. "Pero Ate......" naputol naman ang pagpoprotesta ko ng biglang bumukas ang pinto ang niluwa nito sa Austine na bihis na bihis na. "Oh ayan pala tamang-tama, Amo guide mo naman si Calli oh, siya makakapareha mo mamaya, wala pa kasi si Agatha hindi naman namin ma-contact, malapit nang magsimula ang palabas." baling ni ate Angela sa bagong dating. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Austine dahil sa narinig. "Sige ate ako na po bahala" masigla pa nitong sagot. "Salamat Amo, ikaw na bahala, babalik nalang ako in 15 minutes." pagtatapos pa ni ate. "Calli mag-ayos ka na ha" baling naman nito sa akin. Sobra-sobra ang kaba ko ng makalabas na si Ate Angela. Nagsimula na din ang mga kasamahan ko sa pag-aayos sa akin. Binigyan na din ako ng Carlo ng script para habang inaayusan ako mabasa ko ito. Oo nga at kabisado ko ang daloy ng play maging ang script ni Agatha, lagi din naman kasi akong present sa mga practice dahil kay Austine, pero iba pa din ang totoong play na, wala akong experience dito. "Relax Calli" Austine said. He is sitting beside me while the other theatre club member are busy putting make up on my face and fixing my hair. "I know you can do it" He added. "But Austine it’s different, hindi na ito practice na ginagawa natin. Alam mo naman kung gaano ako kakaba sa harap ng mga tao diba. What if stage fright out powered me at hindi ako makagalaw, masisira lahat ng pinaghirapan ng grupo" litanya ko naman sa kanya. "It will not happen Calli, I’m here, ako lang ang tingnan mo pag kinabahan ka. Isipin mo nalang parang practice lang natin ito." ani niya habang patuloy na pinipisil-pisil ang aking kamay sa kontroladong paraan upang pakalmahin ako. Nagsimula na ang play at ganoon nalang ang gulat ko ng makitang punong-puno ng tao ang loob ng Auditorium. Bigla akong nawala sa wisyo, buti nalang hinawakan agad ni Austine ang kamay ko, somehow it help me to loosen up a little bit. Natapos namin ang unang set ng play ng matiwasay, at ngayon nag hahanda na ako para sa susunod na paglabas ko sa entablado. I was on my position behind the curtain at any time lalabas na din ako para mag simulang umawit na bahagi ng play namin. Narinig ko na ang tunog ng gitara na nagmumula kay Austine. He was already on the stage playing with his instrument. Kasabay naman noon ay ang dahan-dahang pagbukas ng telon sa aking harapan. We were both young when I first saw you I close my eyes and the flashback starts I'm standin' there On a balcony in summer air Panimula ko sa awitin habang dahang-dahang lumalakad palapit sa isang balustre na bahagi ng balkunaheng aming ginamit bilang props sa aming play. Ramdam ko ang irigular na pintig ng puso ko dahil sa kaba. Agad naman hinanap ng aking mga mata si Austine na kasalukuyang nasa baba at tumutugtog gamit ang kanyang gitara. See the lights, see the party, the ball gowns See you make your way through the crowd And say, "Hello" Little did I know Nang magtagpo ang aming mga mata, agad naman niya akong binigyan ng isang malawak na ngiti, tila ba sinasabi ng kanyang mga mata na tama ang ginagawa ko, na magaling ako at proud na proud siya sa akin, kaya naman mas pinaghusayan ko pa at habang dahan-dahang bumababa sa isang hagdan upang tuluyan nang makalapit sa kanya. That you were Romeo, you were throwin' pebbles And my daddy said, "Stay away from Juliet" And I was cryin' on the staircase Beggin' you, "Please don't go, " and I said Romeo, take me somewhere we can be alone I'll be waiting, all there's left to do is run You'll be the prince and I'll be the princess It's a love story, baby, just say, "Yes" Habang tumatagal nawawala na ang kaba ko. Buong puso akong umawit ng hindi inaalis ang paningin ko kay Austine. Natatakot kasi ako na sa oras na alisin ko ang tingin sa kanya ay bigla na naman ako atakihin ng aking kaba. I got tired of waiting Wonderin' if you were ever comin' around My faith in you was fading When I met you on the outskirts of town, and I said Romeo, save me, I've been feeling so alone I keep waiting for you, but you never come Is this in my head? I don't know what to think He knelt to the ground and pulled out a ring And said, "Marry me, Juliet You'll never have to be alone I love you and that's all I really know I talked to your dad, go pick out a white dress It's a love story, baby, just say, "Yes" Nagpatuloy lang kami hanggang sa matapos ang play namin. Iba ang saya na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Tila ba nakalutang ako sa alapaap dahil sa labis na saya. Tama nga si Austine, sa oras na maranasan mo nang magtanghal sa harap ng madaming tao, hahanap-hanapin mo na ito, at iyon ang nararamdaman ko ngayon. I’m craving for more. I want to perform more. "You did a great job Calli" puri sa akin ni ate Angela sabay yakap matapos ang aming pagtatanghal. Kasalukuyan kasi kami ngayong nasa back stage at nag-aayos na ng mga gamit. Ngiti lang naman ang