“May nag confirm na ba ng schedule sa mga gusto maging photojournalist?” tanong ko kay Rain habang binubuhay ang computer.
Kadarating ko lang sa student publication office. Ilang araw pa lang mula nang mag simula ang pasukan pero madami ng dapat gawin.
We are currently in need to staff, kasi ang daming staffers na gumraduate last academic year. Ako na lang mag-isa ang naiwan sa photojournalist kaya kailangan ko talaga ng makakasama. May mga pagkakataon kasi na nagsasabay-sabay ang events.
“There are people yata na gusto mag change ng schedule,” sagot sa akin ni Rain, ang aming social media manages. She’s also a news writer.
“Okay. I will open the email of the organization. I’ll reply to them myself.”
I want to read if their excuses are valid or not.
Naiintindihan ko ang excuses ng iba. They wanted to change their interview schedule dahil conflict ito sa schedule ng klase nila, which is valid. Buti na lang at iilan lang ang gustong magbago ng schedule. I did give them their new interview schedule base na din kung kalian ako free. Pero one reason caught my attention.
I can’t attend the interview because me and my friends are scheduled to play basketball at that time.
Agad na tumaas ang kilay ko a nabasa ko. Pero like others, I tried to be considerate at nagbigay din ako ng panibagong interview schedule.
I was busy reading the email of other applicants when he replied.
Nagsimula na ako mainis nang mabasa ang reply niya. He turned it down again because of another basketball game.
If he wanted to be part of the organization then, he should spare us his time. We lack staff kaya kami nag call for application but, hindi ibig sabihin na kami ang maghahabol sa kanila. There are a lot of students that are talented enough na gustong makapasok din ano, hindi lang siya ang i-eentertain ng pub.
I’ll give him another chance, kung sakaling aayaw pa siya ulit dahil sa may game siya, hindi ko na kasalanan iyon.
How about this coming Thursday, 1 pm?
Naging mabigat ang bawat pagtipa ko sa keyboard nang mabasa ang reply niya.
“Ako na lang ang sasagot sa kanya Mitch, kalian ka ba free ulit?” biglaang sabi ni Rain.
Tiningnan ko ang monitor ng computer niya. Nabasa niya din pala ang mensahe ng isa sa mga applicant.
I still have a game by that time, eh. Can we still move it?
“Let me,” sagot ko kay Rain, at bumalik sa pagtitipa.
If you genuinely want to be part of the team, then you should spare us your time. I have already changed your interview schedule three times, and I think that’s enough. I understand your passion for basketball. However, I cannot change my schedule just for you. Remember, you did apply for this. We did not force you. So, we are not going to chase after you. It’s either you show up this Thursday, or we will turn down your application.
Just when I am about to send my reply pumasok naman ang bagong email galing sa kanya.
I can do the interview this Thursday. My friend and I had a sudden change of plans.
“Ikaw na sumagot diyan Rain,” sabi ko at dinelete na lang ang draft na tinipa ko kanina.
This person has a talent for making people’s blood boil.
“O-okay,” sagot niya naman agad.
I closed the email at nag proceed na lang sa ipupublish na mga litrato para sa magazine.
After spending my vacant time in the student publication office ay tumayo na ako para makapagpaalam.
“Bye, ma’am. Aalis na ako I have a class pa kasi.”
“Okay. Babalik ka pa ba mamaya?” tanong sa akin ni ma’am Leilani, ang aming student publication adviser.
May naka schedule ako na interview mamaya kaya tumango ako bilang sagot.
“Ms. Mitchie Winona Guevarra”
“Present po,” sagot ko.
Buti na lang at naabutan ko pa ang attendance.
This professor is very terror, and she hates me so much.
“Next time be on time. Hindi iyong mauuna pa ako sa inyo,” sabi niya.
Habang naglalakad ako patungo sa upuan kung saan ako madalas ay napatingin ako sa relo ko.
Hindi ko alam kung late ba ‘yong relo ko o talagang advance ‘yong sa kaniya. It’s still 2:55 pm in my clock and I am five minutes early.
Nagpatuloy naman siya sa pagkuha ng attendance at tinantanan na ako.
“Ms. Sheina Guerro,” tawag niya kay Sheina, but she got interrupted when a lady knocked on the open door.
“Yes, miss Rivera?” tanong niya sa babaeng nasa hamba ng pintuan.
“You told me to sit-in in one of your classes since I was absent last meeting, professor,” the girl with a lovely voice replied.
She looks elegantly beautiful in her white collared dress. Kung hindi niya siguro nasabi kanina na guro niya si Professor Manansala ay siguro mapagkakalamalan ko siya na supervisor.
“That is Hellen Rivera, the muse of the business department and the only girl na ka close ni Enzo,” sabi sa akin Bea ang seatmate ko, kahit hindi naman ako interesado.
Instead of replying to Bea ay inilabas ko na lang ang notebook ko sa bag. Bea is not offended naman sa hindi ko pagsagot sa kanya, sanay na siya sa akin.
“You sit at the vacant chair next to Mr. Manzano, miss Rivera,” utos ni Professor Manansala.
After my class, I had to go back to the office for the scheduled interview.
“Naryan na pala si Mitch,” announce ni ma’am pagkapasok na pagkapasok ko.
“Good afternoon, ma’am,” bati ko kay ma’am na tinanguan niya lang at saka itinuro ang babae na nakaupo malapit sa kinaroroonan ko.
“Applicant natin for photojournalism, Mitch.” Tumango naman ako kay ma’am.
I escorted the girl inside the room kung saan gaganapin ang interview. I have already prepared the camera that she will be using mamaya.
The applicants will have to go through a series of steps kasi. Step one is sending their application to our office, the second is the interview part which will happen starting today, and the third is sample works, which will also happen the day of their scheduled interview.
“Let me first introduce myself. I am Mitchie Winona Guevarra, but you can call me Mitch, or ate Mitch. I am a third-year student, taking up hospitality management,” pormal na pagpapakilala ko sa kanya.
“Hi, ate Mitch,” sabi niya, at nahihiyang binigyan ako ng ngiti.
“Now, introduce yourself,” utos ko sa kanya.
“I am Janella Mikaela Cuevas, a freshman student taking up Information Technology po. I’m sixteen years old po.”
“How should I address you?”
Baka kasi ma offend siya kapang tinawag ko sa sa pangalan na ayaw niya.
“You can call me Jan po.”
“Nice meeting you Jan,” sagot ko pero no sign of smile touched my lips, kaya mas lalo siya na kinabahan.
“I will ask you questions. You just have to answer it honestly. You may answer it in any language of your choice, as long as maiintindihan ko. Understand?”
“Yes, po,” sagot niya.
Nakita ko ang pag-ayos niya ng upo.
“Shall we start?”
Nagsimula na ako sa pagtatanong sa kanya. Medyo nahiya naman ako kasi marami na pala siyang karanasan pagdating sa photojournalism kumpara sa akin.
“I look forward on working and learning from you. But for now, I want to see your work.”
Kinuha ko ang camera na nasa lamesa at ibinigay sa kanya.
“I will be giving you thirty minutes to capture images sa loob ng campus using that camera. Then you can come back here.”
“Okay, po.”
Agad niya na kinuha ang camera at nagpunta agad sa labas para gawin ang ini-uutos ko.
That would be challenging on her part kasi papalubog na ang araw, there would be no natural light.
Agad naman na nakabalik si Jan dala ang camera.
“We will send you an email for the result. Thank you for sparing us your time.”
“Thank you din po. Bye po,” sabi niya bago umalis.
Agad ko na itinrasfer ang nakunan niyang litrato sa laptop na hiniram ko kanina.
“Magaling ba?” tanong ni Yael na nasa likuran ko.
Hindi ko na siya sinagot at nag focus sa ginagawa ko. I am amaze with the shot. I’ll definitely let that girl pass.
The interviews with different applicants went smoothly not until this day.
Isang oras na akong naghihintay dito sa office ng student publication because I am scheduled to interview the last applicant for the photojournalism. I waited for another fifteen minutes pero walang dumating.
“I have to go,” paalam ko sa kanila.
Sabi ko naman, I will not chase after that applicant.
“May inter-”
Hindi na natapos ni Rain ang sasabihin nang magsalita ako gamit ang natural kong monotone.
“I will not waste another second waiting for that applicant,” sabi ko, sabay kuha nng gamit ko at labas ng office.
Bago pa man ako lumabas ay nakita ko pa na may sasabihin pa sana si Rain pero pinigilan na siya ni ma’am Leilani.
Nasa telepono ang tingin ko habang tinatahak ang daan patungo sa building naming, nang may humarang sa akin.
“Hi.”
Naalis ang tingin ko sa aking telepono at napatunghay sa nagsalita. Nakita ko ang lalaki na nakaharang sa aking dinaraanan, may malaking ngiti sa labi at nakataas pa ang kaliwang kamay dahil sa pagbati.
‘Who is this man? At bakit ang lakas ng loob niya na harangan ang dinaraanan ko?’ Tanong ko sa aking sarili.
“Hi,” pag-uulit niya.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kinakalkal ko ang utak ko, trying to remember if I had seen this man before o ngayon ko lang siya nakasalamuha.
“Hi,” sabi niya ulit at iwinagayway ang kanyang kamay, pero ang awkward na ng kanyang ngiti.
Nang hindi ko siya ma recognize, ay ibinalik ko ang aking tingin sa aking telepono, humakbang pa kanan, at naglakad paalis.
I don’t know that man, kaya natural lang na hindi ko siya kausapin.
Bago pa man ako umuwi ng bahay ay nagpunta muna ako sa simbahan to pray.
Panginoon, ipinagpapasalamat ko po ang karagdagang taon na ibinigay niyo sa akin. Hinihiling ko lang po na sana ay manatiling malusog ang mga tao na malapit sa akin. Gabayan niyo po ako sa aking pang-araw-araw na gawain at sana ay nasa mabuting kalagayan ang magulang ko diyan sa langit.
“Eighteen na po ako,” sabi ko habang nililinisan ko ang dalawang lapida sa aking harapan ay napatikhim ako. This is not the birthday that I have been dreaming of.
Matapos ko kasi sa simabhan ay dumiretso ako sa sementeryo kung saan nakahimlay ang magulang ko.
“I hope you are both doing fine in heaven.”
Hindi lang maganda sa pakiramdam kasi sabay namin tatlo na pinlano ang supposedly 18th birthday ko. Ang mas nakakapangit lang ay hindi ko na sila makakasama pa.
“Sabi ko naman sa inyo na ayos lang sa akin na hindi tayo maghanda. Naging excited lang naman ako kasi sabi niyo papayagan niyo na akong maghanap ng part-time, to become independent, at makatulong sa inyo habang nag-aaral ako. Pero hindi ko naman inahasan na totally magiging independent ako dahil sa biglaan ninyong pagkawala.”
Wala naman akong hinanakit. It just that it’s sooner than I expected.
“But still, I’ll fight. Tutupadin ko pa din ang pangarap ko. Pero mahirap lang kasi, minsan nawawalan ako ng motivation to move forward and pursue. Kayo naman ang naging lakas ko. Pero on the other hand, nagawa ko naman na maging mas matatag.”
My fate was cruel eh, ang aga ba naman na kunin sa akin ang aking magulang.
“I became strong.”
But my life became dark and sad.
“But I don’ t cry anymore,” pagmamalaki ko. Naubos na kasi yata ang mga luha ko.
Hindi na din ako nagtagal kasi magdidilim na din.
Pagdating ko sa bahay ay sinorpresa ako ni Vienna, tito, at tita.
“Happy Birthday, Mitch,” they greeted me.
“Make a wish,” sabi pa ni tita.
Kaya ba talagang tuparin ng maliit na kandilang ito ang hiling ko? Kaya niya ba ako na ibalik noong mga panahaong masaya pa ako?
I can almost taste the bitterness in my thoughts. I just blew the candle na lang without wishing at all.
Matapos ko na mahipan ang kandila ng cake ay sabay kami na napalingon sa padabog na bumukas na gate.