2 TOF

1943 Words
“How is my pamangkin?” Kitang-kita ko kung paano umikot angg mata ni Vienna ng marinig ang boses ni tita Minerva. Nilapitan ako ni tita Minerva at niyakap ng mahigpit, sabay sabing, “Na-miss kita.” Hindi ko siya niyakap pabali at mas gusto ko pa siya na iwakli palayo ngunit, hindi ko na ginawa. “You’re eighteen, which means you can finally decide for yourself.” Kulang na lang ay tumalon siya sa tuwa. Tita grabbed my hand at itinago niya ako sa likod niya, making tita Minerva’s face turned sour. “Ano na naman ang gusto mo Minerva?” tanong sa kaniya ni tita Kendra, ang nanay ni Vienna. Isang hilaw na tawa ang ginawa ni tita Minerva sabay lapit kay Tita Kendra. “Binabati ko lang ang pamangkin ko, Kendra,” sabi ni tita Minerva, saka ako sinilip. “After all, ako naman ang tunay na kaadugo, kami ng pamilya ko,” dagdag niya pa at saka itinuro ang mga kasama niya na nasa gate lang. Kulang na lang matawa ako sa sinabi niya. Ngayong eighteen ako pamilya na agad ang turing nila sa akin. Ilang taon ang makalipas parang basura lang ako na kanilang pinagtabuyan ah. “Ilabas mo yang babaeng ‘yan dito sa pamamahay ko. Hindi ibig sabihin na namatay si kuya ay tayo na nag bubuhay sa babaeng ‘yan. Magaanak-anak tapos may plano naman palang mamatay ng maaga.” Hinding-hindi ko malilimutan ang maaahang na salita na binitawan niya. After my parents died no relatives want to take me in. My parents and I are just lucky na malapit kami sa pamilya ni Vienna. Tito Limuel and tita Kendra are my parents’ best friend, and they took me in and considered me as part of their family. However, this person in front of me is tita Minerva, my father’s sister. They cut ties with me matapos ang aksidente. Kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa niya dito ngayon sa pamamahay ng mga Crisostomo. “Tumabi ka nga,” sabi ni tita sabay hawi niya kay tita Kendra, making tito Limuel shout at tita Minerva. “Nasa teritoryo ka namin kaya huwag kang mananakit!” Agad naman na dinaluhan ni tito ang asawa niya. “Bakit niyo ba kasi tinatago sa akin ang pamangkin ko,” sabi niya at tuluyan na niyang nabawi ang palapulsuhan ko mula kay tita Kendra. Veinna tried butting in pero, sinenyasan ko na huwag na. “Ano bang kailangan niyo?” tanong ko. Ako naman ang ipinunta dito kaya para wala ng gulo haharapin ko na lang siya. “Alam mo naman your pinsan is nasa tamang edad na para mag-asawa,” panimula niya. Nasa may gate na kami ni tita Minerva nag uusap. While the Crisostomo family ay nasa hamba ng kanilang pintuan, nagmamatyag at hinihintay ako. Napatingin naman ako sa anak niya na nakasandal sa kanilang nakaparadang sasakyan. What is it for me kung nasa tamang edad na para mag-asawa ang anak niya? Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinawakan ang mga ito. Napabalik sa kaniya ang tingin ko ng dahil sa ginawa niya. “Kuhang-kuha mo ang mata ni kuya.” Nagulat ako sa biglaang pag-iiba niya ng usapan at ang mas paghinahon pa ng kaniyang boses. “But kuya’s eyes are soulful, yours are blank,” dagdag niya at mas lalong hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko. “Minerva ano ba? Matagal pa ba ‘yan?” sigaw ni tito Fernando, ang asawa niya. Para namang natauhan si tita dahil sa sigaw ni tito. “Gaya nga nang sabi ko kanina, ikakasal na ang pinsan mo narito kami para sana bawiin ang lupa na kinatitirikan ng bahay ninyo.” Kumunot ang noo ko as sinabi ni tita. “Babawiin? Sa pagkaka-alam ko, kay papa nakapangalan ang lupa at bahay namin tita.” “Ayon na nga, nasa tamang