Pag karating namin sa clinic ay agad kinausap ni Kuya Ethan ang nurse na mag lilinis ng sugat ko. Kanina habang naglalakad papunta dito ay sinabi kona sa kaniya na ayos lang naman ako at hindi gaano masakit.
Masyado lang siya nag aalala sakin, Kaya ko naman dahil maliit lang naman ang sugat at mga gasgas. Hindi na nga kailangan pumunta pa rito.
Kaya ko naman linisin mag isa ito dahil may gamit na ako sa locker pero mapilit si Kuya Ethan mas okay daw na malinis ng ayos kaya hinayaan kona.
Sinabi ko rin sa kan'ya na sana wag na malaman nila Mommy ang nangyari panigurado kasing magagalit sila.
Ngayon lang kasi nangyari ito sakin at sa university pa na pag mamay-ari ng Lolo ko. Ayuko naman magkagulo pa ng dahil lang sa nangyari.
"Kailangan lang linisin ulit kung sakaling sumakit ang sugat sa kamay mo" Nakatayo sa harap ko ang isang babaeng may edad na s'ya ang nurse na nakaduty ngayon.
"Maayos na yan kailangan lang antayin gumaling" Tumango lang ako at tinignan si Kuya Ethan na seryoso paring nakatingin sa mga kamay kong nagamot na. Umalis na rin ang Nurse na ang pangalan ay Queeny.
"Kuya, Kumalma kana nga. Ang aga-aga ang seryoso mo masyado" Nginitian ko s'ya dahil kita parin sa kan'ya ang inis sa nangyari.
Wala naman na akong magawa dahil tapos na yun. Kailangan ko na lang pakalmahin ang kapatid ko dahil baka biglang sumabog na naman siya dahil sa inis.
****
Umalis na rin kami sa clinic dahil okay naman na ang sugat ko. Nalinis na ito at sa bahay na lang ulit uulitin, ako na ang gagawa nuon dahil ayukong malaman nila Mommy.
Kumalma na rin si Kuya Ethan, dahil sinabi kong maayos naman na ako nag sorry din s'ya sakin dahil hindi niya ako naihatid na hinayaan ko na lang dahil kasalanan ko din naman.
"Wag na wag mong lalapitan ang Nicholas na yun! Naiintindihan mo Eloisa" Napabitaw ako ng hawak sa kaniya ng bigla niyang sabihin yun. Kinabahan ako dahil ngayon lang ako sinabihan ng kapatid ko sa tono ng boses na yun.
Nagpatuloy na siya ng paglalakad nauuna na sakin hindi agad ako nakasunod dahil prenoproseso pa ng isip ko ang mga sinabi niya.
"Galit ba s'ya? Oa masyado sabing okay na ako" Pabulong kong wika sakto lang para hindi niya marinig. "Eloisa, Bilsan mo" Sigaw niya kaya agad akong tumakbo para masundan siya malayo na kasi ang pagitan namin.
Malapit na kami sa building ko hindi na sana ako magpapahatid dahil alam kong late na s'ya sa klase niya pero ayaw niya ako iwan. Ganyan si kuya tuwing nasasaktan ako kahit nuong bata palang kami ay todo protekta Siya sakin kahit na nasasaktan na siya.
— 10 YEARS AGO —
"Kuya, I want Ice cream" Turo ng batang ako sa ice cream truck na dumaan sa harap ng park sa village namin. May Isang maliit kasing park dito na pwedeng puntahan ng mga bata, may play ground at mga stoles para sa mga pagkain.
"Wag kang aalis dito okay" Tumango tango lang ako kay Kuya at umalis na siya para bumili ng ice cream na gusto ko.
Habang inaantay si Kuya na bumalik ay nakita ko ang isang batang may hawak na mga bato nilalaro niya ito at pabirong itatapon sa mga kasama niyang mas bata sakin.
Hindi niya sinasadyang na ibato ang isang hawak niya sa direksyon ko akala ko nuon ay hindi ito sakin tatama dahil malayo pero hindi ko inaakalang tatamaan ako.
Tumama ito sa noo ko na naging dahilan ng pagkatumba ko nanginginig pa ang kamay ko at sinubukan hawakan ang parte ng noo ko na tinamaan ng bato at meron itong dugo. Nagsimula ng tumulo ang luha ko dahil sa sakit, kasabay ng panlalabo ng paningin at ang kasunod ay ang pagkawala ng malay ko huling nakita kona lang ay ang tumatakbo kung kapatid habang sinisigaw ang salitang tulong.
— PRESENT —
Pag gising ko sa aksidenteng yun ay hindi na umalis si Kuya sa tabi ko hanggang gumaling ako. Palagi niya sinasabi na hindi niya ako iiwan para hindi na ulit mangyari yun.
Palagi din siya nag so-sorry sakin dahil daw sa kaniya kaya nag kasugat ang mukha ko. Lagi na lang ako natatawa kapag naalala ang mga nangyari noon dahil talagang hindi niya ako hinayaan na malayo sa kaniya.
Pagpasok palang ng classroom ay nakatingin na sakin lahat ng tao. Dire-diretsyo lang ako papunta sa pwesto ng upuan ko. "Hey, Kamusta ka?" Nagulat ako dahil nakita ko si Cloud na nasa harap ng upuan ko nakatalikod ito dahil nakaharap siya sa akin.
Bali ang likod niya ay kita kapag may professor sa harap. "A-ah Okay Naman ako" Pilit na ngiti ang nagawa ko dahil hindi parin ako sanay na kumakausap ng hindi ko masyado kilala. Marami pa s'yang tanong na hindi ko na sinagot dahil may damating ng professor masyado siyang makulit at naiingayan ako.
Hindi naman sa ayaw ko s'yang kausap pero parang ganun na rin. Hindi ko maintindihan ang tinuturo dahil iniisip ko parin ang lahat ng nangyari sakin masyado ng maraming nangyari sa dalawang araw ko dito.
Kakasimula palang ng pasokan pero parang may kaaway na agad ako. Masyadong mainit ang ulo ng lalakeng yun sakin, kahit ngayon ko lang s'ya nakilala ay para bang nakita kona siya na hindi ko lang maalala.