Ngumuso si Celestine sa kanya saka muling inangklas ang kanyang kamay sa braso ni Lunoxx. "Hon, naman. Aren't you happy to see me here?" Rinig ko ang pagbubulungan nina Bruno at Ryko sa harapan ko. Minsan ay palihim pa silang tumatawa. Umiwas na ako ng tingin kina Lunoxx at Celestine at binaling na lang ang atensyon sa anak kong kumakain ng chips ngayon. "Who's that kid?" rinig kong tanong ni Celestine sa likod ko. Lumingon ako sa kanya. "Anak ko, Madame Celestine." She sarcastically laughed at me at bahagya pang napatakip ng bibig. Nanliit ang mata ko sa kanya. I know what she's thinking. "May anak ka na pala?" Lalo niya pang idinikit ang kanyang katawan kay Lunoxx na ngayon ay nakakunot na ang noo. Hindi ko sinagot si Celestine dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nan

