Chapter three

1807 Words
“WOW!” mahinang usal ni Angelie ngunit malayang nakaabot sa pandinig ni Michael. Napuno ng pagkamangha ang maganda at maamong mukha ng babae nang biglang bumukas ang bakal na gate at tumigil ang kanilang sinasakyan sa tapat ng isang malaki at moderno ang istolo ng bahay. Mas malaki pa ito kumpara sa mansiyon ng mga Sandoval. Napanganga ang kanyang makipot na labi. Hindi na mabilang kung makailang ulit niyang nabigkas ang salitang ‘wow’ lalo na at nakikita niya ang malaking swimming pool na nakalagay sa kaliwang bahagi ng malawak na bakuran. Mas lalong bumalatay ang pagkamangha sa mukha ni Angelie nang matanaw niya ang green house na may nagliliparang iba’t-ibang kulay ng mga butterflies. Matamis na ngiti ang nakapinta sa labi niya nang napabaling ang kanyang tingin sa malawak na hardin na napuno ng mga iba’t-ibang uri ng mga bulaklak. Hindi magkandaumayaw ang mga mata habang tinatanaw ang mga magagandang tanawin. Dagling nakalimutan niya ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang biyenan dahil sa magandang tanawin na natatanaw. Makailang ulit niyang ipinikit ang mga mata dahil akala niya panaginip lamang ito. Ngunit nang muli siyang nagmulat t’saka pa lamang niya napagtanto na totoo pala ang lahat ng kanyang nakikita. Halos hindi siya nakapaniwala na nag-e-exist pala ang ganito kagandang tanawin. Akala niya na sa poster lamang niya ito makikita. Nagmistulang human made paradise ang bakuran ng malaking bahay. Patakbong bumaba siya ng sasakyan. Nakalimutan niyang kasama pa pala niya ang kanyang asawa. Buong pananabik niyang tinahak ang marble na path way patungong hardin. Hindi niya napigilan ang sarili, nangangati ang kanyang mga kamay na hawakan ang iba’t-ibang variety ng rosas at orchids. Sa palagay niya nandito na lahat ng klase ng mga bulaklak. Nang tuluyan niyang narating ang gitna ng hardin, matamis niyang ngumingiti pagkatapos marahan niyang ipinikit ang mga mata habang sinasamyo ang mga halimuyak na mga bulaklak. Tila isa siyang batang paslit na tuwang-tuwa sa lahat ng kanyang nakikita. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganito kagandang tanawin. Marami man ang halaman sa hardin ni Donya Clemente ngunit dito mas hamak na maraming tanim na mga halaman at mga bulalak. Nakakabusog ng paningin sa ganda ng hardin. Hindi pa man nagsawa ang kanyang paningin sa mga nagagandahang bulaklak at halaman, tinahak naman niya ang malapad na daan patungong green house. Excited na siyang makita nang malapitan ang mga paru-paro. Hindi magkandaumayaw ang kanyang mga mata kung saan ibabaling ang kanyang paningin sa mga iba’t-ibang laki at kulay ng mga butterflies. Inilabas niya ang kanyang cellphone sa bulsa at hindi napigil ang sarili nakunan ito ng larawan. “Wow! Nakakamangha!” sambit niya nang masaksihan ni Angelie ang kakalabas pa lamang na butterfly to the pupa. Isang Monarch butterfly ang kanyang nakikita, isang sa mga uri ng paru-paro. “You like it, honey?” untag sa kanya ni Michael. Hindi niya pansin na nakasunod na pala sa kanya ang asawa. Nakalagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay nito habang matamis itong ngumiti masayang pinagmamasdan siya na nanatili pa rin na nakapikit. Ito ang katangian na mas lalong nagustuhan sa kanya ni Michael. Bukod sa maganda at mabait. Napakadaling pasayahin niya kahit na sa mga simpleng bagay. Masasabing halos lahat ng magandang katangian ng bilang isang babae na kay Angelie. Napamulat ng mata si Angelie at nahihiyang siyang tumango sa asawa. “Sobra! Ang ganda! Akala ko sa pelikula ko lamang ito makikita, Michael,” hindi maitago ang tuwa ng kanyang tinig. “Kaso baka magalit ang may-ari ng bahay. Pinakialaman ko ang kanyang mga bulaklak. Kaibigan mo ba ang may-ari nito? Baka p’wedeng makahingi sa kanya,” dugtong ni Angelie. Napataas ang kanyang kilay nang marinig ang mahinang halakhak ng lalaki. Sabay pisil ng kanyang pisngi. “Walang magagalit sa’yo, honey. Because everything that you’ve seen here, is all yours, honey. At ang mga bulaklak na ito. Simula ngayon ikaw na ang mag-aalaga niyan. You can do what ever you want.” Mas lalong nanlaki ang mata ni Angelie dahil sa narinig. “A-anong ibig mong sabihin, Michael?” may pagtatakang tanong niya. Hindi niya mabatid kung ano ang pinagsasabi ng kanyang asawa. “This huge garden is yours, honey. And that house, is our new home.” Turo nito sa bahay. Napatakip siya nang kanyang bibig para pigilin ang pagtili. “Talaga, Michael? Salamat!” masayang saad niya sabay yakap ng mahigpit sa asawa. “Welcome honey, hindi pa man tayo ikinasal sinimulan ko ng ipatayo ang bahay na’to. Dito tayo magsisimula ng ating pamily, kasama ang magiging mga anak natin.” Maluha-luhang tugon ni Michael. At tinumbasan ang pagkakayakap niya. Napanganga si Angelie sa narinig hindi siya makapaniwala. “Pero paano mo nalaman na paborito ko ang ganitong mga rosas at orchids?” curious niyang tanong. “You know your husband, honey. I have my way.” Oo, nga pala. Nakalimutan niya kung ano ang kayang gawin ni Michael. He’s one of the most poweful person in their town. Inakay siya nito, paakyat sa apat na baitang na hagdan bago marating ang main door ng bahay. Kinuha ni Michael ang kanyang kamay at ipinatong sa palad niya ang susi. Kung namangha si Angelie sa labas ng kanilang bahay mas lalo siyang napamangha nang sumalubong sa kanya ang hitsura sa loob. Combination ng gray white ang pintura ng dingding. May tatlo itong palapag. Sa entrance pa lamang tanaw na ang malaki at antique na piano. Mula sahig, mwebles at mga eleganting palamuti ng bahay halata na sobrang mga mamahalin ito. Maging ang malaking chandeliers na nakasabit sa kisame hindi maipagkakaila na milyon-milyon ang halaga nito. Sa corridor, matatagpuan ang mga ancient jars na nabili pa ni Michael abroad. At sa bawat gilid may mga indoor plant na nakalagay sa mga malalaki at mamahaling mga pasu. Napakalawak ng living room na p’wedeng dausan ng party dahil sa laki. Sa unang palapag naroon ang sariling opisina ni Michael, mini library, family at movie room. Mayroon din malaking playroom para sa magiging anak nila. “Pero hindi ba masyado itong malaki para sa atin? Ayos lang naman sa akin kahit munting bahay, basta ang mahalaga magkasama tayong dalawa, Michael,” baling niya kay Michel. Nandito sila ngayon sa malaki at malawak na komedor, may twelve seater table. Na may nakasabit na malaking painting ng ‘Last Supper’ sa dingding. Tunay na nalulula siya sa laki ng kanilang bahay ngunit dalawa lamang silang tumira rito. Mas lalong lumapad ang pagkakangisi ng kanyang asawa. “Alam ko na gusto mo lang ang simpleng pamumuhay. But I want to give the best for you, honey. At isa pa, you know your husband. I’m a governor, paniguradong marami akong maging bisita. At tama lang ito para sa isang dosena na maging anak natin.” Nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki. “Isang dosena? Sobrang dami naman ’yan. Magmumukha na akong inahin na baboy niyan, eh!” reklamo ni Angelie. Nakausli pa ang kanyang nguso habang sinabi ang mga katagang ’yon. “Yes, honey, gusto ko ng isang dosenang anak. Pero sa ngayon kailangan muna natin simulan ang paggawa ng isa.” Nagkulay kamatis ang mukha ni Angelie dahil sa tinuran ng