ISANG LINGGO na lang bago ang pageant na sasalihan ni Celestine sa campus nila ay naging abala itonang todo. Panay kasi rehearsal ang ginagawa nito kapag wala silang klase at kapag nasa bahay naman ay pinaattend ito ng mama nito sa isang exclusive lesson na related sa beauty contest. Nagsisilbi rin itong training upang kahit paano ay may idea ito sa kung ano man ang isasagot sa mga tanong. Kagaya ngayong araw ng Sabado. Nandito sila sa bahay ng mga Guevarra at kasalukuyang nag-tetraining ito kasama ang coach nitong ni Miss Harley. Nasa garden ang mga ito habang siya ay nasa sala at nanonood ng movie kasama ang mama ni Celestine. "Hindi ko alam na maganda pala ang movie na iyan. Dati kasi ay hindi ko iyan pinapansin diyan," anito na natatawa pa. Siya rin ay sumang-ayon dito. "Kaya nga

