"There are friends, there are family, and then there are friends that become family"
It's been a month since magsimula ang college life ko, and so far masaya at nakakaenjoy naman. Madami akong natutunang mga bagong activities lalo na sa club na sinalihan namin ni Austine. Sa katunayan nga katatapos lang ng performance namin sa isang maliit na fund raising event dito sa university. Ang kinita ng club ay mapupunta lahat sa isang bahay ampunan sa Laguna, madaming bata na din kasi ang nasa lugar na’yon at ngayon madaming kulang sa mga gamit nila lalo na sa pagkain, kaya kahit sa maliit na paraan masaya akong maging bahagi ng event na iyon, kahit papaano nakatulong ako.
Madami-dami na din akong nakilalang mga bagong kaibigan, at lahat ng yun ay dahil din kay Austine. Pinapakilala niya ako sa mga schoolmates namin na kakilala din niya. Hindi niya ako iniwan, he really guides me all throughout, at ngayon kahit papaano nagiging kumportable na din ako sa harap ng ibang tao.
"Hey, a penny for your thoughts?" pukaw antensyon niyang sabi matapos makalapit sa akin, sabay abot ng isang can ng soft drink. Hindi ko kasi namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatulala sa stage décor na ginagawa namin ngayon sa club. May gagawin kasing stage play sa susunod na buwan, at ako ay isa sa mga member ng production team, kaya ito abala ako sa paggawa ng mga décor lalo na pag wala kaming klase.
"Nothing, I'm just happy. All of this are new to me, pero sobrang saya ko, Thank you talaga Austine ha, kung hindi mo ako sinama dito sa club malamang ang boring ng college life ko ngayon." tugon ko naman habang tinatanggap ang kanyang ibinigay na inumin.
"Anong thank you? Wala ng libre sa panahon ngayon no." birong sagot naman niya, at alam ko na kung anong gusto niya, box ng cookies ko. Mula kasi ng binigyan ko siya ng cookies noong unang araw na magkakilala kami lagi na niya akong kinukulit na gawan siya noon. Dati si Maddie lang ang ginagawaan ko, ngayon dalawa na sila.
"Oo na, ito na bayad ko sayo" kunwaring pagalit kong sagot sa kanya sabay bigay ng cookies na matagal na niya nilalambing sa akin.
Bigla namang nagliwanag ang kanyang mga mata, tila batang excited sa nakatanggap ng regalo. "Wow, buti meron kang dala ngayon para sa akin, akala ko inubos na naman lahat ni Maddison ang cookies mo eh" masayang sambit pa niya.
Nakilala na din kasi niya si Maddie one week after magsimula ang klase. Mabilis naman silang nagkasundo, palibhasa parehong extrovert itong dalawa, yun nga lang may oras na pakiramdam ko may kasama akong dalawang bata pag magkakasama kami. Madalas kasi sila mag biruan at kung minsan mag-agawan sa cookies na ginagawa ko.
"Hindi pa kami nagkikita ni Maddie, kaya swerte mo ikaw una kong nakita kaya napunta sa iyo yan" birong tugon ko naman sa kanya.
"Salamat ha, pasalamat pa pala akong hindi pa kayo nagkikitang dalawa" sarkastikong tugon naman niya.
Natawa naman ako sa reaksyon niya, para kasi siyang batang nagtampo dahil sa sinabi ko kanina. "Ito naman biro lang. Sa iyo talaga yan. Siya nga pala bakit nandito ka sa back stage? Diba dapat nasa harap ka at nag re-rehearse?" tanong ko naman. Siya kasi ang lead character sa short theatre play na gagawin namin, at ang alam ko may practice sila sa labas ngayon.
"Hindi ba pwedeng magpahinga?" sabi naman niya sabay higa sa lap ko. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sahig ngayon dahil my tinatahi ako para costume na gagamitin nila. "Katatapos lang isang set namin, may 15 minutes break kami" dugtong pa niya habang patuloy sa pagkain ng cookies na binigay ko.
"Ahh, bakit ayaw mo sa labas magpahinga, mas maginhawa doon, ang init kaya dito."
"Yaan mo na, wala ka naman kasi doon. Saka nakakasawa mukha ng mga kasama ko doon" seryosong sagot pa niya. Nahampas ko tuloy siya ng wala sa oras. Minsan kasi wala talagang preno ang bibig ng isang to eh.
"Ang bibig mo minsan talaga wala preno eh no." sabi ko nalang habang inaayos ang ilang mga gamit na nagkalat sa sahig. "marinig ka ng ibang tao kung ano pa ang isipin nila tungkol sa iyo".
"Totoo naman kasi, lalo na si Agatha, walang tigil ang bibig kakasalita kahit tapos na ang script reading namin. Hindi ko na nga lang pinapansin." sabi pa niya. Si Agatha kasi ang kapareha niya sa play na ito. May pagka-maingay kasi talaga ang isang iyon, at iba kung kumilos. Ang pananamit pa niya halos kita na kaluluwa sa tuwing may rehearsal sila, kaya siguro naiilang din itong si Austine kapag kaharap ang babae. "dapat kasi talaga nag audition ka para dito sa play, 'di sana tayong dalawa ang magkasama"
"Sorry na sinubukan ko naman, pero talagang hindi ko pa kaya, hindi pa ako ganoong ka confident para sa ganito" hinging paumanhin ko naman.
One week kasi after magsimula ang klase nag announce ang club na may gaganaping play sa university, agad akong pinilit ni Austine na mag audition para sa female lead role, sabay pa halos kami araw-araw sa pag-pa-practice para sa audition. Isa itong musical play kaya naman gustong-gusto noon ni Austine na mapasama sa cast. Pumayag naman ako, kaso ng nasa audition room na kami at ako na ang sasalang bigla akong kinabahan ni hindi ko nga nagawang makapagsalita, kaya bumaba nalang ako ng stage ng wala ginagawa, kaya ayun ang ending nakuha siya bilang main lead cast at ako bumagsak sa production team.
"Kung alam ko lang kasi na aatras ka sana hindi na din ako tumuloy" patuloy pa nito. Magkaibang room kasi ang ginamit para sa mga babae at lalaking mag-audition kaya wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari sa akin ng mga oras na iyon.
"Ito naman isang buwan na ang nakakalipas hindi mo pa rin malimutan yan, Sorry na nga kasi, yaan mo next time promise tutuloy na talaga ako pag may event ulit tayo" lambing ko nalang sa kanya habang hinahaplos ang kanyang malalambot na buhok.
Naputol ang aming pag-uusap ng biglang pumasok si Carlo, isa sa mga kasamahan namin sa club.
"Amo, nandyan ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ni sir sa labas start na daw uli tayo ng practice in 5 minutes." sabi nito.
"Sige bro salamat, sunod na ako" sagot nalang ni Austine sa kasama.
"Bakit ba hanggang ngayon Amo ang tawag nila sayo, mas maganda kaya yung name mo Austine, bakit ayaw mo yun gamit?" wala sa sariling tanong ko sa kanya ng siya ay makaupo mula sa kanyang pagkakahiga sa akin.
"I already explain that to you. I don't want other people call me Austine aside for those people na malapit sa akin" paliwag niyang muli habang nag-aayos ng nagusot niyang damit.
"Eh bakit ako, unang kita palang natin Austine na pakilala mo?" tanong ko pa habang pinapagpagan ang kanyang likod na nagkaalikabok dahil sa kanyang pagkakahiga kanina.
"You are different, nasabi ko na dati diba. When I saw you that day, I really want to be friends with you"
Hindi nalang ako nagsalita. Siguro ganoon lang talaga siya. He really gives importance sa mga taong malapit sa kanya, kaya even sa pagtawag sa pangalan niya may distinction kung close ba sa kanya ang isang tao o hindi.
Tumayo nalang uli siya at saka nagpaalam "Mauna na ako sa labas may isang set pa kasi kami, pero antayin mo ako ha, sabay na tayong umiwi."
Tumango nalang ako at saka nagpatuloy sa aking ginagawa.
