Shaznia's P.O.V: Sinimulan na ni Lunoxx na lantakan ang mga pagkaing binili ko. Pinapanood ko lang siya habang kumakain siya dahil kahit ilang beses niya akong pilitin na subuan niya ako’y hindi ako pumapayag. Ang awkward kaya! ndirect kiss na ‘yon kung sakali dahil parehas lang ng kutsara ang gagamitin namin kung sakali. Tsaka baka iisipin niya pang sinadya kong gawing isangpaper plate iyon para talagang subuan niya ako. Minsan pa naman ay umaandar pagka-assuming nito. Natutuwa naman ako nang makitang natutuwa siya sa mga pagkaing binili ko. Masaya akong na-appreciate siya itong simpleng gestures ko. Wala naman sigurong masama kung magpapakita rin ako ng kaunting pagmamalasakit sa kanya. Nakikita ko namang masaya siya pero alam kong may tinatago rin siyang hinanaing. Tao rin naman si Lu