naisagot ko sa kanya, hindi ko din kasi alam kung ano ang sasabihin ko, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapanila na nagawa kong magtanghal kasama si Austine sa harap ng marami. "I can do better than her if you just wait for me" reklamo naman ni Agatha. Sampung minuto kasi matapos magsimula ang play ay dumating siya. Sabi niya na trapik daw siya kaya siya late. "Well, we don't need a better one here Agatha, professional one ang kailangan namin at si Calli yun. Kung dito na nga lang sa maliit na event natin nale-late ka what more sa mga malalaking pagtatanghal pa kaya" pagalit naman ni Ate Angela sa huli. Wala ni isa man ang nagsalita sa amin, marahil nahihiya ang karamihan. "Hindi ko hawak ang daloy ng trapiko ate, kung alam ko lang sana umalis na ako ng maaga kanina" paliwanag pa nito. "That's exactly my point, bakit ang iba nakarating ng maaga, maaga pa sa call time natin kahit higit na mas malalayo sila kesa sa iyo, bakit ikaw hindi mo nagawa? Dahil ba lead role ka? You think importante ka at aantayin ka naming." hindi na naiwasan ni ate Angela ang pagtaas ng kanyang boses. "Maliit man o malaki ang role mo ang mahalaga maging propesyunal ka sa lahat ng oras, at never ko yong nakita sa iyo, sa rehearsal palang lagi ka ng late" patuloy pa ni ate. Lahat kami ay nakikinig lang sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang kamay ni Austine na humihila sa akin palayo. "Congrats" wika nito sa aking habang patuloy kaming naglalakad patungo sa isang silid kung nasaan ang aming mga gamit. Napakunot noo naman ako sa winika niya "Anong congrats?" tanong ko pa. "Congrats sa unang stage play mo" sabi pa nito. "How was it?" tanong pa niya. "I don't know" sabi ko nalang ng makapasok na kami sa loob ng silid. "hindi ko ma explain yung nararamdaman ko ngayon, masaya ako na hindi ko maintindihan. I’m happy that finally nakapag perform na ako, pero parang may kulang" paliwanag ko pa habang inaayos ang mga gamit namin. "I know how you feel. That's exactly how I felt noong unang nag perform din ako. Masaya, pero may kulang. Hinahanap hanap ng katawan ko ang pag pe-perform, kaya ito ako ngayon patuloy pa din nagtatanghal." Austine answerd habang nag aayos din ng kanyang mga gamit. "Siguro nga kagaya mo din ako. Siguro dahil unang beses kong mag perform sa harap ng maraming tao iba yung accomplishment na nararamdaman ko ngayon, at gusto ko pa uling maramdaman ito." tugon ko naman sabay harap sa kanya. "Then do it again. Wala namang pumipigil sayo. Kung saan ka masaya susuportahan kita" nakangiti naman niyang wika. "Thank you talaga ha, kung wala ka kanina sa stage malamang nagkalat na ako dun" sabi ko habang binibigay sa kanya ang aking bag. Kasalukuyan kami ngayong nag lalakad palabas ng auditorium. Magkikita kasi kami nila Maddie. Kasama niya ngayon si Seb na kapatid niya, hindi nga namin alam na kaibigan pala ito ni Austine kung hindi pa kami aksidenteng nagkita-kita sa mall noong nakaraang linggo. "No, hindi dahil sa akin kaya mo nagawa yun. Nagawa mo yun dahil iyon ang gusto, ang tanging ginawa ko lang ay suportahan ka." sagot naman niya sa akin. Nakarating na kami sa may cafeteria kung saan nag aantay sa amin ang magkapatid. Gabi na pero bukas pa rin ito dahil madami pa ding mga istudyante ang nasa loob ng university dahil sa play na naganap kanina. "Wow, friendship iba ka talaga, hindi mo naman sinabi sa akin na artista ka pala, nagpa- autograph sana ako sa iyo." malakas na wika ng kaibigan ko. Minsan talaga nakakahiya din kasama ang isang ito eh. "Boses mo Maddison, nakapalakas aba nakakahiya ka eh ang dami pa namang tao dito" pagalit ko naman sa kanya. "Pake ko naman sa kanila eh sa proud ako sa bestfriend ko. Ano nga palang nangyari bakit ikaw ang nagperform doon, nasaan si Agatha?" Usisa naman nito. "Anong gusto mong kainin bili nalang kita?" tanong sa akin ni Austine. "Pasta nalang" sagot ko naman. "Sige, antayin mo nalang ako" paalam naman nito bago tuluyang umalis. "So ano ngang nangyari?" muling tanong ni Maddie makaalis ang mga lalaki para bumili ng pagkain namin. Kinuwento ko lang sa kanya lahat ng nangyari, at ang luka tawa ng tawa. Maigi daw iyon para kay Agatha. Maiinit kasi talaga ang ulo nito para sa babae, sobra kasi siyang naartihan dito. Tinapos lang namin ang aming pagkain at pagkatapos ay inihatid na nila ako sa apartment ko. Sumabay na din si Austine sa magkapatid dahil sinundo ang mga ito ng driver nila. "Bye friendship, see you tomorrow" paalam ni Maddie matapos huminto ng sasakyan sa tapat ng tumutuluyan ko. "Bye ingat kayo" sabi ko nalang para sa lahat. Naligo lang ako saglit bago ko napagpasyahang matulog na. Hindi pa man tumatagal ang pagkakapikit ng aking mga mata ay biglang tumunog ang ang cellphone ko. Binasa ko ang isang text message mula ka Austine. -Every small steps is a big achievement. Keep shining Elora-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD