One: Beginning

2117 Words
"Experience is our best teacher, don't be scared to make mistake, instead learn from your mistake" "Hoy! Callista Elora Alegria, asan ka na ba? Ang tagal tagal mo. Malapit nang magsimula ang orientation wala ka pa." malakas na bungad sa akin ng bestfriend kong si Maddie matapos kong sagutin ang kanyang tawag. "Ito na nga malapit na. Kailangan talaga buong buo ang pangalan ko ha, Maddison Gabriel Montevista?" sagot ko naman sa kanya. Pero sa totoo lang nandito pa talaga ako sa bahay at bago palang paalis papunta sa school. Tinanghali kasi ako ng gising kanina, kung hindi pa nga ako tinawagan ni Maddie kanina hindi pa ako magigising. Bakit naman kasi sa dinami-raming araw, kagabi pa ako dinatnan ng buwanang dalaw ko, kaya ayun madaling araw na ata ako nakatulog dahil sa dysmenorrhea ko. Ngayon pa naman ang first day namin sa college, kaya itong bestfriend ko excited. "Hoy, Callista, kanina pa yang malapit mo na yan. The last time I called you 30 minutes ago ganyan din ang sabi mo, pero hanggang ngayon wala ka pa." iritable niya naman tugon sa akin. "Sorry na best tinanghali kasi talaga ako ng gising alam mo naman ang sakit ko buwan-buwan diba. Pero malapit na talaga ako, 10 minutes nandyan na ako. Mauna ka na sa auditorium pag-reserve mo nalang ako ng upuan ha. Salamat best I Love You" paglalambing ko nalang sa kanya sabay baba ng tawag. Ang totoo malapit lang naman talaga ang inuupahan kong apartment dito sa school namin pwede ngang lakarin kung tutuusin pero dinala ko na nga lang din ito e-bike ko para mabilis ako. Wala pa namang sampung minuto ay narating ko na din ang school namin. Agad naman akong tumuloy sa auditorium kung saan gaganapin ang orientation ng mga freshmen na kagaya ko. Hindi naman ako nahirapang hanapin sa Maddie ng marating ko ang bulwagan. Paano ba naman, siya lang ang namumukod tanging blonde hair sa buong silid. Natural kasi ang kulay ng buhok nito na nakuha niya sa kanyang banyagang ina na bibihirang matagpuan dito sa Pilipinas, kaya naman litaw na litaw siya sa karamihan. "Hey best friend, what's up" yakap ko sa kanya ng makalapit ako sabay upo sa bakanteng upuan sa kanan niya. "Wag mo akong daanin diyan sa payakap-yakap mo Calli ha. Hindi ako natutuwa. Pinag-antay mo ako ng mahigit kalahating oras" nakasimangot naman niya sagot sa akin. "Sorry na nga kasi" lambing ko pa dito sabay abot ng isang box ng cookies na binake ko kagabi. Paburito niya kasi yun kaya madalas akong mag bake para sa kanya lang talaga, hindi naman kasi ako mahilig sa mga matatamis. "Ano 'to? suhol sa kasalanan mo" sabi niya sabay tanggap ng bigay ko. "Suhol agad? Hindi ba pedeng love gift muna para sa best friend ko" "Hay nako Calli, kung 'di lang talaga kita mahal" sagot naman niya habang tinitikman ang isang cookies na binigay ko. "pasalamat ka nalang talaga at hindi pa nagsisimula ang orientation at umabot ka pa" "Akala ko nga sobrang late na ako, buti nalang talaga hindi pa nag sisimula" Natahimik naman kaming pareho ng magsimula na ang programa. Halos dalawang oras din ang tinagal nito kaya naman inip na inip ako. Agad din naman kaming nag hiwalay ni Maddie matapos ang orientation. Magkaiba kasi kami ng course dalawa, ako kasi Bachelor in Performing Arts ang kinuha ko pangarap ko kasi talaga ito mula pa pagkabata, gustong-gusto ko kasi talagang mag perform sa harap ng maraming tao, yun nga lang may pagkamahiyain ako, pero ayos lang din naman ma-o-overcome ko din naman siguro yun pag tagal. Samantalang ang kaibigan ko naman ay kumukuha ng Political Science, mula din kasi si Maddie sa pamilya ng mga abugado kaya naman hindi nakapagtataka na iyon ang kinuha niya kurso. Tahimik lang akong naglalakad papunta sa building namin. Buti nalang pala at nag dress ako, halos lahat kasi ng mga istudyanteng nakakasalubong ko eh karamihan naka dress kung 'di naman napakaganda ng mga pormahan nila. Sa unang linggo kasi ng pasok ay pinayagan kami ng school na wag munang mag uniform, pero sa mga susunod na linggo kailangan na namin mag suot ng school uniform base sa kursong kinukuha namin. Nagmamasid lang ako sa paligid habang hinahanap ang silid ng unang klase ko ng bigla nalang may umakbay sa aking isang lalaki. Hindi agad ako nakagalaw. Marahan ko siyang nilingon sabay tingala, may katangkaran kasi ang lalaki. Agad kong napansin ang kanyang mahahabang pilikmata, ang ganda daig pa nito ang nagpaayos ng lashes sa kung saan. Dumako naman ang aking paningin sa kanyang ilong, shocks ang tangos, bigla naman akong na-insecure, hindi kasi katangusan ang ilong ko. Hanggang sa mapunta sa kanyang mapupula at pinong mga labi ang aking mata, pinakatitigan ko pa ito, akala ko kasi nung una may lipstick siya pero wala pala, natural ang pagkapula ng mga ito. Napahinto rin ako sa paglalakad at maging ang lalaking umakbay sa akin ay napahinto din. Bago pa man ako makapagsalita ay may binulong na ito sa akin "Miss, may tagos ka" Agad naman akong pinamulahan sa aking narinig. Nakakahiya, naka white dress pa naman ako ngayon kaya panigurado kitang kita tagos ko ngayon. Naramdaman ko nalang na bigla na may kung anong bagay ang nakatali sa aking baywang, nang tingnan ko ito isang jacket pala na panigurado mula sa lalaking umakbay sa akin. Nang lingunin ko ang lalaki ay medyo malayo na ito. Agad ko naman itong hinabol, at ng maabutan ko siya ang agad kong hinawakan ang kanyang kamay dahilan ng kanyang pagtigil. "Ahh.... eh..... salamat pala" nahihiya ko namang sabi sa kanya. "ano nga palang pangalan mo. Saka san kita pedeng puntahan, babalik ko nalang ang jacket mo bukas lalabhan ko nalang din muna" patuloy ko pa "Austine" pakilala nito "just return it when we met again. And you?" sabi pa niya. "Calli" Pakilala ko naman. "Nice to meet you Calli, see you around" muling sambit nito bakod ako tinalikuran. Medyo malayo na siya ng muli ko siya tawagin ang habulin. "Austine" tawag ko sa kanya. Kinuha ko ang isang box ng cookies mula sa bag ko at ibinigay sa kanya "Salamat uli kanina" nahihiyang sambit ko naman. Nakangiti naman niyang tinanggap ang ibinigay ko "You're Welcome" simpleng sagot nalang niya bago tuluyang naglakad palayo sa akin. Tinuloy ko nalang ang paghahanap sa unang klase ko. At dahil unang araw palang ng klase wala naman kaming ginawa, nagpakilala lang ang unang professor namin at mabilis na orientation tungkol sa subject niya. Nang matapos ang unang klase ko, napagdisisyunan kong umuwi muna sa apartment para makapagpalit ng damit, tutal may isang oras naman ako bakante para sa susunod kong klase. Nang makabalik na ako muli sa school ay agad ko namang hinanap ang cafeteria. Nabanggit kasi ni Maddie na nandun daw siya kaya naman agad ko siyang pinuntahan. "Oh, anong nangyari sayo? saglit palang tayong hindi nagkita nakapag change outfit ka na agad" puna naman nito sa akin matapos kong maupo sa tapat niya Kinuha ko naman ang tinidor na gamit niya at nakisalo sa cheese cake na kanyang kinakain. Habang sumasalo sa kanya ay kinuwento ko ang nangyari kaninang umaga. "Really Calli, dyahe ka freind" natatawang kumento naman nito matapos kong ikwento ang lahat. "Yes best, kakahiya talaga" pag-amin ko naman. "buti nalang kamo hindi ko naibigay sayo lahat yung cookies ko, kaya ayun binigay ko nalang sa kanya yung isang box ko, para kahit papano mabawasan naman ung hiya ko sa kanya" dugtong ko pa. "Pero best, yung totoo. Gwapo ba?" nakangiting tanong naman ng marites kong kaibigan habang kinukuha ang tinidor mula sa akin at kanyang ginamit sa pagkain muli ng cheese cake niya Hindi naman ako nakapagsalita. Binigyan ko lang siya ng isang tango habang umiinom sa kanyang softdrink. At ang babaita bigla namang napasigaw ng impit. "Talaga ba? Nakuha mo ba naman ang pangalan? How about his number? Share mo naman sa akin friend baka pede kaming maging text mate" excited pa nitong sabi. "Oo nakuha ko, pero pangalan lang, Austine, Yun ang sabi niya" "Austine? Austine what? Anong surname, search ko nalang sa sss" "Hindi ko alam, Yun lang ang sinabi niya eh. Hindi ko naman na natanong pa, nahihiya na kasi talaga ako sa kanya" "Ano ba yan. Gwapo na naging bato pa. Sa susunod nga na makakita ka ng gwapo, kunin mo naman ang kumpletong details, kung kailangan mo ng