Now I know kung bakit allergic si Shaina sa seafood. Namana niya pala ito kay Lunoxx. Buti na lang at hindi na nila binigyang-pansin ang tungkol doon. We actually enjoyed the dinner dahil na rin kay Tita Lyzelle. Siya kasi madalas ang nagbubukas ng usapan. Si Tito Clyde naman ay seryosong kumakain lang. Parehas sila ni Lunoxx. To be honest, I wasn't really expecting or I've never imagined that my family would have a dinner together with my boss' family. Akala ko talaga ay masusungit ang mga magulang ni Lunoxx dahil masungit si Lunoxx, e. Nagkakamali pala ako kasi ibang-iba sila sa in-e-expect ko. Napapaisip tuloy ako kung mauulit pa ba ito? Halos mag-aalas otso na ng gabi nang matapos kami. Sumabay na ako kay Mama paakyat ng kwarto. Kasama ko si Mama, Shaina, Lunoxx at mga magulang nito.