edad ka na naman, baka pwede mong pirmahan ang dukomento na dala namin ngayon, para malipat namin sa pangalan pinsan mo ang lupain na kinatitirikan ng bahay ninyo. Total parang maayos ka na naman dito. Isa pa sa mga magulang ko naman talaga iyon, ngayong wala na si kuya natural lang naman sigurona kunin ko na iyon sayo. Si Chelsea naman talaga ang tunay na magmamana niyan.” Matapos niyang sabihin iyon ay nagmadali siya sa pagpunta sa kotse nila at may kinuha na dukomento. Halos hindi na magkandaugaga si tita sa pagmamadali. Samantala, si Chelsea naman ay inip na inip lang na nakatingin sa kaniyang ina. Halos umikot nama ang mata ko nang makitang naninigarilyo si tito. “Eto na Mitch o,” sabi niya. Her eyes look so hopeful pero, blanko ko lang na tininngnan ang papel na inihahayag niya sa akin ngayon. “Mitch,” tawag sa akin ni tita Minerva. Nang ibaling ko sa kaniya ag blanko kong tingin ay nginitian niya ako nang pagkalaki-laki. “I won’t sign any papers.” Nakarinig ako nang marahas na pagsara ng pinto ng sasakyan matapos kong sagutin si tita. “Ano?” tanong ni tita gamit ang mataas na boses. Nawala din ang malaking ngiti na nakaplaster sa mukha niya at naibaba ang kamay na may hawak ng papel. Hindi makapaniwala sa sagot ko. “I will not sign any papers,” pag-uulit ko sa sinabi ko sa kaniya. “Didn’t you hear mommy? Sa kanila ‘yon, originally. Sa family nila!” Nakisali na sa usapan ang kaninang tahimik lang na si Chelsea. And I am part of this family. “Congratulations on your upcoming marriage. Pero sana man lang naghanda ka para sa future mo, kayo ng mapapangasawa mo. Nasa tamang edad ka na nga para sa pag-aasawa pero sa tingin ko wala ka pa sa tamang pag-iisip para magtayo nang sariling pamilya,” I said. I didn’t mean to sound mean or harsh but that’s the true. If she continuously rely on her parents wala ring mangyayari. “Anong sabi mo?” galit na sigaw niya. Sigurado akong kung hindi siya pinigilan ni tito ay nasabunutan na ako ngayon. “I’m so sorry, tita Minerva pero, hindi ko po pipirmahan ang dokumentong ‘yan. If I you are really the rightful owner of our land dapat ay sayo nakapangalan iyon. It’s really nice seeing you after how many years pero, I prefer not to see you again po,” I said with all the respect. Nakita ko ang pag-awang ng kaniyang labi bago ko pa man siya talikuran. Nagulat naman ako na nasa likod ko na pala sila tita. “Pumasok ka na sa loob,” utos sa akin ni tita Kendra. “Makaka-alis na kayo,” sabi naman ni tito. Hindi pa man kami nakakapasok sa bahay ay sumigaw si tita Minerva. “Wala kang utang na loob!” Hinagod ni tita Kendra ang likod ko at nginitian bago ako giniya papasok. “Wala naman talagang utang na loob si Mitch sa kanila kasi, hindi naman siya tinrato ng maayos ng pamilyang ‘yon.” Naka-alis na sila tita Minerva at ang pamilya niya pero patuloy pa din ang galit ni Vienna. Matapos namin na kumain ay inasikaso ko na ang rating form para maipasa ko na kay Rain. “Iyan ba yung listahan ng mga nag apply sa publication?” Hindi na hinintay ni Vienna na sumagot pa ako at talagang inihatap niya sa banda niya ang laptop ko. Nanlaki naman nag mata niya habang nakatingin sa screen ng laptop ko. “Totoo nga, talaga nga’t nag apply si Enzo.” Padarag ko na hinarap sa akin ang loptop ko. “Hindi ka dapat nangingi-alam sa mga bagay na ganito. This is confedential,” sabi ko. “Akala ko hindi totoo ‘yong chismis,” sabi niya ta parang tangang dumeretso palabas ng kwarto ko. Buti na lang talaga at hindi ko pa nalalagyan ng scores ang lahat ng nag