Binatukan ko siya. "Parang tanga ka, Ryle!" Tumawa naman siya habang nagkakamot ng batok. "Biro lang. Ang seryoso mo naman kasi." Tumigil na ako sa gate habang si Ryle naman ay naglakad na papunta sa kaniyang sasakyan Sumandal pa ito't saka nilaro ang susi. "Thanks for accompanying Shaina,” muli kong pasasalamat sa kaniya. "Anything for you and for your daughter, Sha." "Dito ka na lang mag-almusal bukas bago tayo umalis," pag-aaya ko sa kaniya. Halatang hindi niya inaasahan iyon dahil saglit siyang natigilan sa pag-iikot ng susi sa kanyang hintuturo. "Sure." Umayos na siya ng tayo. "I have to go, Sha. See you tomorrow. Have a good sleep." Tinanguan ko siya. "Ingat ka sa biyahe." Pumasok na siya sa kaniyang sasakyan. He started the engine and drove away. Pumasok na ako sa loob at na

