"Nako, Sha! Ano iyong nabalitaan ko, ha?!" naiintrigang tanong ni Chloe habang nagda-drive siya. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan ng kaniyang sasakyan at bahagyang hinilot ang sentido ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin marehistro sa utak ko ang nangyari. Ang daming tanong na bumabagabag sa utak ko. Gaya ng…bakit nandoon si Lunoxx? Bakit niya ako pinapasakay sa sasakyan niya? Ba't siya napatawag sa'kin? Shuta. Hindi naman puwedeng itanong ko 'yon sa kaniya! "Sha, kinakausap kita! Huwag mong iwasan ang mga tanong ko!" "Chloe, kanina ko pa sinasabi sa'yo na wala akong alam sa mga nangyari kanina," wika ko habang nakapikit pa rin. "Imposible! Tsaka bakit ba nandoon si Ryle? Anong ginagawa niya sa kumpanya ni Mr. Monteverde?" I shrugged at her. "Basta ang alam ko lang ay nagkaroon siya ng