apply. “Lorenzo Montecillo.” Basa ko sa panghuling pangalan. Walang pagdadalawang-isip ko na nilagyan ng pulang “FAIL” ang application niya. Matapos ko na maisend kay Rain ang result ay nagpasya na ako na maghanda para makatulog na. Natigil ako sa pagpupunas ng mukha nang maalala ko ang sinabi ni tita Minerva kanina. “Kuhang-kuha mo ang mata ni kuya.” I look at my eyes in my reflection in the mirror. Tita is right, my brown emotionless eyes look exactly like my father’s eyes, isali na din ang mahahabang pilikmata, and the thin and pale bow lips. While the effortlessly thick and formed eyebrows ay kagaya din ng kay mama. My refined nose at mataas pero medyo kulot na buhok sa bandang ibaba ay nakuha ko din kay mama, as well as the shape of my face. Napabuntong hininga ako bago nagpatuloy sa pagpupunas ng mukha at natulog na. Kinabukasan nagising na lang ako na nababalot ng pawis at habol-habol ang hininga. Umayos ako ng upo at inaayos ang paghinga. It’s the same dream again. Nakarinig ako nang tillaok ng manok, ibig sabihin maaga pa. Hindi na din naman ako makakatulog pang yli kaya minabuti ko na lang na pumunta sa kusina para uminom ng tubig at maghanda ng agahan. Matapos ko magluto ay nag bihis na ako dahil maaga ang pasok ko. Lumabas ako para isampay ang tuwalyang gamit nang madatnan ko si tita na nakatingin sa hapag. “Good morning po.” Napa-igtad si tita sa ginawa kong pagbati sa kaniya. “Ginulat mo naman ako,” sabi niya habang hapo-hapo ang kaniyang dibdib. “Ikaw ba ang nagluto nito?” tanong niya sa akin na tinanguan ko lang. “Ganoon ba?” sabi niya habang nagkakamot ng batok. “Ang aga mo namang nagising,” komento lang niya bago nagtungo sa pinaglalagyan ng tasa at instant coffee. Ako naman ay dumiretso na sa labas para isampay ang tuwalyang ginamit ko kanina. Maaga ako na umalis kahit na hindi naman maaga ang pasok ko ngayon. Hindi na ako ang abala pa na dumaan sa publication office, si Rain na ang aasahan kong magpasa no’n kay ma’am. Nasa ilalim ako ng punong mangga, sa kiosk ng Education Department mas tahimik kasi at malapit lang din sa department namin. Habang tahimik ako na nagbabasa ay napa-anagat ang tingin ko dahil sa may narinig akong click ng camera. Pag-angat ko ng tingin ay siya namang pag-ayos nang tayo ng lalaking nasa harap ko, hindi ko alam kung nagkukunwari bang tinitingnan ang kuha niya o umiiwas lang. “Delete those,” walang pasubali kong sabi sa kaniya at ang walang hiya nginitian lang ako. Kumunot ang noo ko. Wait, kilala ko ba ang isang to? He looks familiar. Saan ko nga ba siya nakita? “I’m sorry for taking a photo of you without your consent,” sabi niya sabay baba ng camera at pagpapacute. Napangiwi ako sa ginawa niya at aalis na lang sana nang makita ko ang camerang hawak niya. Napabaling akong muli sa kaniya and I am right camera nga ng pub ang gamit niya. Hindi ako maarinng magkamali dahil ilang beses ko na iyong nagamit. Bakit nasa kaniya ‘yan? May nag audition ba ulit nang lingid sa kaalaman ko? Instead na tanungin siya patugo sa camera ay piagsabihan ko na lang siya ulit sa pagbura ng larawan ko. “Delete those,” pag-uulit ko bagoko siya tuluyang iniwan. “Sandali!” tawag niya sa akin pero hindi ko na siya binalingan pa. Habang naglalakad naman ako palayo sa kaniya ay nakikita ko ang pagbubulong-bulungan ng aking mga nakakasalamuha. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil hindi naman ako ang tinitingnan nila. Kahit na maaga pa ay dumiretso na lang ako sa room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD