bc

Sebastian Nicholas William's Obsession

book_age18+
557
FOLLOW
2.4K
READ
revenge
age gap
heir/heiress
drama
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

"Pag nagmahal kailangan masaktan pag nagmahal kailangan mo ipaglaban pero dapat kapag lumalaban handa ka masaktan at maghintay kakayahin mo kaya? Kung sa bawat Laban mo sumusuko na ang taong mahal mo. Lalaban pa ba o suko na?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Late
Nagising ako dahil sa ingay na galing sa labas ng kwarto ko. Rinig na rinig ang boses ni Mommy lagi siya ang gumigising sakin, hindi ako nagigising sa alarm Clock kaya lagi siya nagagalit sakin. Nakailang palit na ako ng alarm clock dahil para bang bigla na lang nasisira kapag umaga wala akong naririnig na tunog. Mas nagigising pako sa maingay na boses ni Mommy. "Ano na Eloisa? Hindi kapa ba gigising tanghali ka na naman. Lagi ka na lang late sa school" Nakasimangot akong napabangon dahil kulang pa ang tulog ko alas tres na kasi ako nakatulog kagabi dahil nanunood pa ako ng bagong movie. "Opo Mommy, Gising na ako" Pag bukas ko ng pintuan ay bumungad ang mukha ni Mommy na nakangiti. Kaya hindi ako naiinis dahil ganiyan siya kapag binibuksan ko ang pintuan sisigaw siya pero kapag kaharap mo ay laging nakangiti. "Move Faster Eloisa, You're already late for school. Take a bath and come downstairs, your brother has been waiting for you for you." Humalik lang ako sa pisngi niya bago siya umalis sa harapan ko. Agad naman akong kumilos para maligo, Alam kong galit na si Kuya Ethan ayaw kasi niya sa lahat ang late lagi. Nagsuot lang ako ng cute dress at tsaka nag tali ng buhok. Maliit lang ang dinala kong bag dahil wala naman masyadong ginagawa sa unang araw ng pasokan. Saktong sakto lang sa katawan ko ang suot kong dress na hanggang tuhod. Sakto sa tangkad ko bagay rin ito dahil sa mahaba kong buhok kulay pula ito. Dahil pula ang isa sa mga gusto kong kulay. Habang nag susuklay ay nakita ko ang isang maliit na papel at dun nakalagay ang section ko ngayong pasokan. Dapat talaga ay lilipat ako ng school pero dahil ayaw ni Mommy hindi natuloy. Ang dahilan niya ay ayaw niya daw kami mag hiwalay ni Kuya Ethan ng school mas mababantayan daw ako nito. Yun na nga ang problema dahil lagi siyang nagsusumbong kila Mommy kaya palagi na lang ako napapagalit. "Eloisa, Ano na? Nakain kana ba sa loob ng Cr?" Natatawa akong kinuha ang cellphone ko sa kama. Galit na nga siya, 7:30 kasi ang pasok namin. Late na kami ng 20 minutes. "Nandyan na Kuya" Nakita ko siyang masama ang tingin habang kumakain ng tinapay na hawak niya. Agad niyang tinuwid ang kamay niya na para bang inaalok niya akong kumagat sa tinapay na kinakain niya. Natatawa akong lumapit para kumagat sa hawak niya. "Goodmorning Kuya Ethan" Napangiti ako ng biglang nagliwanag ang mukha niya. Hinalikan niya ako sa noo at hinawakan ang kamay para pumunta na ng kusina. "Tagal mo Elly" Napatingin ako sa kaniya dahil siya lang ang tumatawag sakin ng Elly. "Palagi na lang tayo late Stella Eloisa Warren" Natatawa ako habang naglalakad dahil ganyan siya kapag naiinis na talaga. Lagi naman siya ganiyan dahil hindi pa namin naranasan ang pumasok ng maaga pa sa oras ng pagpasok. "Nandito na pala kayong dalawa, Kumain na kayo dahil late na kayong dalawa. Anong oras ka na naman ba natulog Eloisa at tanghali ka na naman" Nakita kong natatawa si Kuya Ethan habang nasubo ng kanin na kanina pa yata niya kinakain. "Tinatawa mo dyan?" Lalo lang siya na tawa sakin na naging dahilan ng pagtawa ko. "Tama na yan, Kumain na tayo" Nakita ko si Daddy na nakaupo sa pwesto niya lumapit naman ako para batiin siya at para rin humalik sa pisngi. "Goodmorning Daddy" Binaba niya ang hawak niyang newspaper tsaka ako hinalikan sa noo. "Goodmorning My Princess" Nginitian ko lang siya at umupo na. Si Daddy ay princess talaga ang tawag sakin. Si Mommy naman ay Eloisa o kaya baby. At si Kuya Ethan ayuko sa mga tawag niyang pangalan dahil ang papangit. Paminsan nga ay tinawag niya akong bruha at pangit dahil lang hindi ako nakapag suklay. Nagsimula na akong kumain habang nakikipag kwentohan kila kuya, Marami akong nakain dahil nakalimutan kona ang pagkain kagabi sa kakanuod ng movie. **** Pagkatapos kumain ay agad na rin kami nag paalam kila Mommy para makaalis na. Okay lang naman sakin malate dahil 8:30 pa naman ang simula ng first subject ko. Si Kuya Ethan ay kanina pang 7:40 ang klase hindi niya lang talaga ako maiwan dahil ayaw niya pa ako mag drive ng sasakyan, Masyado pa daw kasi akong bata na sa edad na 17 ay marami paring bawal na sinusunod ko na lang. "When my class is over, I'll go to your classroom so we can go home together. So that Kuya Mike doesn't pick you up here" Si kuya Mike ay driver ng pamilya namin bata palang kami ni Kuya Ethan para na nga namin siyang matandang kapatid dahil sobrang close na namin sa isa't isa. "Noted Kuya Ethan" Pagsabi ko nuon ay pinagbuksan na niya ako ng pintuan tsaka hinalikan sa noo. "Mag-iingat ka ha" Tumango tango lang ako at naglakad na paalis. Magkaiba kami ng building dahil college na si Kuya. Ako naman ay Grade 11 student. Habang nag lalakad papunta sa classroom na nakalaan sakin ay marami na akong nakikitang mga bagohan sa campus. Mga maiingay na magkakaibigan na nagkita kita na ulit at mga bagong naghahanap ng kaibigan. Kami ng mga kaibigan ko ay nagkahiwalay hiwalay na dahil ang iba ay gusto ng magulang sa ibang bansa mag aral. Si Althea na lang ang kasama kong mag aaral dito dahil mas pinili niya dito magtapos kasama ko. Hindi pa siya makakapasok ngayon dahil nasa bakasyon pa siya sa probinsya kasama ang pamilya niya. Kaya naman mag isa muna ako ngayon sanay din naman akong magisa kapag first day of school dahil lagi silang late na ang uwi dahil sa mga bakasyon. Habang hinahanap ang classroom ko ay may nakita akong kumpolan ng mga tao sa field ng school nasa gitna ito ng mga building. Bawat building ay may palatandaan para hindi malito ang mga bagong estudyante. Ang building namin ay merong silver na linya sa gilid na may nakalagay na Grade 11. Ang buong building ay para sa iisang antas lang, Kaya naman talagang madami ang pumapasok dahil sa laki ng campus. Bawat grade level ay may kan'ya kan'yang kulay, meron din sa mga Id Lace para malaman kung anong Grade level ang mga estudyante. Nasa tapat ng building ng 1st Year College ang mga tao na para bang may pinagkakagulohan. Gusto ko man malaman kung ano pero malalate na ako, Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng classroom ay naririnig ko na ang ingay sa loob. Pagpasok ko ay natigil sila sa pagiingay at napaayos pa ng upo ang iba. "Goodmorning Eloisa" Hindi ko alam ang isasagot ko dahil ngayon ko lang naman nakita ang taong bumati sakin. Nginitian ko lang siya tsaka naupo sa pwestong nakalaan sakin. Bawat upuan at merong nag mamay-ari pag nasira mo ay kailangan mo ipaayos. Dahil lahat ng gamit sa campus ay may patakaran na pag nasira mo ay babayaran mo. Agad rin naman dumating ang professor namin, wala pa ngang gana ang mga kaklase ko ng bumati sila ng goodmorning halatang wala pang gana mag-aral. Kahit naman ako ay nakakaramdam ng katamaran dahil sa isang buwan na pahinga pero ayuko naman mapagalitan ng tatlong tao. Kaya naman kahit ayaw ay pinilit kong pumasok at tumayo sa masarap at malambot kong kama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook