DALAWANG ARAW bago ang pageant na sasalihan ni Celestine ay mas nawalan ng oras ito kay Aliyah bagay na naiintindihan naman niya. Nakita rin niya kay Tine na nais nitong dumating na ang contest dahil gusto na nito masuot ang gown. Pinilit niya si Lavi na alisin ang mga ribbon ayaw na ni Tine. Ngayon ay nasa malaking auditorium room sila kung saanmay rehearsal ang mga kalahok. Ito ang huling araw ng rehearsal dahil bukas amaghapon ay pahinga ang mga contestant upang makaipon ng lakas para sa darating na pageant. Nakaupo si Aliyah sa isang bakal na bench habang pinanonoood ang kasintahan sa stage rumampa. Proud na proud siya rito dahil lutang na lutang ang ganda nitong taglay. Hindi naman siya nagiging bias dahil nagsasabi lang siya ng totoo. Napangiti siya nang makitang nakatingin sa kan

