MATAMLAY PA rin si Aliyah kahit hapon na. Nanatili lamang siya sa kaniyang kama at panay tulog lang ang kaniyang gjnawa sa buong maghapon. Kahit ang cellphone niya ay hinayaan lang muna niya at hindi pinansin ang mga text at tawag. Narinig niya ang mahinang pagtawag sa kaniyang pangalan dahilan upang magising siya. Papadilim na sa labas at alam niyang pawala na ang haring araw. Unti-unti siyang bumangon at kahit nanlalata pa ay sumili siya sa bintana. Kumunot ang noo niya nang makitang nasa gate si Lavi. Simpleng t-shirt na kulay pink naka-tuck sa maiksi nitong short. Kaagad siyang nagtungo sa pinto at nang makita siya nito ay isang matamis na ngiti ang sinalubong nito sa kaniya pero nang makita ang totoong lagay niya nang makalabas sya at lumapit sa gate upang pagbuksan ito, napalitan