Halos tatlong oras din ang tinagal ng huling set ng practice nila Austine, kaya naman ala-sais na din ng gabi kami nakalabas ng auditorium. Pumunta kami agad sa isang resturant malapit sa university, tumawag kasi si Maddie kanina at sinabing nandoon siya, nag-aya itong kumain bago kami umuwi.
"Finaly dumating din kayo" bungad sa amin ni Maddie ng makalapit kami sa table kung saan siya nakaupo.
"Makapagsalita ka naman kala mo ang tagal mong nag-antay sa amin ah" pambabara naman nitong si Austine, napapailing nalang talaga ako dito sa dalawang ito pag magkasama sila, para laging aso at pusa.
"Bakit nag-antay naman talaga ako ah, mga 5 minutes" natatawang tugon naman ni Maddie.
Nang makaayos na kami ng upo sa lamesa ay agad na din naman kaming umorder ng pagkain, at katulad ng dati wala na namang tigil ang kwento nitong si Maddie.
Pasado ala-syete na ng mapagdesisyunan namin maghiwa-hiwalay at umuwi. Si Maddie ay sinundo ng kanyang driver kaya naman inihatid nalang din ako ni Austine sa apartment na tinutuluyan ko.
"Salamat sa paghatid" nakangiting sabi ko sa kanya ng marating namin ang gate ng apartment ko. Kinuha ko na din sa kanya ang bag ko na binitbit niya kanina.
Tumango lang siya, at ng akmang papasok na ako sa loob ay bigla naman niya akong tinawag. "Calli"
"Bakit?" tanong ko naman ng lingunin ko siya.
Hindi siya nagsalita sa halip lumapit lang siya sa akin at inabot ang aking kamay. Nagulat nalang ako ng bigla siyang may isinuot sa aking isang bracelet.
"Ano to?" tanong ko sa kanya
"Bracelet" pilosopong sagot naman niya.
"Alam ko, what I mean is para saan?"
"Wala lang, nakita ko kasi yan nung nakaraang nagala kami nila Seb, eh naalala kita kaya binili ko na" paliwanag naman niya "Actually dalawa nga yan eh" dugtong pa niya
"Oh nasaan na yung isa?"
Pinakita naman niya sa akin ang isa pang bracelet na kulay asul. Kaparehong-kapareho ito ng sa akin ang kaibahan lang kulay pula ang nasa akin.
"Suot mo nga sa akin" labing naman niya.
Ginawa ko naman ang request niya at sinuot ang bracelet sa kanyang pulsuhan. Ang ganda lang tingnan dahil litaw na litaw ito dahil sa maputi niyang balat.
"Ang ganda, bagay sa iyo" sabi ko nalang.
"Yung sa iyo din ang ganda, wag mong aalisin yan ha" tugon naman niya.
Napangiti nalang ako habang minamasdan ang bracelet namin. Hindi naman ito ang unang beses na binigyan ako ng gamit ni Austine, madalas nga niya akong ilibre sa kung saan, pero ito ang unang beses na may binigay siya sa akin na bagay na may kapareha na nasa kanya.
"That will serve as our friendship bracelet kaya ingatan mo yan ha, may pagkaburara ka pa naman" dugtong pa nito.
"Oo na, iingatan na makasabi ka naman na burara, kala mo naman ikaw hindi ah" nakanguso ko nalang na sabi sa kanya.
Natawa nalang din siya sa reaksyon ko. "Sige na pasok ka na gabi na din. Wag mong kakalimutang i-lock ang pinto at bintana mo ha"
"Opo, ito na papasok na. Ikaw din ingat ka. Text mo ako pag sa bahay ka na"
Tumango nalang naman ito sabay lakad palayo sa akin.
Napangiti nalang ako habang minamasdan si Austine na papalayo. Sa maiksing panahon naging malapit ko na din siya kaibigan, hindi lang siya marami pang iba. Pero isa siya kasama na si Maddie sa pinakamahahalagang kaibigan na meron ako. Hindi lang sila kaibigan para sa akin, sila ay pamilya ko na din.