slam book just tell me bibigyan kita" sabi pa nito sabay ikot ng mata. "Don't worry. Pag nagkita kami uli pagbabalik ko ng jacket niya tatanungin ko siya tapos bigay ko sayo." "Talaga? Sabi mo yan ha? kaya love na love kita eh, pakiss nga ako" sabi pa nito sabay tayo at akmang hahalik sa akin. "Yuck! Kadiri ka" tugon ko naman sabay iwas sa kanya "Maka-kadiri ka naman. Kala mo naman hindi tayo nag share ng tinidor kanina sa pagkain ng cheese cake ko" sabi naman niya sabay tawa namin pareho. Nagkwentuhan lang kami saglit at muling naghiwalay para pumasok sa susunod naming klase. At dahil hinanap ko na kanina ang mga rooms ko, mabilis kong narating ang susunod ko silid. Wala pa nga halos tao ng pumasok ako. Naupo nalang ako sa isang bakanteng upuan sa bandang likod. Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagbabasa sa aking w*****d book na dala habang wala pa ang aming professor. Naramdama ko nalang na biglang may umupo sa aking tabi, at dahil busy ako hindi ko nalang siya tiningnan. May pagka introvert din kasi ako, sa katunayan nga si Maddie lang talaga ang kaibigan ko mula nung high school kami. May mga kumakausap naman sa akin dati pero hindi ko sila naging ka-close, siguro nababagot silang kausap ako. "Hi, Calli right" Sabi ng isang baritonong tinig mula sa aking tabi. Bigla naman akong nagulat ng makilala kung sino ang aking katabi. "Ah yes, Austine diba?" balik tanong ko naman. "Yes, Bachelor in Performing Arts din pala ang kinukuha mo?" tanong naman ng lalaki. "Ah oo, ikaw din ba?" "Oo, I think magiging classmates tayo most of our subjects, so nice naman, at least may bago na akong kakilala dito" "Oo nga eh nakakatuwa, anong major mo pala?" "Contemporary Dance, Ikaw? "Musical Theatre" "That's nice. Hilig mo talaga ang theatre no?" "Not really, Gusto ko lang din talaga ang mag perform. I also like singing and dancing. Kaso very limited lang din ang mga performance ko since high school, medyo mahiyahin din kasi ako eh" "Oh I see. alam mo ba we are the same before. When I was in High School sobrang mahiyain din ako. But when I tried performing in front of many people, parang iba yung saya ko. That's why mula noon, sinabi ko na sa sarili ko, someday mag debut ako bilang performing artist at mag pe-perform ako sa harap ng maraming tao" Nakakahanga naman pala itong si Austine. Sana ma-overcome ko din ito takot ko, para katulad niya makapag perform din ako sa harap ng maraming tao. Naputol ang aming pag-uusap ng bilang pumasok ang aming professor. Tahimik lang kaming nakinig hanggang sa matapos na ang aming klase. Sabay kaming lumabas ni Austine mula sa silid. Inaya niya kasi akong mag palista sa Performing Arts Club. Dun pala siya galing kaninang umaga kaya hindi ko siya nakita sa unang klase namin. Sabi niya makakatulong daw iyon sa aking para ma-overcome ko ang stage fright ko. Nakangako din naman siya na sasamahan ako sa lahat ng activities ng club, tutal magkaklase naman kami sa halos lahat ng subject namin kaya pumayag na din ako. "Thank You talaga Austine ha" nakangiti sabi ko dito matapos kong makapagpalista. "Ano ka ba wala yun. Maliit na bagay" sabi naman niya. "Pano ba yan dito na pala ako" sabi ko naman sa kanya ng marating namin ang library. Dito kasi kami makikita ni Maddie "Ah ganun ba. Sige kita nalang uli tayo bukas" paalam naman nito. Habang nag-iintay, binuklat ko naman isa-isa itong mga pamplet na nakuha ko mula sa club. Ang dami pala nilang events. Nakaka-excite naman. Buti nalang talaga nakilala ko si Austine, kahit papano may makakausap na ako habang wala sa Maddie sa tabi ko. First day palang ng college life ko pero napaka dami nang nangyari. And I know mas madami pang magaganap sa mga susunod na araw. At kung ano man yun handa akong harapin ang lahat ng iyon. Tama nga ang sabi ni Austine kanina sa akin Experience is our best teacher mas madami tayong matututunan kung mararanasan natin ito mismo. At ngayon handa na akong matuto, handa na akong sumubok ng mga bagay na hindi ko dati ginagawa. Hindi lang para sa iba kundi higit sa lahat para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD