Alas kwatro ng hapon nang magising si Shaina. Pinakain ko muna siya ng meryenda bago kami bumaba. Hindi na ako nagpalit pa ng damit dahil suot-suot ko naman ang swimsuit ko kanina. I just covered it with my dress. Binihisan ko muna si Shaina bago kami nagdesisyong bumaba. Nang makarating kami sa beach ay agad kong hinanap kung nasaan sila. Unang napansin ng mata ko ang isang lalaking nakatayo habang nakapamulsang nakaharap sa dagat. Naka-sunglasses ito at plain white shirt. Medyo magulo rin ang buhok nito dulot ng malakas na ihip ng hangin. Seryoso siyang nakatanaw sa dagat at hindi man lang binigyang-pansin ang mga babaeng halatang nagpapapansin sa kanya. Ayoko mang lapitan siya ngunit wala akong choice dahil napansin ko rin na nakalatag sa may paanan niya ang tela kung saan nakalapag an

