Shaznia's P.O.V: Sa lumipas na dalawang Linggo matapos ang insidente ay muling naging payapa ang mga buhay namin. Inamin ko na rin sa lahat ang tungkol sa pagbabantang natatanggap ko. Sina Ryle, Chloe at Bryle lang naman ang tanging hindi nakakaalam tungkol do’n kaya nang aminin ko iyon sa kanila ay mas nag-alala sila sa’kin. Akala ko nga’y magagalit sila dahil nilihim ko sa kanila ang tungkol do’n. Ang sabi naman ni Chloe ay imposibleng magagalaw sila ni Celestine dahil tantya niya’y ginagamit lang sila ni Celestine para lalo akong takutin. Pagkatapos nang nangyaring aksidente ay nanatili kami sa ospital nang halos apat na araw dahil kailangan pa ng mga doctor na obserbahan si Lunoxx. Hindi naman malala ang tama niya dahil wala namang natamaan sa mga organs niya. Buti na lang daw at ag