lalaki. Alam niya ang nais ipahiwatig nito. “Ngayon na ba talaga?” kunwaring ayaw niya. Ngunit ang totoo nasasabik rin siya. “Hmmp, mukhang ayaw mo yata, eh,” kunwaring nagtatampo ang lalaki sa kanya. “Sinabi ko ba na ayaw ko?” “So if that’s case let’s get ready, honey?” Napatili siya nang biglang buhatin ni Michael. “Woah! Michael! Ibaba mo ako. Mabigat kaya ako, baka mahirapan ka sa pag-akyat!” sita niya nang makitang humakbang na ito sa unang baitang sa matayog na hagdan paakyat sa ikalawang palapag. “Minamaliit mo ba itong mga muscles ko, honey? Wala ka yatang bilib sa akin?” Magkahalong tili at tawa ng dalawang tao ang namayani sa loob nang malaking bahay nang tumakbo ito paakyat ng hagdan, hanggang sa tuluyan na silang nakapasok sa loob ng kanilang silid. At maingat na inilapag siya sa gitna ng queen size bed. Bulaklak din ang print ng bedsheet na ginamit sa kanilang kama. May malaking walk in closet, kulay pink na vanity mirror. May sixty four inches na flat screen tv na nakadikit sa dingding. May two doors refrigerator din sa kanilang silid na punong-puno ng laman. Halos mapatalon si Angelie dahil sobrang tuwa nang masilayan ang malaking book shelves na punong-puno ng mga libro. “Ah!” tili ni Angelie nang makita ang mga akda ng paborito niyang authors na sina SRREDILLA, MISS CHOI, MAGIC HEART, AVRIN KEZIAH, DRAGON1986, MitsyBoo, Shinzanzou, Eastlander, Airisha Mine Monterealez, Pret Ty Bella at Messy girl na naka display. Ang kanilang mga akda ang kinababaliwan ng babae. Kinuha niya ang mga libro at niyakap isa-isa. She’s an avid reader to the said authors. “Thank you, Michael.” buong pusong pasasalamat niya kay Michael dahil lahat ng kanyang mga paborito alam na alam nito. Ginawa talaga ng lalaki ang lahat na maaring makapagpasaya sa kanya. “No worries, honey. Lahat gagawin ko para sa’yo. “I love you and thank you for everything, Michael,” bulong niya sa punong tainga ng kabiyak. “I love you too, honey.” Walang pagtutol nang kabigin ang kanyang maliit na beywang papalapit kay Michael. “S-sandali lang.” Nangunot ang kanyang nuo nang mapansin niya ang malaking portrait ng babae nakasabit sa sa dingding. Naka-side view at nakalugay ang mahabanag buhok. Dahan-dahan ang mga hakbang ni Angelie at inaninag ang babae sa malapitan. Parang pamilyar sa kanya ang babaeng nasa portrait. “She’s really beautiful,” narinig niya wika ni Michael na ikanalingon niya. Malungkot siyang bumaling muli sa portrait. ‘Ano ang relasyon ng asawa ko sa babaeng ’yan?’ “This was the first time I saw you, honey. You already captured my attention on that time?” “Y-you mean, that was me?” hindi makapaniwalang tanong ni Angelie. “Aha!” maiklong tugon naman ni Michael sabay muling hapit sa kanyang beywang at niyakap siya ng mahigpit sa bandang likuran. “Pinagawa ko ’yan dahil nais kong makita kita sa bawat paggising at pagtulog ko. Pero ngayon, hindi na kailangan ng portrait dahil kasama nakita mahal ko.” Pinihit siya nito paharap at walang pasabing sinunggaban ng halik ang kanyang nakaawang na mga labi. Kusang kumapit ang mga braso niya leeg ng kanyang asawa. At ipinikit ang mga mata para damhin ang masuyong halik na buong puso naman niya itong tinanggap. Tila siya dinuduyan sa bawat hagod sa mainit na kamay ni Michael sa kanyang katawan. Muling pinagsaluhan nila ang init ng kanilang pagmamahalan. Tuluyan ng nakalimutan ni Angelie ang nangyari sa mansiyon. Handa na siyang gampanan ang pagiging may bahay ng isang gobernador Michael Sandoval. Kahit marami sa mga tao ang hindi tanggap, na siya ang pinipili ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD